Noong araw na ika'y tuluyang lumisan
Ika'y tuluyang sumama ng walang balikan
Bakit iyon ang nagawa, ganoon na ba ako kasama?
Bakit ka kinuha, bakit ika'y sumama sa tawag niya?
Lubos ang aking pagsisisi sa sarili
Ano ang nagawa, wala nang nagawang tama
Hindi ko sinasadya, sana ay maitama
Sana ay maiwaksi ang kasamaan sa sarili
Poong Maykapal kay aga ng iyong hatol
Siya'y iyong kinuha ng walang kagatol-gatol
Siya'y mabuti walang inaapi
Kaya'y hindi mawari, ang hatol mo'y kay dali
Nais kong humingi ng tawad
Sa lahat ng masamang nagawa
Ako'y walang karapatan sa iyong awa
Pero sana'y kapatawara'y iyong magawa
Hindi nasabi, hindi naipakita
Nakatago sa aking mga mata
Ngayon palang ito sasabihin sayo ina
Sana'y maalala, wag kalimutang Mahal na mahal kita.
~2017~
