Chapter 2 - Weird Place

2 0 0
                                    


'Don't expose yourself or else.... you'll die'

Nagpaulit-ulit ang katagang yan sa isip ko. Pakiramdam ko pinaglalaruan ako ng lahat.. ng bawat makakasalamuha ko.

Kung biro ito quit it. Di nakakatuwa.

Kung nananaginip ako. Sana magising na ako.

"Hit me"

Nagulat pa bigla si Keira sa nasabi ko pero nawala din agad na sa tingin ko narealized niya ang sinasabi ko.

Tumabi pa siya sa akin bago magsalita.

"Armi.. kung inaakala mo ay isang panaginip lang ang lahat ng ito... diyan ka nagkakamali dahil-"

"Just hit me" pagpuputol ko sa kanya.

Tumingin muna siya sa mga mata ko.At dahil wala na siyang magawa-

Pak!

ay sinampal niya nga ako...

Medyo namanhid pa ang pisngi ko sa pagkakasampal niya.

'Ang lakas din pala manampal ng isang toh'

Hinawakan ko ang pisngi kong nasampal niya at saka ito minamasahe.

"Katotohanan ang nakapalibot sa'yo Armi" pagpatuloy pa niya. "May mga bagay talaga na hindi mo maintindihan hangga't hindi napapatunayan ng katotohanan"

Ngumiti siya saka tumayo palayo sa akin papunta sa pinto. Tumigil pa ito at nilingon ako.

"Hayaan mo Armi..... malalaman mo rin ang lahat sa tamang oras" sabi niya at saka sinuot ang hood ng uniporme niya"Mauuna na ako" dagdag pa niya at nagpatuloy lumabas.

Pagkaalis niya agad akong humilata sa higaan ko.

sigh

Bakit wala akong alam kahit ni isa sa mga paligid ko?

Nagtataka ako.... wala akong matandaan. Simula pagdating ko dito wala akong matandaan.At isa pa sa higit na pinagtataka ko.... bakit niya alam ang pangalan ko?

Lahat ba ng bago alam agad nila ang mga pangalan?

sigh

Napahilamos ako ng mukha sa mga pinag-iisip ko.

Hindi rin naman nagtagal ay umalis ako sa pagkakahiga at pasikretong sumilip sa may bintana doon.Mula sa kinatatayuan ko kitang-kita ko ang mga estudyanteng nagsisipaglakad sa labas ng dorm. Halos di ko na nga makilala ang lahat ng nagsisipagdaan dahil sa mga hood na suot nila. At higit pa don isang grupo ang nakakuha ng atensyon ko. Sa pagkakaalam ko grupo sila ng kalalakihan dahil naiiba ang uniporme nila sa ilan. Kulay puti ang mga hood nila at mahigit bente sila. Nakita ko pa si Keira papalapit sa isa sa kanila.Isang lalake na prenteng nakaupo habang may binubuklat na parang papeles.

Ewan ko kung bakit madali kong i-identify na si Keira iyon.

Bumulong ito sa lalake at ganon na lamang ang reaksyon nito matapos bumulong ni Keira sa kanya.Biglang sinipa ang mesa sa harap niya na agad namang tumalsik palayo. Napakamot pa ito sa ulo na parang hindi alam ang gagawin.Maging ang mga kasamahan niya ay nabigla din sa kanya. Maya maya lang ay tumayo ito at agad tumingin sa direksyon ko. Napasinghap pa ako bago mapalayo at magtago sa gilid ng bintana.

tugdug


Bakit ganon? Nakakakilabot ang bawat nalalaman ko.

Bago ako dito at hindi maganda kung uungkatin ko lahat-lahat ang meron sa eskwelahan na ito.

Parang gusto kong alamin ang katotohan. Pero hindi ganon kadali iyon. Kailangan ko pa mag-ingat dahil wala akong nalalaman tungkol sa lugar na pinasukan ko.

sigh

Bakit kaya ako pumunta sa lugar na ito?

Anong meron?

Papatayin ako ng kuryosidad ko.







+++++++

No specific date kung mag-update.Hindi rin tantsado ang bawat chapters kung ito ba ay long o short.Apologize :  ) 

Thank you for consideration.LOL

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PRETERNATURAL SCHOOLWhere stories live. Discover now