TLW 5

264 8 2
                                    

Juanito's Pov

Naupo ako sa harap ng bintana saaking silid iniisip ang kalagayan ng aking binibini. Kung bakit kailangan pa naming mawalay sa isat isa at kung bakit niya ako kinalimutan.

"Juanito." Napalingon ako ng aking mahimigan ang nagaalala tinig ni Ginoong Valdez. "Ano ho iyon?" Turan ko.

"Mukhang malalim ang iiniisip mo. Ang binibining Carmela ba ang laman niyan." Pabirong turan nito at bahagya pang tumawa.

"Ginoo alam niyong kailan man ay hindi nawala saaking isipan ang binibining aking iniibig. Handa kong gawin ang lahat magkasama lang kami."

Tumikhim ito at tumitig sa labas ng bintana ng aking silid unti unti naring  bumababa ang araw maggagabi na pala.

"Bueno kung gayo'y mag ayos ka ng iyong sarili may pupuntahan tayo." Saad nito at lumakad papalapit sa pintuan ng aking silid.

"Saan tayo patutungo Ginoo?"

"Sa tahanan nina Carmela."

Carmela's Pov

"Ate kumusta pakiramdam mo?" Nilingon ko si Jenny bakas pa sa mukha nito ang pag alala.

"Ayos naman na ako." Naka uwi na kami ngayon sa San alfonso nag pasya kasi si Daddy na dito muna kami.

"jet'ame" Pinilig ko ang ulo ko parang umiikot yata ang paningin ko.

"Mahal kita carmela.." 

"Ate? Uyy ate?". Boses may naririnig akong boses. Tinitigan ko si Jenny pero nanlalabo ang paningin ko.

"Tandaan mo ang misyon mo."

Kaninong mga boses yun bakit naririnig ko yun at parang nangyari na yun.

"Paumanhin binibini ngunit mayroon na akong iniibig"

"Carmela mula sa makabagong panahon."

"makabagong panahon."

"makabagong panahon."

"makabagong panahon."

"Mahal kita."

Tumikhim ako. "Ayos lang ako Jenny ikuha mo nalang ako ng tubig.

"Sige sige jan kalang wag kang tatayo."

Hindi ako makapaniwala totoo ang sinasabi ni Juanito na  ako ang Carmelang minahal nya pero paano ko sya nakalimutan?

Patuloy na umiikot ang paningin ko animo'y nalulunod ako sa dagat.

*Weeks ago bago magkita si Juanito at Carmela sa taong 2016 at araw bago mawala sa alala nya si juanito*

Nanlulumo akong dumapa sa kama ko.

Pinigil ko ang luha ko ngunit parang sobra ata ang nararamdaman ko para mapigil ang sakit bakit kasi nabuhay pa ko sa panahong malayo sakanya bakit kasi ang unfair ng mundo.

Hindi ko namamalayan na humahagugol na ako ng iyak ng mahagip ng mata ko ang isang notebook kung saan nagsimula ang lahat.

Ang diary.

Agad kong kinuha ito kung hindi kami magkakasama sa panahon niya alam kong magkakaroon ng pagkakataon na magkasama kami muli.

"Ang pagiibigan natin ay muling maisusulat sa huling pagkakataon at ito ang kahilingan ko." Sulat ko sa diary.

"Carmela." Gulat kong naibagsak sa sahig ang diary.

"Madam Olivia." Hindi makapaniwalang sambit ko.

"Sigurado ka ba sa hinihiling mong iyan Carmela?"

"Oo." Determimado kong sagot. "Magagawa mo naman iyon diba?"

"Oo Carmela ngunit kailangan mong tandaan na may kapalit ang lahat ng bagay."

"Mawawala saiyong isipan ang alala na napunta ka sa panahon ng iyong minamahal at tanging sya lamang ang makapagbabalik ng iyong alala kung sakali kayo'y magkita."

"Sakali? Ibig sabihin hindi ka sigurado na magkikita kami."

"Pasensya na ngunit tadhana lamang ang nakakaalam."

*End of flashback*

"Ate eto tubig." Agad kong ininom ang tubig.

"Oh parang isang taon ka naman nang di naka inom ng tubig ate." Pang aasar nito saakin.

"Loka di ba pwedeng uhaw lang assuming hah." Sagot ko.

"Okey lalabas na ko ah para makapag pahinga ka. Babye."

Napasandal ako sa head rest ng kama. "O m g naalala ko na ang lahat."

At di ko namalayan na hinatak na pala ako ng antok.

I love you since 1892  (Book2) fanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon