TWL 4

2.2K 42 28
                                    

Carmela's Pov

Pinikit ko ang mata ko habang inaalala ang sinabi ni Juanito. Bakit ba kasi may pa mysterious effect pa yung lalaking yun tsaka para saan yung ibinigay niyang kwintas? Ang gulo,ang gulo gulo.

'Binibini, sa totoo lang nagkasama na tayo ngunit sa ngayon hindi mo maiintindihan kung ikukuwento ko saiyo aantayin ko na lamang na ikaw ang maka-alala.'

Yan. Yan ang salitang yan ang paulit ulit na pumapasok sa isip ko.

Ano ba iyong dapat kong maalala?

"Ate Carmela?"

Pakiramdam ko rin nakasama ko na siya pero di ko alam kung kailan?

"Ate ayos ka lang?"

Arg! Carmela alalahanin mo baka yan ang makasagot sa tanong mo.

"Ate!"

Sino ka ba Juanito?

"Ate! Nakikinig kaba!?"

Napabalikwas ako ng lumitaw si Jenny sa harap ko. "Jenny naman ano ba? Bat ka nang gugulat?

"Ano? Eh kanina pa ako nagsasalita ate di ka lang nakikinig tapos naka tulala ka pa". Sagot niya. Ganun ba kalalim ang iniisip ko at di ko napansin si Jenny.

"Ganun ba?" Nahihiya kong sagot at tumango naman siya. "Eh kung ganon bakit ka nandito? Asan si papa? Si emily? Si Juanito at Ginoong Valdez asan?" Sunod sunod kong tanong.

"Ate hinay hinay lang naman isa lang ako oh." Natatawang sabi ni Jenny.

'Oo nga  naman bat ka ba tanong ng tanong Carmela?'

Heh! Manahimik ka bwisit na utak!

Nababaliw na ata ako pati sarili ko kinakausap ko na. #ParangAbnomalActivity

"Basta sagutin mo nalang yung tanong ko!" Nakasigaw kong sabi. Kung bakit ba kasi arg! Juanito ano bang ginawa mo saakin!?

"Kaya ako nandito kasi ako muna ang magbabantay sayo. Si papa. Ayun kasama si Ginoong Valdez may pinag usapan. Si emily umuwi muna  sa san alfonso walang tatao sa bahay eh." Tuloy tuloy at mabilis na sagot ni Jenny habang nag babasa.

Abay hanep sa sobrang bilis wala na halos  akong naintindihan. Kapatid ko ba talaga to?

"Ahhh." Tipid kong sagot kahit di ko masyadong naintidihan. "S-si Juanito asan?" Parang bumilis yung tibok ng puso ko nung binangit ko ang pangalan niya.

'Talande Carmela'

"Uyy hinahanap si kuyang pogi." At biglang binaba ni Jenny yung libro at tumawa ng malakas. Hindi ko nga ito kapatid #Confirmed

"Heh! Magtigil ka nga. Tinatanong ko lang naman kasi....kasi..." Di ko naituloy ang sasabihin ko kasi bakit nga ba? Bakit ko siya hinahanap?

"Kasi?." May nakakalokong ngiti si Jenny habang nakatitig sakin. Hayy ano ba naman ito wala akong masagot.

"Wag ka nga mag assume! Hinahanap ko lang siya para mag pasalamat okay!" Tama Carmela yun lang yun.

"Weh? Talaga ba." Mapangasar na tanong ni Jenny.

"Oo y-yun...yun lang." Yun nga lang ba ang dahilan ko? Pero bakit pakiramdam ko hindi lang yun ang dahilan.

Ano ba? Ano nga bang dahilan....

I love you since 1892  (Book2) fanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon