Chapter 2 -Lavander Jade Del Pieros

2.5K 44 2
                                    

YESYERDAY ONCE MORE
written by: Blackrose

Chapter 2 -Lavander Jade Del Pieros

----'-,--'-,-{@

Pagpasok ko sa bahay ay nabungaran ko ang dalawang anak ko na nanonood ng tv. Si Lady Chris ang panganay ko at si Stephanie Gayle ang bunso. Parehas silang tutok na tutok sa pinapanood nila kaya hindi nila namalayan ang pagdating ko. Dumeretso na ako sa kwarto namin ni Stephen, naligo ako at muling lumabas. Pagpunta ko sa kusina ay inabutan ko pa ang mga hugasin sa lababo. Kaagad kong nilinisan ang paligid dahil ayaw na ayaw ni Stephen na madumi ang paligid kapag dumadating siya. Pihadong iinit at magagalit na naman yun kapag naabutan na may kalat. Maya-maya lang kasi ay andito na siya at ayokong magalit na naman siya kung marumi ang dadatnan niya. May get together itong pinuntahan kasama ang mga co-faculty teachers niya sa Department Of Business Administration. Nagbilin ito kanina na huwag na itong tirahan ng pagkain at pihadong kainan raw ang pupuntahan nila. Pagkatapos kong maglinis sa kusina ay dumeretso ako sa sala kung saan naroon ang mga anak ko.

"Hep! Kamusta ang schools niyo today?" tanong ko sabay upo sa single seater na sofa na kabila lang kung saan sila nakaupo.

"Ako Mama, okay lang. Wala akong assignments today." unang sagot ni Steph.

"Tapos na ako sa assignment ko Ma." dugtong naman ni Lady.

"Buti naman. Nagtext na ba ang Papa niyo? Pauwi na raw ba siya?"

"Nag-text Ma pero mamaya pa raw siya uuwi, may konting session daw." sagot ni Lady.

Sa narinig ko ay napabubtong hininga ako, nanghinayang ako. Sayang at nagmadali pa kami ni Arthur kanina. Kung alam ko lang sana na gagabihin ng uwi si Stephen, siguro ay mamaya pa kami naghiwalay ni Arthur. Nawalan na ako ng gana kaya pumasok na ako sa kwarto namin. Humiga sa kama saka pumikit. Nanumbalik sa alaala ko ang pinagsamahan namin ni Arthur kanina. Napangiti ako dahil nakasama ko ulit ang mahal ko. Naalala ko kung paano nito sambahin ang pagkatao ko, kung paano nito sambitin ang pangalan ko ng buong pagmamahal at kung paano nito ipatikim sa akin ang langit na hindi ko nararanasan matagal na sa piling ng asawa ko. Alam kong mali ang kung anong meron kami ni Arthur, alam ko naman yun na subalit masaya ako sa kung anong mayroon kami ngayon. Masaya ako patakas man or panakaw... pero lumiligaya kami sa bawat sandali na magkasama kami kahit na panandalian lamang.

Alam kong masama ang tingin ng lipunan sa mga lalaking nangangaliwa at sa mga babaeng kumakabit sa lalaking may asawa pero... Alam ba ng lipunan kung bakit mas pinipili ng iba ang magkaroon ng bawal na relasyon? Alam ba ng lipunan kung ano ang pinagdaraanan ng mga taong mas pinipili ang relasyon na mali? Alam ba nila ang puno't-dulo ng pagtataksil nila sa mga kaparehas nila? Hindi. Hindi nila alam at wala silang alam. All they did is to accuse couples na masama ang pagtataksil where in fact, ang mga kaparehas naman talaga nila ang may nagkukulang kung kaya mas pinili nila na maghanap ng iba. Pero kahit paano pa ito i-justify ng mga nangangaliwa at ng mga nagtataksil, the reality still stands na mali ang ginagawa namin which I don't deny.

Ako nga pala si Lavander Jade Del Pieros, 32 years old at may dalawang anak. Maaga akong namulat sa responsilibidad dahil maaga kaming nagsama ni Stephen. Siya ang unang nobyo ko at pinanindigan niya ako dahil nabuntis niya ako. Ngunit sa totoo lang ay hindi kami mag-asawa sa legal na aspeto nito. Hindi kasi naniniwala si Stephen sa kasal dahil ang mga magulang nito ay kasal sa simbahan ngunit matagal ng hiwalay. Maging ang mga kapatid pa nito ay pawang katulad ng kapalaran ng mga magulang nila. Kaya Del Pieros parin ang gamit ko samantalang ang dalawang anak namin ay sa apelyido na niya which is Tuazon. Dapat ay Lavander Jade Del Pieros Tuazon ako pero okay narin yun dahil sa ayaw niyang maikasal ay nanatili akong Del Pieros na mas gusto ko narin dahil nga sa mga nangyayari sa amin ngayon ni Stephen.

YESTERDAY ONCE MORE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon