Dedicated to: Rolando Lagman Valdrez
Chapter Twelve
Madilim na paligid ang bumungad kay Clarisse ng pumasok siya sa kuwarto ni Craig. Sarado ang mga bintana na para bang ayaw nito papasukin ang liwanag. Nakakalat ang ibang mga gamit nito. Hindi ganito kaburara ang binata sa pagkakaalam niya.
Mabuti at pinayagan ng mother nito ang pakiusap niya na kausapin ang binata.
Nakaupo sa may paanan ng kama sa Craig. Nasa tabi nito ang ilang basyo ng mga bote ng alak.
Wala itong pakialam sa nangyayari sa paligid dahil ultimo presensya niya ay hindi nito pinansin.
"What do you want?" Anito ng mag-angat ng tingin sa kanya. hindi niya gusto ang hitsura ni Craig. Halos mapabayaan nito ang sarili.
"Ikaw... alam mo yan." Nakadama siya ng awa para sa minamahal.
"That's impossible. Ironic." Anito.
"Get Up, fix yourself. Maraming naghihintay sa'yo. I Love You." Lumuhod siya at ipinatong ang mga kamay sa balikat nito.
Pero tinabig siya.
"You don't love me from the start Clarisse. You're selfish. You're hurting me, you're tearing me apart!" Bulyaw nito. Nanginginig ang paos na boses. Nakita niyang namasa ang mga mata ni Craig.
"Ganoon ba ko kasama sa paningin mo?"
"Yes, stay away from me!" Binalingan siya ng binata. Malamig ang tingin na ibinigay sa kanya. Hindi niya maaninag ang dating init at saya sa mga mata nito na nakikita niya sa tuwing susulyapan siya nito.
Malamig tulad ng isang Yelo... nanunuot sa kanyang pagkatao. Nakakapanibago sa kanyang pakiramdam.
"Out!!!" Bulyaw nito sa kanya.
Napaatras siya sa kinatatayuan. Sa huli ay pinili niyang lisanin ang kuwarto ni Craig. Mabigat ang kanyang dibdib. Sa huli, akala niya ay panalo na siya sa laro ng pag-ibig, pero talo rin pala.
Pababa na siya ng hagdan ng masalubong ang ina ng binata. Nakatingin sa kanya. Hindi malaman siguro kung maawa o maiinis sa kanya dahil sa ginawa niya sa anak nito.
"T-tita... i'm sorry... i'm sorry," Garalgal na ang boses niya. Hindi niya malaman kung paano pa pakikiharapan si Aling Helen. Naging mabuti ito sa kanya. Pero hindi niya sinuklian ng kabutihan. hindi naging mabuti ang paulit-ulit niyang pananakit kay Craig.
Napapitlag siya ng hawakan nito ang palad niya.
"Clarisse, may mga bagay na hindi pwedeng ipilit. gaya ng pag-ibig, na kahit gusto mo. Kung hindi para sa'yo. Kahit pilitin mong makuha, hindi mapapasaiyo."
"T-tita..."
"Go on, Clarisse... mawawala rin ang sakit na nagawa mo para sa aking anak. Mapapatawad ka rin niya. Soon."
Napatango siya. Nagpatuloy sa paglakad. Naisip niya ang sinabi ng mother ni Craig. Tama, may mga bagay na hindi maipipilit. Tulad ng pagmamahal niya para kay Craig.
Nilibang niya ang sarili sa pagbabasa ng mga pocketbooks habang nagbabantay ng kanilang Internet Shop. Ganoon lagi ang naging routine niya sa pang araw-araw. Tinamad na rin siyang gumala pag may pagkakataon o free time.
Minsan nga ay inaya siya ni Pia na mag-stroll sila sa mall at manood ng sine pero nag rason nalang siya na wala siya sa mood para mamasyal. Naunawaan naman ng kanyang kaibigan ang kanyang pinagdaraanan.
Pero isang araw ay di inaasahan na bisita ang dumalaw sa kanya. Si Clarisse. Minasdan niya ito. Napuna niya na simple lang ang ayos nito ngayon di tulad ng mga ilang beses nilang paghaharap na banidosa talaga ang hitsura. Mukha ring problemado. na para bang naagawan ng endorsement.
Ayaw man niyang pakiharapan pero nakiusap itong makausap siya ng saglit at may mahalagang gusto na sabihin sa kanya. Hindi naman siguro uubos ng isang oras.
Pinatuloy niya ito.
"Maupo ka muna," aniya rito.
"T-thanks," alanganin ang ngiti nito. Marahil ay naaasiwa pa rin na makipag-usap sa kanya.
"Gusto mo ba ng softdrinks or juice?"
"Juice na lang."
Ipinagtimpla niya ito. May nakita siyang flavour Guyabano sa cupboard.
"I-i don't know where to start,"
"Wag ka mag-alala. Simulan mo na. Makikinig ako. Hindi ka naman uuwi na bugbog-sarado."
Atubili pa rin si Clarisse. Huminga ito ng malalim.
"I-i'm sorry, Angel. I lied, sa interview sa akin ni Tito Doy. It wasn't true na nagkabalikan kami. Sinamantala ko ang tampuhan ninyo."
Hindi siya kumibo pero natigilan siya sa pag-amin nito. Humigpit ang hawak niya sa baso.
"I was so desperate, handa ko gawin lahat para lang makuha ko ulit ang akala ko'y akin pa. I thought kaya ko pa siyang bawiin sa 'yo pero i was wrong. Things got worst. I made a mistake. Lalo pa nang i-pa hacked ko ang laptop niya para mabura ang mga manuscripts at back up files niya sa google drive account niya.
Hinayaan niyang magpatuloy si Clarisse. Pero nagugulat na rin siya sa rebelasyon nito. Iniabot niya rito ang Guyabano juice.
"Ngayon, hindi ko makayang tingnan ang nangyayari sa kanya. He's lost. seeing him in a situation like that, really broke my heart. Pero wala akong magawa. Hindi ko siya malapitan dahil galit siya sa akin. It's all my fault. Sinira ko kayo ni Craig. Ang pagmamahalan ninyo at nasira ko ulit ang buhay niya." Naiyak na ito.
Kinuha niya ang kamay ni Clarisse. Nabasag na ang anumang galit niya rito. Bagkus ay napalitan ng awa.
"Alam ko, noong iniwan ko siya, noon pa man, hindi na siya akin pa. pero mapilit lang ako eh, di ko matanggap na ang lalakeng dati mahal na mahal ako ay wala ng nararamdaman para sa akin."
Hindi niya malaman ang nais sabihin pero ngayon, nauunawaan na talaga niya na hindi lang love ang meron kay Clarisse kundi in denial. Dahil di ito makapaniwala na sa pagbalik ay wala na ang taong dati ay mahal siya. Kundi pagmamay-ari na ng iba.
"He really loves you Angel. trust him." Pinahiran nito ng facial tissue ang mga luha sa magkabilang pisngi at mga mata.
"Hindi ko rin alam kung magiging ok pa kami. Hindi lang naman tungkol sa'yo ang naging issue."
"Mamaya na ang flight ko, pabalik ng New York. Maybe I'll stay there for good, tapos na ang mga commitments ko dito. Sana maging maayos ang lahat para sa inyo." Tumayo ito. Nilapitan siya upang kunin ang mga palad niya at hawakan.
Inihatid niya sa may gate si Clarisse kung saan nasa harapan ang kotse nito at naka-park. Niyakap siya bago sumakay. "Ikaw na ang bahala kay Craig, wag mo na siyang tiisin. Takecare of him please, dadaan muna ako sa kanila. Ipagtatapat ko ang lahat." Bulong nito sa kanya.
Hindi niya malaman kung paano tutugunin ang pakiusap ni Clarisse.
"Nalaman ko nga ang nangyari, at nalulungkot ako para sa inyong dalawa ni Craig. Akala ko pa naman ay 'perfect match' na kayo." Malungkot na wika ni Ms.Sofie habang kausap niya sa skype. Pagkahatid pa lamang niya kay Clarisse sa gate ay nakatanggap na agad siya ng mensahe mula sa kaibigang author sa facebook at inaaya siyang mag-usap sila sa skype.
"Okay lang po Ms. Sofie. Hindi lang talaga kami siguro para sa isa't-isa." Humigop siya ng milk tea. Pasalubong ng bunso niyang kapatid.
Napatango si Ms. Sofie Russford."Siya nga pala, huwag mo kalimutan magpunta sa Book launching ng Afternoon Delight. Aasahan kita, saka nami-miss ka na ng mga friends mo sa group."
"Try ko Ma'm." Alanganin ang kanyang ngiti."Ay wag mo i-try. Pumunta ka. Kundi magtatampo ako sa'yo."
"Pero Mam---"
"No buts, okay? Gusto kitang makita doon. Mamimiss ka rin makita ng mga kaibigan mo kung di ka pupunta sige ka," Agap nito sa pagtutol niya. Sa huli ay napahinuhod din siya nito na pumunta ng event.
BINABASA MO ANG
NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCES
RomanceNalagay sa Eskandalo ang tahimik na buhay ni Angel ng magkaroon sila ng matinding bangayan ng sikat na baguhang writer at Chickboy na si Craig, Kaya naman upang bumalik ulit sa normal ang kanyang buhay ay napilitan siyang sumunod sa mga kondi...