HS Life 3

11 2 0
                                    

HS Life 3

Meet Kyle, mah bespren. Gwapo noh? Kaso gago hahaha. Di joke lang, mahal ko yang bespren ko noh pero di nya alam haha saklap :<

Nagpapatulong pa nga sya sakin na ligawan yung gusto nya. Dahil mabait ako, syempre tinulungan ko, mahal ko eh, kahit hanggang bespren lang :<

Pero ito ang pinakamasayang nangyari! Di sila nagkatuluyan hahahaha!

Grabe tawa ko nun, mga apat! Pano ba naman! Nakakatawa yung mukha nyang kaawa awa. Parang binagsakan ng langit at lupa hahahaha.


Pero di pa rin nya alam na mahal ko sya :<



Tuloy ang buhay. 










Pagkalipas ng ilang buwan,









Nagbago ang pagtingin namin sa isa't- isa nung umamin sya saking mahal daw nya ako. Di ko alam kung anong nakain nya. Kikiligin na sana ako pero,







naisip ko na baka binibiro lang ako nito. O pinaglalaruan. Pero be! Seryoso sya eh.




Niligawan nya ako, syempre alam toh ng parents nya at parent ko. Magkapit bahay lang naman kami eh, at kilala na rin naman sya ng magulang ko. Tuwang tuwa pa nga sila eh -_-





Ilang buwan di nya akong niligawan. Kung anong in- advive ko sa kanya kung paano mangligaw dati, ginawa nya iyon sa akin. Nayssss, galeng nya pren! Hahahaha, nyemas choosy pa ako nyan.




Sinagot ko na sya kasi kawawa na eh. Di joke lang hahaha. Tawa kayo kahit dalawa lang please! Ito na talaga yung totoo. Sinagot ko na talaga sya kasi may feelings na rin ako sakanya.






BREAK- COMEBACK- COOL OFF- BREAK





Ganyan ang takbo ng relasyon namin. Sabi daw nila, mas tatatag daw ang realtionship na yan kapag nag aaway daw o tampuhan o naghihiwalay tapos magkakabalikan. Pero ibahin nyo yung akin! Sa ganyang takbo ng relasyon, parang dun mo nararamdaman yung gusto mo ng bumitaw. Yung gusto mo ng humiwalay. Maging malaya sa isa't isa.



3 months din kaming nagtagal at dun na ako tuluyang nakipaghiwalay. Nakakasawa na kaya. Yung tipong sa sobrang ng dahilan, ico-cool off kaagad. 



Pero wag ka! may communication pa rin kami. After 1 month kasi ng break up, humingi ako ng closure para wala na talagang bitterness na magaganap sa pagitan namin hehe. 


Pero nung nag grade 8 ako, wala na kaming communication. Lumipat na kasi sila ng ibang lugar pero WALA NA AKONG PAKE! hahaha.



Tsaka, may closure na rin naman kami, kaya pwede na syang maghanap ng iba. At ako naman? Nakamove on na ako sa kanya mga prens. Duh! Wag kang tanga pren, wag mong hayaan ang sarili mo sa nakaraan, magmove on ka para di ka bangungutin hahaha. Tsaka, di na muna ako magjojowa ngayon, nakakaumay kaya yung pagiging sweet, nakakatanga eh. Atleast walang magiging sagabal haha. 


Sa nagyon,hanggang  dito na lang muna yung ikekwento ko. Baka nauumay na kayo dahil dalawang chapter ng buhay ko eh, puro lovelife yung topic. Hayaan nyo, sa ibang chapter naman ay tungkol sa katarantaduhan naming magtotropa. Maaga pa klase ko bukas, sa susunod na chapter muli! Kbye.



A/N: Ito na nga po guys, baka bukas di na ako makaka update kasi paubos na yung pocket wifi, hanggang bukas na lang kasi yun. Btw, na- spoil na naman kayo hahaha. Alam nyo na po ang buhay pag ibig ni Cienna. At baka nagtataka kayo kung bakit walang POV yung ibang characters at puro si Cienna lang, kasi po parang diary palang po nya ito. Pagkatapos nyong malaman ang buhay highschool nya ay dun palang magkakaroon ng POV ang mga iba pa nating characters hehe. Now you know hahaha. Kung sakaling maka update pa po ako ay, baka umaga yun kasi tanghali pa po yung pasok ko. Yun lang po.

Abangan nyo po kung ano ano ang mga katarantaduhan ng mga magtotropa pagdating ng December. Abangaaaaaaaaaaannnnnnnnnn!!!!!


Lee Jong Suk as Kyle Alexander Bautista

My Highschool LifeWhere stories live. Discover now