“Alam mo, Kung ako sayo, sinasabi mo na akin iyang problema mo.” Pagpupumilit niya
“Pero, hindi maari.”
“At bakit naman hindi? Akala ko ba’y matalik tayong magkaibigan? At ngayon ka lamang magtatago sa akin ng sikreto kaya hindi iyan maari”
“Mahirap.”mas mahirap sa inaakala mo
“Mahirap talaga iyan kung iyong sasarilihin lamang” Mahirap na lalo’t ikaw ang aking problema.
“Sige, Bukas. Sasabihin ko sa iyo. Pero ngayon, maari bang magpakasaya muna tayo? At tsaka, kaya ka nga tumungo dito sa burol upang magpahinga at tumingin ng magandang tanawin di’ba?
“Sa bagay. Hmm. Halika na at kumain na tayo ng aking niluto.”
“Ano ba ang iyong niluto? At sigurado ka bang masarap iyan?” pabirong tanong ko sa kanya.
“Aba’y huwag mong maliitin ang aking kakahayan, Dany” HAHA. Alam kong siya’y naiinis na sa akin.
“Hindi ko naman minamaliit ang iyong kakayahan Chandria, ako’y nagtatanong lamang. Ano ba kasi iyang niluto mo?”
“Ang iyong paborito lang naman.” Sabi niya sabay tingin sa akin na tila nang-iinggit.
“SINIGANG!”
“Tingnan mo. Tila mas Masaya ka pa sa akin eh.” Nakangiting sambit sa akin ni Chandria.
“Sino ba naman ang hindi matutuwa? Hindi ko naman inaasahan na ipagluluto mo ako.”
“Hay nako. Kung ako sa’yo ay kukunin ko na ang lalagyan ng pagkain natin sa tubig sa kubo.”
“Sige na nga at Kukunin ko na ito basta, ako ang unang babawas ng ulam ha?.”
Tumango lang si Chandria habang nakangiti. Ngayon alam ko na kung bakit nakipag talo sa akin si Chandria na huwag nang magdala ng dahon ng saging. Sinigang pala ang kanyang ‘niluto.
Tumungo na ako agad sa kubo na pinag iwanan naming ng aming gamit. Ngunit habang ako’y kumukuha ng gamit, may biglang sumigaw.
“AAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH DANYYYYYYYYYYYYYYYY”
“KUYA DANIEEEEEEEEEEEEEEEELLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLL”
“Ugggggh! What the hell! Xyriel, Why are you shouting?! Can’t you see? I’m sleeping!”
“I’m shouting because you’re dreaming, kuya”
“Kaya nga eh! Natutulog ako, nanaginip ako. May masama ba dun?”
“I’m sorry kuya. I just want to play with you. I miss playing basketball with you.”
Boom! Alam talaga ng batang ‘to ang kahinaan ko. Hayyy. Tsk.
“Hayyy. Halika nga dito.” Sabi ko kay Xyriel Sabay senyas na lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Destiny and Chances (KATHNIEL)
Fiksi Penggemar"If it is meant to be, it will be" - Destiny "Take risks: if you win, you will be happy; if you lose, you will be wise." - Chances
