Naaalala ko pa noong ika'y nandito pa
Kausap-kausap ka pa ng masaya
Habang kusap ka'y anong sigla ng iyong mga mata
Kaya'y puso ko'y walang kalalagyan ng saya
Nandito ka sa tabi kapag ika'y kailangan
Naroon ka sa panahon ng kailangan ng masasadalan
Hanggang ngayon ika'y nasa isip at damdamin
Laman ka ng aking puso't isipan
Dumating ang oras na ika:y namahinga
Ang oras na ika'y sumama sa tawag niya
Hindi lubos akalaing ganito pala kaaga
Bakit ngayon pa na kailangan kita
Hindi ko lubos maisip kung bakit?
Hindi ko mawari ang sakit
Labis-labis ang aking paghihinagpis
Bakit mo iniwan ang puso kong puno ng pagtangis
Hindi ko man sinasabi sa iyo
Hindi ko man napapakita sa iyo
Huli na ba ang lahat para maipakita
Lubos ang pagsisising hindi nasabing mahal na mahal kita.
~??/??/2017~
