Moriah's Point Of View
Sa dami ng estudyante sa paaralan na to, di ko na alam saan ako susuot. May mga CAT officers din na nagkalat kaya nagpapaka inosente ako. Baka kasi kasuhan nanaman ako mahirap na diba? Bait ko kaya...pag may officers hehe.
Tumabi nalang ako sa gilid at di na pinansin ang magulong paligid, ang saya naman nila, sana all.
Nangawit ako bigla kaya naghanap ako ng mauupuan ngunit isang lalake ang pumukaw ng aking atensyon.
Ang....gwapo... hala c.a.t officer sya..
Nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ng aking kaibigan. Si Almia.
"Moriah! Wag ka tumunganga jan nagpeperform na si Gelo suportahan mo kaibigan mo!" sermon nya, tinignan ko ulit ng huling beses yung lalake saka nakipag siksikan upang makapunta sa harap ng stage at sinuportahan ang kaibigan ko.
•••
Pag uwe ko ng bahay, as usual bungad nanaman ang sermon ni mama.
"Anong oras na, san ka nanaman galing bata ka?!" di ko sya pinansin at nagderetso sa paglalakad. Hindi na nag abala si mama na tanungin pa ako dahil wala naman syang pake sakin.
Pag punta ko ng kwarto ko agad kong nilock ang pinto saka kinuha ang sigarilyo na binili ko sa tindahan at sinindihan ito.
Yes, i do smoke. Surprising isn't it?
Hindi ako perpekto, no one does. Walang perpekto sa mundo except god.
Gusto ko sana maglasing ngunit wala na akong pera dahil ubos na allowance ko at maghihintay pa ako ng sabado para makuha ang sunod na allowance ko.
Wala naman akong ibang ginagastos kundi alak at sigarilyo. Nakasanayan ko na kasi.
Tumingin ako sa study table ko at kinuha ang litrato ng aking ama na pumanaw na.
"i miss you dad..." sabi ko saka ngumiti.
Simula nung mawala si dad nagiba na trato sakin ni mama, na parang katulong nalang nya ako, madalas pa ako bugbugin.
Sanay na ako dahil sa buong limang taon na ganun pamumuhay ko, maninibago pa kaya ako?
Pumasok ulit sa isip ko yung lalake c.a.t officer kanina. Ang gwapo nya seryoso..
Sino kaya yun? Ano kaya pangalan nya?
Pinatay ko ang apoy sa sigarilyo ko saka tinapon ito, at nahiga sa kama.
Kung sino ka man, ang gwapo mo.
YOU ARE READING
The Truth Untold (On-Going)
Teen FictionAnother shit story, it's up to you if you're interested.