Chapter 6 -Two Sides Of Him

1.6K 31 1
                                    

YESTERDAY ONCE MORE
written by: Blackrose

Chapter 6 -Two Sides Of Him

------,--'-,--'-{@

"Happy Mother's Day Mama!!!" magiliw na bait ng dalawang anak ko.

Kagigising ko lang at pagpunta ko sa kusina upang maghanda sana ng almusal namin ay ang masayang mukha ng dalawang anak ko ang bumungad sa akin.

"Salamat Ate Lady! Salamat Steph!" maluha-luha ako nang iabot nila ang isang card sa akin. Habang binabasa ko ang card ay may yumakap sa akin.

"Happy Mother's Day Sweetheart!" sabay abot ng isang bouquet of flowers naman ng asawa ko. Hinalikan niya ako sa labi sabay sabi ng 'I love you'.

"Ahh.. Thank... You... Stephen. Hindi ka na sana nag-abala pa. Maraming salamat." although nagulat ako sa surprise nito ay hindi ko na lamang pinahalata. Nasa mabait na mode ang asawa ko ngayon, hindi siya beastmode at wala siyang topak ngayon.

"Huwag ka ng magluto ng almusal Sweetheart, nag-order na ako ng almusal natin. Maya-maya lang ay nandito na yun. Tapos mamaya, pagkatapos natin mag-almusal ay maligo na kayo at may pupuntahan tayo." sabay hawak nito sa kamay ko.

"Talaga Pa? Kasama ba kami ni Ate jan?"

"Aba oo naman, syempre kasama kayo! Kaya pagkakain ay maligo na kayo ng Ate Lady mo."

Aba himala! Ano kayang nangyari dito at napakabait niya ngayon?! Question ko sa isip ko.

"Pupunta tayo sa paboritong lugar ng Mama niyo."

"Yehey!!!!!" sabay na sigaw naman ng dalawang bata.

Maya-maya lang ay dumating na ang mga inorder nito. Half bilao na spaghetti, fried chicken, barbeque at sapin-sapin. Hindi lubusan ang kasiyahan ko dahil medyo duda parin ako sa kabaitan na pinapakita niya ngayon pero natutuwa ako. Nagulat talaga ako sa effort ni Stephen. Nagulat ako sa kabaitan niya, nagulat ako sa pinapakita niyang ugali today. Lahat ng inorder niya ay mga paborito kong pagkain. Siya pa ang naghain sa mesa at naglagay ng pagkain sa mismong plato ko. Sana ay parating ganito na lang ang asawa ko. Sana ay parating may occassion para mabait at maasikaso ito sa amin. Sana buong araw ay manatili siyang ganito para naman payapa at matiwasay ang maghapon ko. Matapos namin kumain ay nagsabi na ito na maligo na kami at gumayak na raw, siya na raw ang bahalang mag-imis ng pinagkainan which is really very very unusual of him. Very unusual ang kinikilos nito ngayon pero masaya narin ako. Kung tatagal man or not ang kabaitan na pinapamalas niya, ang mahalaga ay tahimik ang araw na ito sa isang kabanata ng buhay ko.

Makalipas ang isang oras ay lulan na kami ng taxi. Sa daan na binabagtas ng sasakyan ay parang alam ko na ang destination namin. Dito ako madalas dalhin ni Stephen dati noong wala pa kaming mga anak, kapag namamasyal kami sa tuwing may occassion sa aming dalawa. Pagkahinto ng taxi ay buong galak na bumaba na ang mga bata. Andito na kami sa Manila Ocean Park. Tulad ng unang reaction ko noong una kong punta rito ay ganon rin ang naging reaction ng mga anak ko. Masaya ako dahil labis ang saya nila Lady. Si Stephen naman ay palaging nasa gilid ko lang na kung hindi nakahawak sa kamay ko ay naka-akbay sa akin. Kung titignan kami ay larawan kami ng isang perfect couple na wagas na nagmamahalan at bihira kung magtalo. Ito yung mga panahon na kapag nangyayari ay labis-labis ang pasasalamat ko sa Diyos. Siguro kung ganito lang talaga si Stephen, yung hindi nananakit at hindi nang-aabuso, malamang walang kami ni Arthur. Siguro ay napakasaya ko bilang may bahay nito at malamang ay wala na akong hihilingin pang iba. Ang kaso ay hindi siya parating ganito. Daig pa nito ang babaeng may buwanan na dalaw sa pagiging moody nito. Napaka-unpredictable niya.

Matapos namin sa Manila Ocean Park ay tumuloy naman kami sa Mall. Kumain muna kami sa isang kilalang fastfood. Mula ng magkaanak kami ni Stephen, ngayon lang kami kumain ng buo ulit sa labas, as in one happy family talaga. Habang maganang kumakain sila Steph ay pinagmamasdan ko sila pati na si Stephen. Diyos ko, sana po ay tuluyan niyo ng baguhin ang asawa ko. Gusto ko na pong maging buo ang pamilya ko. Mahal ko man po si Arthur pero willing akong kalimutan siya kung magiging okay po ulit ang pagsasama namin ng asawa ko. Dasal na sambit ng isip ko. Perfect father talaga si Stephen. Todo ang asikaso nito sa mga bata lalo na kay Steph. Nang matapos kaming kumain ay sa department store naman kami tumuloy. Binilhan niya ng tig-isang dress ang mga bata at bagong sandals ang mga ito. Tapos ay sa jewelry section naman kami dumeretso. Laking gulat ko ng kinuha niya ako ng isang gold necklace na may rose pendant. Halos maiyak ako ng isuot nito sa leeg ko ang necklace. Nang mabayaran niya ito ay saglit niya kaming iniwan at magsi-CR lang daw ito subalit ng makabalik ay may bitbit na itong isang hindi kalakihan na paperbag. Bago kami tuluyang umalis ay kumain ulit kami ng meryenda dahil gusto raw ng mga bata ng pizza. Nag-take out pa kami para if ever daw na gutumin kami mamaya sa bahay ay hindi na kailangan pang magluto. Walang mapaglagyan ang kaligayahan ko ng mga sandaling iyon. Daig ko pa ang nanalo sa sweepstakes sa sobrang saya ko. Ni hindi nga nagtagal sa isip ko si Arthur dahil para sa akin ay napaka-perfect ng araw na ito para sa pamilya ko at para narin sa akin.

YESTERDAY ONCE MORE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon