TLW 6

177 6 2
                                    

Juanito's POV

"Bumuti na ang pakiramdam ni ate nahuli ka lang ng dating kasi nakatulog na sya mahirap pa naman gisingin yan." Tumango ako at agad na umalis si binibing Jenny.

"Juanito..." Nilingon ko si Carmela maging sa pagtulog nito ay nasa isipan nya ako.

"Sana maalala mo na ako aking carmela."

Bumuntong hininga ako minabuti ko na lamang na lumabas sa kaniyang silid at doon nalamang sya hintayin sa labas.

Carmela' POV

Unti unti kong minulat ang mata ko omg napahaba ata ang tulog ko. Sinubukan kong tumayo pero parang may mabigat na bagay na naka dagan saakin.Yumuko ako ng konti para tignan ito. "AAAAAAH!" Halos ata magising ko na ang kapit bahay namin nagulat ako may naka dagan kasi na aso saakin.

Teka wala naman kaming aso ah? Eh kung ganun kanino ito? Nanlaki yung mata ko may kamukha ang aso na ito ah. "Sampaguita?" Ngumiti ang aso at nilabas ang dila nito napapikit ako at bumuntong hinininga.

"Anak ng teteng naman oh ang gandang umaga aso talaga ang bubungad."

"Ate ate anong problema bakit ka....sumisigaw omg WAAAAH ang cute." Jusmiyo ang sakit sa tenga ng boses ni emily. "Emily pwede paalis ng aso di ako maka tayo eh." Ngiwi ko agad naman inalis ni Emily yung aso.

"Kanino ba yan at bakit may aso dito god amoy aso na tuloy ako." Sumipol sipol si Emily at umiwas din ito ng tingin.

Lumapit ako sakanya at "Aray aray ate bitaw yung tenga ko mapupunit ateeee!" Hiyaw nito ng pingutin ko ang tenga nya heh kala mo makakapag sinungaling ka ah.

"Saan galing itong aso?"

"Hindi ko alam! Aray"

"Bakit ka sumisigaw!?"

Kasi ate bitawan mo na yung tenga ko! Aray! Huhu oo na mag sasalita na."

Binitawan ko naman agad yung tenga nya kawawa naman namumula na. (A/N: no Emily is harmed on the making of this chapter char) Shh author wag maingay.

"Ate baka naman pumasok lang galing sa bintana tong aso." Sagot nito buhat buhat parin nya yung aso. Aba mag sisinungaling pa talaga ah eh second floor ito so pano dadaan yung aso sa bintana ano ito may sa pusa.

Pinanlakihan ko sya ng mata. "Eeeeh...ATE JENNY NAKITA NA NI ATE YUNG INAMPON MONG ASO!"

Narinig ko yung yabag ng paang papunta rito malamang si Jenny na yun.

"Ano bat mo-- Aray aray ate aray tama na masakit." Hindi natapos nito ang sasabihin nya ng palupaluin ko sya ng (A/N:dospordos char) twalya. "Bakit dito ka nagtago ng aso nangamoy aso tuloy ako."

"Assuming inborn kanang amoy aso ate. Aray! Joke lang joke lang!" Nakangiwi nyang sabi syempre piningot ko rin sya para fair sila. Hinahampas hampas nito ang kamay ko aaaand binitawan ko na din sya.

"Ang sadista mo."

"Bakit ba kasi dito kayo nagtago ng aso hah."

"Kasi di masyadong chinecheck ni daddy at lola itong kwarto mo."

"Pag samin mabubuko kami."Tango tangong sagot ni Emily.

"Siguradong buko na kayo."

"Bakit?" Magkasabay nilang tanong

"Hindi ba sumigaw ka kanina Emily." Nanlaki mata ni Emily at sumimangot naman si Jenny.

Agad na kumaripas ng takbo Emily at hinabol naman siya ni Jenny "Sorry na nadala lang!"

"Halika dito kakalbuhin kita!"

A FEW MOMENTS LATER

Masayang masayang pinapaliguan nila Emily at Jenny yung aso at oo and yes pinayagan sila ni papa na mag alaga ng aso. Mga bruha.

"Ate ate anong magandang ipangalan dito sa aso." Tanong ni Emily kay Jenny.

"Hmm dahil puti sya at maganda pwedeng white rose." Sagot ni Jenny na busy sa pagsasabon sa aso.

"Ayoko sobrang haba. Eh kung Vanila nalang." Sagot ni Emily

"Hmm pwede." Tango ni Jenny.

"Ikaw ate Carmela anong gusto mo?"

Sa puti ng balahibo nyan isang aso lang naalala ko lalo na yang nako chocolate nyang mata isa lang sa tingin ko ang pwede.

"Siguro sampaguita."

"Yuck ang baduy."

"Corny mo ate ang old school."

"Ah Baduy at corny pala ah." Humarap ako sakanila at tinapat sakanila ang hose yes nagdidilig ako kanina pa.

"Ehem mga bata tama na yan magbihis na kayo at kakain na."

Agad na rin kaming pumasok sa loob.

SA PANANGHALIAN

"Oh andito pala sila Juanito?" Tanong ko himala at madalas na silang pumunta rito.

"Halina at kumain na tayo." At tahimik na kaming kumain ng may konting kwentuhan pero di na ko sumali Gutom na lola mo besh.

FAST FORWARD

Maghahapon na pumuslit ako para makausap si Juanito gusto kong malaman nya na naalala ko na sya.

"Juanito..." Lumingon ito at ngumiti.

"May sasabihin sana ako." Sambit ko ng nakatingin sa paa ko oh shet may langgam.

"Binibini kung nais mo kong makausap diba dapat ay natingin ka saakin."

Agad akong tumingin sakanya. "P-pasensya na kinakabahan kasi ako." Bumutong hininga ito at iminuestra na umupo ako sa tabi nya.

"Sabihin mo anong bumabagabag sa isipan mo binibini?"

"Naalala na kita Juanito naalala ko na ang lahat." Nagulat ito ngunit agad ding nawala ang gulat na mukha nito ay naging blanko.

Blanko bakit parang hindi sya masaya?

"Hmm kung gayon ay masaya ako para sayo binibini. Paumanhin ngunit Mauuna na ako." Gulat ako ng tumayo ito bakit ganto ang kinikilos nya bakit Juanito?

"S-sandali may problema ba bakit ka aalis agad?" Pigil ko rito.

"Wala ito marahil ay pagod lamang.Mauna na ko magpahinga ka na din magandang gabi Binibini."

Ang paalis nitong pigura ang ang nakita ko. Agad na tumulo ang luha ko. Akala ko magiging masaya sya pag nalaman nya. Isa isa nang tumulo ang luha ko ang impit na hikbi ko ay tuluyan nang naging hagulgol nagsimula na akong umiyak.

'anong problema Juanito'

TATLONG ORAS BAGO ANG PANANGHALIAN

JUANITO'S POV

Habang patungo kami sa tahanan ay tahimik na nagmamaneho bigla itong tumikhim at agaran akong lumingon.

"Nais mong maalala ka muli ng binibini?"

"Opo ginoo naway maalala nya na ko ng agaran."

"Juanito...naalala mo ba ang usapan namin ng ama ni Carmela?"

"Opo ginoo."

"Ang tungkol doon ay kondisyon patungkol sainyong dalawa ni Carmela."

"Hmm ano naman po iyon?"

"Sa oras na maalala ka niya ay ikaw ay lalayo na kung di  ka lalayo mapipilitan siyang ipakasal si Carmela sa ibang lalaki."

"Ibig  sabihin ay.."

"Oo ibig sabihin ay alam ng kaniyang ama ang pagpunta niya saiyong panahon."

"Gagawin ko ang kondisyon ginoo."

"Ikaw ba ay nakakasigurado?"

"Oo para sa kapakanan ni Carmela.Gagawin ko ang lahat."

A/N: Hello co author Nyl_river here please comment your feedbacks reaction and vote this chapter lovelots

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love you since 1892  (Book2) fanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon