chapter 17: her sister is alive

11 8 0
                                    

Hayanash's pov

"mama?"   tawag ko kay mama dahil may bine-bake sya dito sa kusina

"bakit?"  lumapit ako sa kanya

" pwede bang sa xirtymtian muna ako kahit isang linggo lang?" paalam ko rito kaya napatigil sya sa ginagawa nya.

"bakit? Anong gagawin mo doon?" 

" mama si kashmir buhay sya, kailangan kong gampanan ang responsibilidad ko sa mundo natin"

" anak patawad kasi hindi ka namin masasamahan ng papa mo sa responsibilidad mo, ang bata mo pa para sa ganyan"  malungkot na saad nito pero niyakap ko lang sya

"ayos lang ma"   saad ko dito at niyakap nya rin ako pabalik

Aerdna's pov

"oluap?"  tawag ni yehn kay oluap kasi tahimik nanaman sya

"pre!" sigaw ni harry dito

"oluap baka mastroke kana"  saad ko rito pero tanging lingon lang ang natanggap namin

"nag aalala ako kay yanash nasaan na ba sya?"  saad nito saamin

Yanash kung kailan kita minahal syaka ka naman mawawala, ano bang pinagkakaabalahan mo? Si mama at papa nawawala na pati ba naman ikaw? Yanash bumalik kana plsss

Ano ba naman ang pinag iisip ni oluap, sigurado akong nasa xirtym clan si hayanash baka may ginagawa lang babalik rin sya
.
.
.
.
.
.

"uuwi na ako harry at aerdna ha?" paalam ni yehn

"hoi nico! Ingatan mo si yehn!"  sigaw ni harry dito kaya natawa kami nag thumbs up naman si nico at inakbayan na si yehn

"tara na aerdna"  nilahad nya ang kamay nya kaya tinanggap ko naman

"aerdna, tung conversation natin sa hospital naputol yun diba?"  tanong nya saakin, bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko at tumungo

"a-ahh oo"  saad ko nalang.

" love, uulitin ko ang tanong, saang clan ka nabibilang?"  malalaman at malalaman rin naman nya ito kaya mas mabuting sabihin kona

" xirtym clan"  saad ko rito kaya napatigil sya ng lakad at niyakap ako

"i know"  saad nito kaya nagulat ako at humiwalay sakanya

"kasi lalaban tayo ng sabay?" 

" oo aernda, tayo parin hanggang sa huli, ito ang kauna unahang mag kakaroon ng pag iibigan sa pagitan ng xirtymtian at nerroctian"  saad nito at hinalikan ako sa noo

*splllaashhh* 

Napahiwalay si harry saakin at hinawakan ako sa kamay nung may narinig kaming tumama sa tubig

" ano yun harry?"  nag aalalang tanong ko

"well? First love from nerroctian and xirtymtian, what a beautiful combination"  palakpak ng isang babaeng palapit saamin na galing ata sa dilim

"sino ka!?"  sigaw ni harry rito ngunit tumawa lang sya

"wala kang galang sa mas nakakataas sayo nerroctian!"  sigaw nito at tumawa nanaman

"xirtymtian ka rin?"  tanong ko rito ngunit tumawa sya ng malademonyo at umiling kaya nangunot ang noo ko

"i'm from kakushi, aerdna"

Hayanash's pov

"ina?"  tawag ko rito , nandito kasi sila ngayon sa laboratory

"ano yun anak?"  tanong nito saakin

The Power Between Dark And White [COMPLETED]Where stories live. Discover now