"Chandria!"
"Oh Dany! Ang bilis mo yatang natapos yung pinagagawa ni Señora Gretchen"
"Eh kasi si Nanay, pinagmamadali ako"
"Bakit naman?"
"Ginawan ka kasi nya ng turon. Ang tagal na daw kasi nung huling gumawa siya nito. Tsaka alam nyang paborito mo 'to"
"Talaga? Nako salamat!"
"Haha. Sabi ko na nga ba at sobrang matutuwa ka eh"
"Syempre naman! Paborito ko ang gawang turon ni Ninang Kara. Napaka -sarap kaya niyang gumawa"
"Haha. Oh ano? Meryenda na tayo?"
"Nako. Pasensya ka ha? Kahit gustuhin ko man na mag meryenda na, hindi pa pwede. Madami pa akong trabaho. At pupunta pa ako ng hacienda upang tulungan si Nanay"
"Sandali lang naman tayong kakain. Nagmadali pa naman ako para makapg meryenda na tayo. Tsaka Alas-3 na oh. Kumain ka muna. Alam kong hindi ka pa kumakain ng Tanghalian"
"At Paano mo naman nasabi na hindi pa ako kumakain ng tanghalian?"
"Pumunta ako sa Kubo nyo, dinalhan ko din Si Aling Minda"
"Sinabi ni Nanay sa'yo?"
"Syempre! Nagtanong kasi ako kaya halika na at kumain na tayo"
"Pero, magagalit si Señora. Sigurado akong mapapagalitan ka din nun pag nakita tayo"
"Ano nalang ba ang gagawin mo? Tutulungan nalang kita"
"Ay, Nako wag na. Mapapagod ka lang. Wag ka mag-alala, tutal wala namang pasok bukas, pupunta ako sa kubo ninyo"
"Talaga? Pangako mo 'yan ha?"
"Oo. Pangako!"
"Pero pwede bang hintayin nalang kita? Diba't sabi mo pupunta ka mamaya ng Hacienda upang tulungan ang iyong Nanay sa pag pitas ng mga prutas?"
"Oo, pero matatagalan pa ako. Maraming inutos si Señora sa akin"
"Payagan mo na kasi akong tulungan ka upang matapos agad ang mga trabaho mo"
"Pero-
"Wag ka ng mahiya. Alam kong pagod ka na"
"Hay. Sige na nga! Maglalaba pa ako at Maglilinis ng kwarto nila Señora at kanyang mga anak "
"Napakadali lang naman pala ng gagawin natin"
"Hindi madali iyon. Sa Paglalaba pa lamang ay siguradong mapapagod agad Ako. Napakarami ng aking lalabhan"
"Kaya nga tutulungan kita, 'di ba? Kaya Huwag ka mag - alala, mabilis tayong matatapos"
"Salamat talaga ng marami Dany Ha?"
"Walang anuman Chandria. Napaka Liit lamang na bagay nito"
Pagkatapos ng Aming pag uusap ni Dany ay agad na kaming naglaba. Tulad nga ng sabi nya ay madali kaming matatapos. Nakapaglinis na din ako ng mga kwarto sa Mansion nila Señora. Pagkatapos nito ay pumunta na agad kami sa Hacienda. Pagdating naming dito ay tinulungan parin kami ni Dany sa pagkuha ng Mangga.
BINABASA MO ANG
Destiny and Chances (KATHNIEL)
Fanfiction"If it is meant to be, it will be" - Destiny "Take risks: if you win, you will be happy; if you lose, you will be wise." - Chances