Chapter 3

32 0 0
                                    

KATHRYN’S POV

 

“Anak! Bilisan mo. Nasa labas na si Julia” sigaw ni Papa

“Opo Papa, Bababa na po ako.”

Ugh! Bakit ba kasi nung nagpaulan ng kabagalan sa mundo, sinalo ko lahat? Oo, aminado talaga akong mabagal ako. Eh kasi naman, inaantok pa talaga ako. Bakit ba kasi dalawang araw lang yung Pahinga sa isang lingo? Pwede namang Tatlo di’ba? Osha sige, mamaya na ulit ako magre – reklamo. Kawawa naman si Julia, naghihintay na sa baba.

(Sa Baba)

“Oh anak, mag – ingat kayo ni Julia ha?” sabi ni Papa sabay Pat sa ulo ko.

“Opo papa. Uhm, Pa, Asan si Zaijan? Di ba sya sasabay sa amin ni Julia?”

“Nauna na ang kapatid mo. Pinahatid ko nalang sa Driver natin. Alam ko naman kasing sa Kotse nila Julia kayo sasakay. Tsaka nagmamadali siya.” Nuxx. Nagmamadali? For Sure may di nanaman nagawang assignment yun. Haha

“Ah Ganon po ba? Sige pa, alis na po kami ni Julia. Baka kami naman yung ma-late” pagpapaalam k okay papa sabay kiss sa cheeks niya.

“Sige Po Tito, Una na po kami” Pagpapaalam din ni Julia.

“Sige. Ingat kayo. Umuwi kayo agad mamaya ha?”

Tumango lang kami ni Julia at pumasok agad sa loob ng Kotse nila.

“Uy Bes, alam mo na ba yung mangyayari ngayon?” tanong ni Julia.

“Huh? Anong mangyayari?”

“Di mo ba alam? Tsaka Nag-announce si Ma’am Gonzaga about dun ha?” Nag – announce? Kailan? Bakit di ko alam yun?

“Di ko talaga Alam Bes. As in wala akong Idea. Ano ba kasi yun?”

“Sabi Ni Ma’am, Magsasama na daw yung Afternoon and Morning Session ngayon.”

“OMG! Oo nga pala, ngayon na yun. Tss. May bago nanaman tayong pakikisamahan. Tapos dadami na tayo ngayon. Hayyy. Hirap neto. Lalo na sa Ranking”

“Hay nako, Kath. Kaya mo yan noh? And Ngayon, mas dadalasan natin yung pag – aaral ng magkasama, para at least, kahit nag-aaral tayo, Masaya parin. Kaya wag paranoid please? Kaya natin yan. Magkasunod parin tayo sa Ranking.” Pagpapaliwanag ni Julia sa akin. Hayyy. Ang bait talaga nito.

“Thank you talaga Bes, ha? Sobrang Bait mo. Baka kung wala ka, baliw na ako sa kaka-aral lang. Hahaha”

“Baliw ka talaga forever, bes! HAHAHAHA” sabi ni Julia sabay hampas sa akin. Baliw din ‘to eh.

“Mga Ma’am, andito na po tayo” sabi sa amin ni Kuya  Arnold, Driver nila Julia

“Ay! Thank you po kuya! Sige, Bye-bye po” pag papa-alam ni Juls.

“Walang anuman po Ma’am!  Ingat din po kayo.”

“Bye Kuya! Ingat sa pag dri-drive!” sabi ko naman.

“Bye din Ma’am Kath! Ingat din!”

After that “Bye Session” With kuya Arnold, bumababa na kami ni Julia ng Kotse.

“Ohhh. Shoot!”

“Oh bakit bes?” tanong ni Julia sa akin.

“Yung I.D ko, wala dito sa bag ko. Ugh, Lagot na.”

“Baliw-ag ka talaga. Ay hindi pala, Ulyanin ka pala. Nasa akin yun Bes, Remember? Galing ka sa bahay nung Friday, tapos nilagay mo sa bag ko. Then tinawagan mo ako nung Saturday para ipaalala na nasa akin na yung I.D mo wag  ko kalimutan.” Spell pahiya? K-A-T-H-R-Y-N. -_-

Destiny and Chances (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon