YESTERDAY ONCE MORE
written by: BlackroseChapter 3 -Tunay Na Akin
------,--'-,-'-{@
"Papa, ayokong magpakasal sa kanya! Ni hindi ko nga siya minamahal para magsama kami!"
"Tignan mo yang asal mo Arthur Gray! Tama ba yan na sumasagot ka sa akin na ama mo?! Tell me!! Is this how we've raised you?! To become this disrespectful to me?!"
"Pero Papa..."
"Tama na anak. Wala naman patutunguhan ang pag-ayaw mo. Whether you agree with us or not, you'll still be married to Analyn Sta. Maria. Because we say so and because that is the right thing to do for our business." malumanay ngunit may diin na wika ng aking ina.
"The more you don't agree with us, the sooner your marriage with her will be! Why can't you see this agreement in a positive outlook, Arthur Gray?! We are doing this for your own sake! Because soon, you will handle our business and you need a woman who also knew how to handle and manage a business! And Analyn Sta. Maria is the perfect woman for you!! She will be your partner in handling our business and their business as well!! Ngayon, will you agree or not?!" final na sabi ng ama ko.
"Do I have a choice? Tss!! As if I do have a damn choice!! Wala naman diba Papa?!" then padabog na labas ko sa living room.
"At talagang....!!!"
"Hayaan mo na muna, Dear. Ganyan rin naman tayo dati noong panahon natin na pinagkasundo tayo nila Papa at Mama. Lilipas rin yan, let's just give him time to think things over and to realize our point."
"Sabihan mo rin yang anak mo! Alam naman natin na kilalang angkan ang mga Sta.Maria sa larangan ng negosyo. Mas lalong titibay ang negosyo natin kung makakatuluyan ni Arthur Gray ang isa sa mga anak ng mga ito. Kausapin mo ulit ang anak mo Remedios."
"Ako na ang bahala sa anak natin. Ang asikasuhin mo ay ang pag-aayos ng kasal nila. Gusto ko engrande ito at may media para mas lalo tayong pag-usapan ng lahat. Gusto ko ay maging sikat at pag-uusapan ang kasal ng anak natin. This is also for advertisement purposes.'
Yun lang at sinundan na ako ng aking ina sa aking silid. Rinig na rinig ko ang pag-uusap nila. They don't care about what I feel, all they care about is our business. Tumuloy ako sa room ko at padabog na sinara ang pinto pero maya-maya lang as expected ko ay may mahihinang katok sa pintuan ng room ko. Nagpabangon ito sa akin mula sa aking pagkakahiga. Tumuloy si Mama at umupo sa upuan malapit sa bintana.
"Anak..."
"Mama. Alam ko na ang pakay mo kung bakit mo ako sinundan. Kukumbinsihin mo ako tungkol sa lecheng kasal na yan! Ayoko nga Ma! Please understand my part! I care for our business, I really do but is that damn wedding the only resolution para mas tumatag pa ang business natin?!"
"Anak, makinig ka. Matanda na ako... kami ng Papa mo. Ang totoo niyan ay nalulugi na ang kompanya natin. Ayaw namin na dumating ang panahon na maghirap ka. Ikaw ang iniintindi namin, yun ang totoo. Kung sa akin lang ay kahit iba na lang ang pakasalan mo, kung sino ang tinitibok ng puso mo... Ang kaso ay kailangan natin ang karangyaan at ang pangalan ng mga Sta. Maria upang makaahon ang negosyo natin na balang-araw ay ikaw rin ang hahawak. Now please Son, if I need to beg to you just for you to agree sa mga plans namin ng father mo, gagawin ko." akmang luluhod na ito ngunit pinigilan ko.
"Mama, you don't have to do that.' tinayo ko siya at hinarap. 'Bakit hindi niyo sinasabi sa'kin na ganyan na pala ang lagay ng business natin? Bakit kailangan niyo pang ilihim sa akin ang ganyang bagay kung balang araw ay ako rin naman ang hahawak ng business natin?' huminga ako ng malalim. Mahal ko ang mga parents ko at the same time ay mahal ko rin ang business na itinayo at pinaghirapan nila. 'I'll agree to your plans ni Papa, Ma. Pero huwag mong asahan na mamahalin ko ang babaeng yun dahil hindi naman lihim sa inyo na napaka-matapobre at ubod ng yabang ang isang yun."
BINABASA MO ANG
YESTERDAY ONCE MORE
Roman d'amourYESTERDAY ONCE MORE written by: Blackrose Genre: Romance Teaser -----,--'-,--'-{@ Paano kung ang pag-ibig ninyo para sa isa't-isa ay nasa tamang pagkakataon ngunit nasa maling panahon? Si Lavander Jade Del Pieros ay isang teacher ng elementary sa Di...