*makalipas ang isang linggo*
"Anak nandiyan si Juanito sa ibaba inaantay ka may pupuntahan ba kayo?" bakit parang okay lang kay mudra ko? Hmm I smell something fishy.
"Sige mom mag-aayos lang ako" lumabas na si mom sa kuwarto ko. Hmmm ano namang dahilan bakit nandito si Juanito?
Tapos na ako mag-ayos ng sarili ko at bumaba na ako, wait nasaan si Juanito? Gino-good time ba ako ni mommy?
"Goodmorning Carms" boses mula sa likod ko at siyempre galing kay Juanito yun. Nagtataka ako kung bakit siya nandito kaya tatarayan ko siya bwahahaha! #SungitModeOnLevel999
"Bakit nandito ka?" with matching raise right eyebrow at kunot noo. Nagulat naman ako ng gayahin niya yung ginawa ko at sinabi ko. Why o why? Hindi ko mapigilang matawa! Waaah. Nagpigil ako ng tawa at tumalikod sa kaniya nakakainis ang lakas ng trip niya ang aga aga badtrip.
"Kumain kana Carms may pupuntahan tayo" matching serious tone ano itech bipolar lang? halos mapunit yung mukha niya kanina sa ngiti tapos ngayon poker face naman nakakabaliw tong Juanito na to.
"Saan naman?" saka malay ko ba saan niya ako dadalhin diba? Pagkatapos niyang di magpakita ng isang linggo bigla-biglang susulpot at bakit ngayon lang siya nagpakita.
"Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat" waw may pa talinhaga ang lolo niyo as if alam ko kung saan yun diba?
"Okay okay sasama na ako mag-antay ka lang diyan saglit lang akong kakain" naglalakad na ako otw sa kusina at sumunod siya. eh? Bakit siya sumunod sabi kong maghintay nalang ano siya body guard? Nilingon ko naman siya habang naka-kunot noo ko at dinedma niya lang. Aba! Ang lakas ng amag nito, bahay mo bahay mo? Napansin niya sigurong padabog na yung lakad ko at nagsalita siya.
"Nandito ako kasi ako yung nagluto ng agahan Kaldereta ala montecarlos style" Hindi nga? Nagluluto pala siya bukod sa pang-babadtrip sa akin may magagawa naman pala siyang matino sa buhay niya.
Nasa dining table na kami nandito na pala sila Mommy,Carla at Casper at mukhang patapos na sila so sabay kaming kakain ng lalaking ito? Haynako.
"Anak umupo na kayo ni Juanito mag-agahan muna kayo bago kayo umalis. Juanito ang sarap ng luto mo ah san mo natutunan to? Mukhang tinalo nito ang kaldereta namin sa resto" Umupo na kami ni Juanito at mukhang may gayuma yata yung kaldereta na ginawa ni Juanito at sarap na sarap si Mommy samantalang eto yung speacialty sa resto malapit sa Museo Montecarlos. Saka bakit alam ni Juanito kung paano yun lutuin?
"Ah Tita Paula kaya alam ko kung paano magluto niyan tinuro yan sa akin ni Dad habang nasa Italy kami at may nagturo rin kay Dad sa pagkaka-alam ko iyan daw yung paboritong putahe ng ninuno ko. Inihanda sa kaniya ng isa sa Binibining Montecarlos" sagot ni Juanito kay Mommy kaya pala alam niya. Pero aminin ko hindi ko gusto yung kaldereta kahit na may resto kami sa buong buhay ko isa o dalawang beses ko palang natikman yan. yung mga panahong bata pa ako hindi pa ako marunong magluto e no choice at di ko masyadong type kahit pa specialty pa ewan ko maarte yung dila ko e.
"Kumain na tayo para makaalis na tayo Juanito" napatingin naman sakin sina Mommy at Juanito mukhang gets nila ako na galit-galit muna . Tumayo na si Mommy at kinuha si Casper, sumunod naman si Carla at umakyat na sila sa itaas sabagay tapos naman na kasi silang kumain.
At ang hindi ko tanggap Kaldereta na luto ni Juanito ang nakahain sa lamesa, for the third time kailangan kong kainin to matatagalan kung magpapaluto pa ako sa maid. Para makaalis na rin kami ni Juanito at kung saang lugar ba yung pinagsasabi niya.
Hindi na nagsalita si Juanito at kumain naman siya. At eto ako kakain ng Kaldereta na luto niya eh hindi nga ako kumakain nito sadlayp.
*ahhhm* okay nguya lang Carms malalagpasin mo rin to. Subo pa nga ako ng isa. Whut? Bakit ang sarap o dahil hindi lang talaga ako kumakain nito? O dahil luto ni Juanito anong nilagay niya don ang sarap.

BINABASA MO ANG
I love you since 1892 (Book2) fanfiction
FanficAng pag-iibigan natin ay muling maisusulat sa Huling pagkakataon... At ito ang kahilingan ko. -Carmela Isabella