YESTERDAY ONCE MORE
written by: BlackroseChapter 4 -Nagsimula Ang Lahat
-----'-,-'--,-{@
"Talaga bang tutuloy ka sa Maynila, Lavander? Mag-isa ka lang doon. Kaya mo ba? Sino ang makakasama mo roon? Sino ang titingin sa iyo doon?"
"Oo Ate Magenta, tutuloy ako sa Maynila sa kamakalwa. Gusto kong maranasan ang buhay doon. Saka ang sabi ni Nena ay iba raw ang magiging buhay ko doon kapag nagkatrabaho na ako. Gusto ko pati na makatulong kila Papa at Mama."
"Ang trabaho ni Nena doon ay sa club yata. Doon ka rin ba mamamasukan? Kaya mo ba ang magtrabaho sa club? Kakayanin mo ba ang klase ng trabaho niya?"
"Hindi ako doon magta-trabaho, Ate. Natapos ako ng kursong Education kaya naniniwala ako na may maganda akong trabahong makukuha sa Maynila."
"Sabagay ay malakas ang loob mo kaysa sa akin Lavander. Basta mag-iingat ka, kasi malayo ang Maynila dito sa atin. Wala ka pating makakasama doon, wala kami para sa'yo." niyakap ako ng ate ko.
Nang sumunod na mga araw ay lulan na ako ng bus patungong Maynila. Sa lugar ako ng Manila pupunta dahil andoon si Nena, tutulungan raw niya akong maghanap ng matutuluyan. Binigyan ako ng pera ng mga magulang ko para sa dalawang buwan. Pagka-ubos ng hawak ay sa kamay ng Diyos na ako aasa at sa sariling sikap ko na. Mabilis naman akong nakahanap ng matitirahan sa Manila. Maliit lang ito subalit para sa nagsisimulang kagaya ko ay sapat na ito kahit paano. Sinamahan rin ako ni Nena upang mamili ng mga basic needs ko sa bahay. Kahit papaano ay naging mukhang bahay naman ang munting tirahan ko ng malagyan na ng laman.
Kinabukasan, hindi na ako nagsayang pa ng oras at naghanap na agad ako ng trabahong pwede kong pasukan. Sa kasamaang palad ay walang available na trabaho para sa tinapos ko dahil alanganin ang buwan kaya pansamantala ay sinunggaban ko narin ang trabaho bilang isang crew sa restaurant. Maayos naman ang takbo ng trabaho ko, madali akong natuto. Ilan buwan pa ang lumipas ay nakilala ko si Stephen Tuazon na isang regular customer namin. Doon nagsimulang kaibiganin niya ako at makalipas ang halos apat na buwan ay naging magkasintahan kami dahil narin sa pagiging pursigido niya sa panliligaw sa akin. Parehas kami ng kursong tinapos nito na Education. Nagtatrabaho ito sa isang school bilang teacher sa College. Siya ang tumulong sa akin upang makapasok ako sa school na pinapasukan niya rin at ma-practice ko ang aking pinag-aralan. Primary Education kasi ang tinapos ko. Sakto naman ay talagang nangangailangan ang school ng Elementary teacher dahil kulang sila sa faculty. Sinuwerte ako dahil mula ng tumungtong ang mga paa ko sa school na yun ay hindi na ako umalis pa. Mababait ang mga kasamahan kong teacher at pamilya ang turingan nila kaya naman talagang nakapalagayan ko sila ng loob. Masaya ako dahil natupad ko na ang pangarap ko. Masaya rin ang pamilya ko nang balitaan ko sila sa kasalukuyang estado ko sa Maynila. Dahil sa ganda ng takbo ng career ko ay unti-unti na akong nakapagpundar ng mga gamit, nakalipat narin ako sa mas maluwag at presentableng bahay saka madalas narin akong nakakapadala sa pamilya ko sa probinsya. Isang beses ay lumuwas ang pamilya ko upang tignan ang kondisyon ko. Pinakilala ko sila kay Stephen. Mabilis naman nilang nakagaan ng loob ang binata dahil napakabait naman nito at magalang pa. Isa pa sa ikina-hanga nila ay ang pagiging masipag nito at magaling makisama.
Makalipas ang halos isang taon namin ni Stephen ay nagsimulang may mangyari sa amin. Napag-usapan namin na magsasama na kami sa isang bubong at dahil sa mas malaki ang tinitirahan ko kaysa sa kanya ay siya ang lumipat sa bahay ko. Siya ang nagbabayad sa upa ng bahay tapos ang sa mga bills naman ay hati kami. Ako ang bahala sa grocery namin at mga daily expenses. Dahil sa magkasama na kami sa iisang bubong ay hindi na kami nagulat pa ng malaman namin na buntis ako. Excited ako syempre dahil magkaka-anak na ako sa lalaking mahal na mahal ko.
One time, Linggo nun habang nagluluto ako ng aming tanghalian ay hindi sinasadyang natuluan ko ang suot nito ng sarsa ng ulam namin. Labis akong nagulat nang bigla ako nitong sigawan na una niyang ginawa sa akin sa haba ng pagsasama namin. Dahil sa buntis ako ay maramdamin ako emotionally. Niyakap niya ako nang makita niyang nangingilid na ang mga luha ko. Nag-sorry naman ito sa akin. Akala ko ay hindi na mauulit yun subalit ng minsan na umuwi ito galing sa birthday party ng kumpare nito ay mas malala pa ang nangyari kaysa sa una.
"Lavander!!" sigaw niya habang katok ng katok sa pinto.
"Sandali lang." dali-dali kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang lasing na lasing na itsura niya.
"Bakit ang ta...gal mong buksan ang... pinto?! Ha?!!" sabay mahigpit na hawak nito sa braso ko.
"Stephen! Nasasaktan ako!" pilit kong humiwalay sa kanya at kumalas sa pagkakahawak niya.
"Kuha mo ako ng makakain! Huwag kang tumunganga lang jan!!" sabay lakad nito papuntang kusina.
Agad ko naman itong pinagsilbihan. Lalo akong nagulat ng tabigin nito ang plato sa mesa.
"Ano bang ulam yan??!! Wala na bang iba?!! Puro na lang ba isda sa bahay na ito?! Wala na bang iba kundi isda?!! Ano?! Iiyak ka na naman ba jan sa sulok??! Halika nga rito!!" tumayo ito at hinila ako palapit.
"Stephen, dahan-dahan lang please ang tiyan ko." hinawakan ko ang tiyan ko na limang buwan na.
"Halika! Doon tayo sa kwarto!" halos kaladkarin niya ako at patulak akong ipinasok sa kwarto.
Doon ko unang naranasan ang malupit na Stephen na hindi ko akalain pwedeng mangyari. Doon nagsimula ang lahat. Kinaumagahan ay parang wala lang sa kanya ang lahat. Sabay pa kaming pumasok sa school, hinatid pa niya ako sa klase ko at hinalikan pa ako bago ito tuluyang umalis. First time nangyari sa amin ang naganap kagabi. Pinilit kong alisin ang tagpong iyon at nag-focus sa klase ko. Nang malapit na akong manganak... mga isang buwan na lang, nagsimula naman niya akong mura-murahin. Pero pagkatapos ng lahat ng mga pasakit niya sa akin ay lalambingin naman niya ako. Hindi ko maintindihan ang pagbabagong ugali ng asawa ko. Inisip ko na lang na baka stress lang ito sa kalagayan namin or baka sa work niya.
Masaya ako nang isinilang ko na ang anak namin. Si Stephen ang nagpangalan pa nito na Lady Chris. Si nanay lang ang nakaluwas para tulungan ako sa pag-aalaga kay Lady. Giliw na giliw sila lalo na ang asawa ko sa anak namin. Maligaya ako dahil nagbago na ang pakikitungo nito sa akin. Hindi na niya ako sinisigawan at minumura saka bihira narin ito maglasing. Parati siyang malambing sa akin. Palagi siyang may dalang pasalubong or kung anu-ano man sa akin. After two months ay bumalik na si nanay sa province at ako naman ay pumasok nang muli sa school. Ang nag-aalaga kay Lady ay ang bunsong kapatid ni Stephen pero umuuwi rin kapag nasa bahay na kami. Akala ko ay matiwasay na ang lahat sa amin ni Stephen pero mas lumala pa pala. Ginawa niya akong maliit sa paningin niya. Syempre ay pagod ako sa school tapos pag-uwi ay abyad naman sa mga gawaing bahay tapos ay magpapatulog pa ng bata... natural paghiga ko ay patam-pata na ang katawan ko. Paghumihiling siya na sipingan ko siya, madalas ay inaayawan ko siya kasi nga ay pagod na ako. First time niyang gawin sa akin na pwersahin niya ako. Kahit ayaw ko ay sapilitan niya akong anangkin, feeling ko tuloy ay para niya akong ni-rape. Hindi lang minsan nangyari ang bagay na yun. Sa tuwing tumatanggi na ako ay ganoon ang ginagawa niya. Habang tumatagal ay may kasama na itong mura, sigaw at kung mamalasin pa nga ay may halo pang pisikal na pananakit. Kahit pa tuloy gaano ako kapagod sa maghapon kong gawain, basta paghumiling ito ay umo-Oo na lang ako. Gusto ko sanang sabihin ang mga nangyayari sa amin sa pamilya ko kaso ayoko naman silang mag-alala sa akin. Isa pa ay problema namin mag-asawa ito at kalabisan naman kung idadamay ko pa sila sa problema namin. Tiniis ko na lang ang lahat at pinilit na pakisamahan ng maayos si Stephen.
Sa ikalawang pagkakataon ay nabuntis akong muli. Subalit hindi na nakaluwas pa ang isa man sa pamilya ko nang manganak ako. Stephanie Gayle ang pinangalan ni Stephen rito. Ilan buwan rin akong hindi nakapasok sa school dahil kahit kapapanganak ko pa lang halos ay all-around na agad ako. Kung minsan kapag walang topak ang asawa ko ay tinutulungan ako nito. Nang lumaon ay kumuha na kami ng tagapag-alaga sa mga bata dahil kailangan ko ng pumasok ulit. Hindi kasi kaya na si Stephen lang ang magtrabaho para sa amin. Lumalaki na rin kasi ang mga bata at mas lumalaki narjn ang mga gastusin at pangangailangan namin.
Naging ritwal na sa akin ang ganoong set-up sa bahay. Hindi na bago sa akin ang mga sigaw, mura at pananakit ni Stephen. Pinagtitiisan ko na lang para sa mga anak ko. Ang sa akin ay basta hindi ang mga anak ko ang sinasaktan ay ayos narin. Pagdating naman kasi sa financial ay todo support naman talaga si Stephen sa lahat, para sa amin ng mga bata. Hindi ito nambababae or nagsusugal. Inom lang ang tanging bisyo nito bukod sa pananakit niya sa akin.
----,-'-,--'-{@
BINABASA MO ANG
YESTERDAY ONCE MORE
RomanceYESTERDAY ONCE MORE written by: Blackrose Genre: Romance Teaser -----,--'-,--'-{@ Paano kung ang pag-ibig ninyo para sa isa't-isa ay nasa tamang pagkakataon ngunit nasa maling panahon? Si Lavander Jade Del Pieros ay isang teacher ng elementary sa Di...