DRIVEN BY YOUR LOVE

1.5K 51 1
                                    

Dedicated to: James Viray, Azulan and Kuya Harhar.

        Chapter Thirteen
           

                  Natanaw na agad ni Angel ang bookstore. Di tuloy niyang maiwasan na maalala ang mga nangyari. Parang kailan lang. Pumunta rin siya para sa booksigning event. Doon rin niya unang nakaharap si Craig.
           
              And the rest is history. Na sa sobrang bilis na naging sila ng binata ay naging mabilis rin natapos ang pagiibigan nila.
          
            Life sucks, aniya. Hindi mo talaga masasabi at malalaman ang mga puwedeng mangyari. Ang masakit pa. Sinasabi niya sa sarili na okay na siya. Naka-move on na. Pero hindi pa pala!
          
          Nang tumuntong siya sa bookstore at bumalik ang mga alaala.  Napagtanto niyang nakatago lang pala ang nararamdaman niyang pain at brokeness.
           
          Kaya ayaw niyang pumunta sa booksigning! Haaay! Pero nandito na rin lang siya. Ano pa ang magagawa niya? Haharapin at titiisin na lang niya ang nararamdaman.
            
           Puwede rin namam siyang huwag rin magtagal at umuwi rin kaagad mamaya.
           
         Sinalubong agad siya ng mga ka-grupo pagpasok pa lamang niya. Excited ang mga ito na mausisa siya sa mga nangyari dahil ni wala siyang pinagsabihan sa kahit sino. Nagkwento man siya ay pahapyaw lang. Gusto pa rin niyang manatili ang magandang imahe ni Craig .
          
         Abala naman si Ms.Sofie sa pag-aayos ng mga freebies na ibibigay nito pero nang makita siya ay itinigil nito ang ginagawa at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.
         
          "Hindi mo 'ko binigo. Thank You, Angel," wika nito sa kanya.
          
         "Kayo pa ba Mam? I will always be your avid supporter."
         
          Dinala siya nito sa mesa nito. Tumulong siya sa pag aayos hanggang dumating na ang oras ng booksigning. Nakakuha siya agad ng mga latest books ni Ms.sofie kaya dapat ay una na agad siya sa pila.
        

                 "Angel..."
        
               Napamulagat si Angel. Tama ba siya sa pagkakarinig? May tumawag sa kanyang pangalan at hindi siya maaaring magkamali. Kilalang kilala niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Napalingon siya.
   
             Si Craig, Mukhang negosyanteng nalugi sa negosyo. Medyo naging haggard ang hitsura nito. His eyes were bloodshot, namumugto at halatang kung ilang araw ding umiyak at hindi nakakatulog.
            
            "Mam naman, bakit po nandito yan?"Angal niya.
          
           "Aba, malay ko. Wala akong alam diyan." Inosenteng sagot ni Ms. Sofie. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Ewan pero kung di siya dinadaya ng kanyang mga mata, nahuli pa niya ang pilyang mga ngiti sa labi ng pamosong manunulat bago niya hinarap si Craig.
 
         Tinangka ni Angel na umiwas para hindi sila magkasalubong pero wala naman siyang puwedeng daanan. Nahaharangan siya sa magkabilang gilid ng pila ng mga magpapa-pirma sa ibang mga writers. May kurdon rin ang bawat pila para organized.
   
          "Let's talk." Kaswal na wika nito. Kalmado ang boses nito. Parang in-good mood.
     
        "Wala naman tayo dapat pag-usapan, Okay na 'ko, wala na sa akin 'yung nangyari." Pilit niyang pinatatag ang boses. Nag-iwas siya ng tingin at tinalikuran ang binata. Nahihiya rin siyang kausapin pa ito. Di pa niya malunok ang pride.
    
          Nakaharap siya ulit kay Ms. Sofie na busy kuno sa pag-pirma ng mga books pero sa kanila naman nakatingin. Hindi nito namalayan na libro na pala ng katabing writer ang nakuha at pini-pirmahan.
  
         "Hanggang kailan mo 'ko iiwasan?" Matigas ang tinig ni Craig, may awtoridad pero may halong hinanakit.
  
           Nanatili pa rin siyang nakatalikod rito. Wala siyang balak makipag titigan. "Hanggang kaya ko."
 
          "Damn!" Mura nito.
 
         Napaharap siya sa binata, Napamaang...

        "Minumura mo 'ko?" Aniya.
   
         "No...hindi iyon para sa'yo,  it's me,"  Ako nito sa sinabi. "Please I'm sorry for all my faults, naging insensitive ako sa nararamdaman mo, sarili ko lang inisip ko,  hindi ako naniwala sa'yo... will you forgive this stupid jerk?" Nasa mga mata nito ang pagsamo.
   
         "Huwag ka ngang gumawa ng scene dito! Nakakahiya ano ka ba? Pinagtitinginan na nila tayo." Asik niya kay Craig. Pinandilatan na niya.
 
       Di na nila alintana ang crowd na nakatutok na ang atensyon sa kanila, may mga kinikilig habang kumukuha ng video sa kanila dalawa, pigil hiningang inaabangan ang mangyayari.
    
         Pero sa halip na tumigil ay lalo lang nagkalakas ng loob ang binata na kausapin siya. Mataman na nakatitig ito sa kanya.
   
       "Hindi ko nga alam kung bakit ikaw ang itinuturo ng puso ko. Para kang yung tauhan sa nobela ko na pang-comic relief lang at hindi tlaga ang bida, pero sa iyo pa rin ako nahulog.  Ang taray-taray mo pa. Pero ikaw pa rin sinisigaw nito," turo ni Craig sa puso nito.
     
        "Tama na! Stop it! Don't make a scene sabi," Napatakip na siya ng mukha sa sobrang hiya dahil sila na ang center of attraction ng lahat.
    
        Nilapitan siya ni Craig, "Look at me... hindi ako mahihiya sa lahat na sabihin na  Mahal kita," Kinuha nito ang mga palad niya, hinawakan ng mahigpit ang kaliwa habang ang kanang kamay niya ay dinala sa tapat ng dibdib nito."Hindi ko na hahayaang mawala ka dito."
    
         "Craig," Maluha-luha siya. "Sorry din, tiniis kita. Nagduda ako sa pagmamahal mo para sa akin. Ang sama ko."
   
       "Ako rin naman, May kasalanan ako sa'yo. Sa isang banda, naisipan ko rin na gamitin ang relasyon natin para maipamukha kay Clarisse ang naging kasalanan niya sa akin, I'm sorry..."
       
         Napaluha na siya. Gusto na niyang mapangalngal dahil sa nararamdaman niya ngayong happiness.
       
        "Okay na, My Angel. Tama na ang iyak, magkaka-muta ka nyan sige," wika nito. Nasa mga mata ulit ang kapilyuhan.
  
        Napalabi siya, Inirapan ito.
     
       "Biro lang," he said softly, in a sweet tone of voice, pinunasan nito ang mga luha niya, Namilog ang mga mata niya ng dahan-dahan bumaba ang mga labi ng binata para bigyan siya ng halik. Pumikit siya.
    
          ... and their lips sealed,  Matagal, kung mahigpit ang yakap niya kay Craig dala ng pananabik, Mas lalo ito,  na para bang pinatutunayan nito sa kanya na this time,  kanyang-kanya lang ang pag-ibig nito.  Buong-buo at wala nang kahati pa.
      
          Siya rin naman...
     
           Everybody in the store cheered may kasama pang palapakan at kantiyaw. Kasama na roon si Ms.Sofie Russford, na maluha-luha na sa kilig, kontentong pinapanood sila nito.
    
           "I'm so happy for you guys," Umiiyak na wika nito sa kanila, dumukot ng panyo at suminga.
     
          Nagkatawanan silang lahat. Kalaunan ay bumalik na ulit sa pamimili at pagpapa-pirma ng mga books ang crowd.   
      
         "P-paano mo nga pala nalaman na nandito ako sa booksigning?" Kumalas siya sa binata.
      
          "Ramdam ko naman na pupunta ka dito sa event ni Ms. Sofie. ikaw pa eh avid reader ka niya. Siyempre pagkakataon ko na, saka malinaw na sa akin ang lahat, Alam ko na ang totoo."  Paliwanag nito sa kanya. Umakbay sa kanya.
         
         "Let's go to my place"  bulong ni Craig sa kanya. Kinuha nito muli ang kanyang kamay at dinala sa mga labi para halikan.                
    
         "Ha? Teka, Paano 'tong booksigning? Magpapapirma pa 'ko kay Mam Sofie."
      
        "Sige na, Iwan mo nalang sa akin yang mga books mo. Pipirmahan ko. Humayo kayo at magpakarami. Best wishes! Char! Ani Ms. Sofie.
    
       

               Dinala siya ni Craig sa parking lot. Nakahimpil doon ang kotse nito.
       
             "Dadalhin mo ako sa place mo?" Di makapaniwalang tanong niya sa binata. Nasa loob na sila ng kotse nito
     
             "Yeah, dapat matagal ko ng ginawa to. Ipakikilala kita kay Mama, matutuwa 'yon kapag nakita ka. Matagal na niyang hinihintay na makilala ka."
        
            "W-wait lang. Hindi pa ko ready, tingnan mo naman suot ko."
        
          "You're lovely. Every inch of you is perfect for me." Dumukwang ito upang bigyan siya ng halik.
           
              Nawala ang agam-agam niya. Napalitan yon ng contentment at security. Okay na sila ni Craig. Her man, and only love. Wala na siyang dapat ipagalala pa.
 

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon