Chapter 7. Truth is I still Love You.

37 8 2
                                    

A/n. Hello people of the republic of the Philippines! Kumusta kayo? Ako dahil sobrang ganda ng pakiramdam ko ngayon eh sobrang inspired akong magsulat. Dito na tayo sa palawan adventure ng magkakaibigan. At masasagot na rin ang matagal na katanungan ng lahat, ang side ni Rome sa ating kwento.

Bale dalawang chapters ang gagawin ko today sa chapter 7. So upnext is the 7.1. Chapter 7. E.v's pov. Today is the day na pinangakong graduation gift sa amin ng parents ni rome. Nasa airport na kami ngayon at hinihintay nalang ang pabebe na si Rome na sobrang tagal dumating mygad!

Lagi nalang bang late ang taong to sa kahit saang bahagi ng buhay niya? Pag ikakasal ba sila ni Heris late groom ang peg nila? Teka teka, bakit ko ba iniisip yon? Hindi ko pa tanggap na sila, diba?

Rome! Sabay sabay nilang sigaw dahil alam ng lahat na naiirita na talaga ang karamihan sa amin. Pipito na nga lang tayo rito magpapa late ka pa? Sabi ni Cara. Mas late si Sandro mga brod! Wala pa rin siya hangang ngayon. Sagot ni Marcus na nagkukutkot na naman ng chichirya sa bag nito.

Binilang namin ang kasama namin at anim pa nga lang kami. hala si Sandro! Sigurado ba kayong pupunta yon? gayong hindi pa sila ayos ni Rome? Tanong ni kuya James. Sigurado yon, hindi pwedeng palagpasin ni Sandro ang libreng trip to El Nido ano? Segunda naman ni Denice na naiinip na rin. Hindi tayo aantayin ng eroplano guys!

Pag 30 minutes pang wala si Sandro, aalis na tayo at bahala na siyang mag pa rebook ng ticket niya pag hindi sia nakarating sa tamang oras. Sabi ni kuya James. Mabagal na lumilipas ang tatlumpong minuto at kunting kunti na lang talaga malulukot na ang mga mukha ng mga kasamahan kong naghihintay sa airport.

O my gosh Sandro! Akala namin hindi kana darating! Sabi ko ng akma na sanang magpupunta sa waiting area ang mga kasamahan kko dahil boarding time na naman talaga. Sakto nga ang calculations ni kuya James na after 30 minutes. Darating ako syempre! Alam kong may palibreng dinner ka later eh. Sabay smirk nito sa gawi ko.

Well, nag board na kami at happy namang nag assist sa amin ang taga airlines na sinakyan namin. After how many hours of travel ay nakarating na kami sa Palawan proper. Guys! Maghihintay nalang tayo ng shuttle dito para masakyan. Kailangan nating sumakay ng fairy boat papuntang isla. Sabi ni kuya James. Nakasakay na kami ng shutttle, sumakay ng fairy boat, sumakay ng bus ng kunti, at heto na nga nakarating na kami sa isang hotel na binayaran na ni ate Caroline pa lang at binigay sa amin ang full package nito.

Wow! tanging nabulalas nalang namin. Orange skies, clear water, pinaghalong pink and white sand, napakagandang sunset dahil hapon na rin kami nakarating dito dahil sa mahaba habang travel. Pinaghalong orange at red na kalangitan.

Nag check in na kami sa hotel at nag isang room nalang kami dahil 7 lang naman kami at ayos lang naman sa amin ang magkakatabi tabi sa iisang kwarto. Kinakabahan tuloy ako dahil makakatabi ko uli si Rome sa halos ilang buwan din naming paghihiwalay.

Dati kasi, noong nasa bahay nila ako, ay ayos lang naman kapag katabi ko si rome matulog. Wala namang nangyayari, kahit paano. Kaya bakit ba ako kinakabahan? Si Rome lang naman iyan. Oo nga, si Rome nga. Si Rome na mahal na mahal mo. Pagkastigo ng isang bahagi ng utak ko.

Nagpahinga na kaming lahat dahil nga manlilibre ako ng dinner sa seaside. Breakfast pa naman mag t take effect ang free food namin kaya ngayon magwawaldas muna ako ng pera para sa mga minamahal kong kaibigan hahahhaha!

Nakatulog na ako ng may biglang tumabi sa kamang kinahihigaan ko. Akala ko nananaginip lang ako dahil ang pamilyar na pabango ang naaamoy ko. Rome? Mahina kong sabi dahil ayoko namang magising si Cara at denice sa magkabilaang gilid ko.

Let's take a walk first Eluna. Let's talk. Alam kong marami kang katanungan. Bulong niya at napatayo naman ako. Hindi pa rin talaga siya nag fe fail na bigyan ako ng butterflies sa aking belly.

magkahawak kamay kaming lumabas ng hotel room at nagpunta sa tabing dagat. Nakatingin ako sa magkahawak naming kamay ng biglang mag blush si Rome sa harapan ko. Kilala ko na ang reaction niyang ito, malamang ay nahihiya o awkward para sa kanya ang ganitong eksena namin. Rome, ako na ang nagbasag ng katahimikan naming dalawa.

Eluna, I'm sorry. I'm sorry if hindi ako ganoon ka tapang na ipaglaban ka. Sorry kung naging mahina ako sa lahat ng bagay that involves you and me. He's cold brown eyes looked at me with love and care. Ito yon eh, ito yung nakikita ko kay Rome noon. Noong tinititigan nya ako with love. Noong ako pa ang mahal niya. At hindi pa si Heris.

Pero Rome, bakit mo ako iniwanan? Oo nga hindi na tayo nung naging kayo ni Heris pero ang sakit pa rin eh. Pakiramdam ko kasi para akong sinaksak patalikod. Pakiramdam ko kasi para akong trinaidor ng pinakapinagkakatiwalaan kong mga tao. Pero ganun talaga siguro Rome. I'm sorry pero babawiin kita kay Heris.

Ipaglalaban ko ang sa tingin kong akin. Hindi kasi ako marunong sumuko alam mo yan. Tested and proven na yan Rome sa dalawang taon natin. Mahal na mahal kita rome. Kahit kailan hindi kita sinukuan. Kahit noon pa lang, ikaw na ang unang sumuko sa atin.

Tumalikod na ako dahil ayokong makita niya ang nagbabagsakan ko na namang mga luha pero maagap siya at nahawakan niya ang braso ko. Iniharap niya ako sa kanya at marahang pinahid ang mga luha ko gamit ang kanyang hinlalaki. Rome, please come back to me, hindi kita kayang isuko kay Heris. Hindi ko kayang makita na masaya ka sa piling ng iba. Selfish na kung selfish, pero pakiusap. Bumalik ka nalang sa akin, ako nalang ulit.

Gusto kong maging tayo ulit Rome, gusto kong akin ka lang kasi hindi ko talaga kayang makita kang nasa piling ng iba. Mahal kita Rome, sobra, at higit pa sa buhay ko. nakita ko na lang na lumambot ang ekspresyon ng mukha niyang dating nababalutan ng lamig.

Untiunting nilalapit ni Rome ang kanyang mukha sa akin at namamalayan ko nalang na napapapikit na ako. Is this the romantic sceen na pinangarap ko? Yung ikikiss niya ako sa ialim ng mga bituin tapos may fireworks? Naramdaman ko ang pagdidikit ng aming mga katawan at mas paglalapit pa ng aking mukha sa kanyang mukha, hooy! Love birds! tama na muna yang kissing sceen niyo! Dinner na!

Sigaw ni Sandro mula sa malayo. Patay gutom ka kamo! Kitang may moment dito ehh! Balik sigaw ko naman dito at napa tss nalang si Rome. halatang pikon hahahaha! Gising na sila! Hinahanap kayo. Hindi ako ang patay gutom dito baka kayo! Muntikan na kayong magkainan kanina eh mga bastos talaga! Sabay talikod nito sa gawi namin ni Rome. Napahagikgik nalang ako habang hila hila ko si Rome na namumula na ang likod ng tenga sa sobrang inis.,.

Truth behind a tear (Treehouse Series 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon