Moriah's Point Of View
Pag pasok ko, mga senior high naka tingin sakin..
Ano meron? Ahh alam ko na, nagagandahan sila sakin. Hays alam ko naman.
Napapaisip ako kahit wala akong isip, pwede naman ako matulog kesa sa gawin gusto ni Almia, eh kaso nga ayun pag gusto nya dapat nasusunod.
Dahil wala pa adviser namin, di na muna ako pumasok ng room dahil ang ingay nila sakit sa tenga hirap matulog.
Pumunta ako sa may rooftop, dine nalang ako. Tahimik pa.
Nagsuot ako ng earphones at pumikit.
Feeling ko may nakatingin sakin, pero di ko yun pinansin dahil antok talaga ako.
Biglang may nag flash kaya napa dilat ako. Magsasalita sana ako kaso napagtanto kong si Johanns iyon..
Kinginang bakla to.
" paki bura" tanging sinabe ko at pumikit ulit. Kung ipost nya man yan wala akong pake, basta maganda ako.
Naramdaman kong tumabi sya sakin. Kingina ang bango.
Tinanggal nya yung isang earphone sa tenga ko at sinuot. Feeling close--- dejoke osige maganda ka kase Moriah.
Ay wait, baka may ibang makakita lagot ako kay Almia.
"Binasa ko yung letter na bigay mo" sabi nya, letter ni Almia yun. "Kay Almia yun diba? yung Kapatid ni Mr. Hernandez" tanong nya. Tumingin ako sakanya sabay ngiti at tumango.
"Ayoko saktan feelings nya pero, ikaw na magsabi kay Almia, mag aral muna, bata pa sya makakahanap din sya" sabi nya, nalungkot ako na natuwa. Ewan ko?
Ngumiti ulit ako at tumango, hays Almia, lahat ng gusto mo nirereject ka.
" by the way, ano pangalan mo?" tanong nya.
" Moriah pwede moko tawaging Alee, if you want" sagot ko--- ay puta, hindi ako nagpapatawag ng Alee unless close ko. Huhu.
"Nice meeting you, Alee" sabi nya, ngumiti sya saka tumayo at umalis.
Di ko maitatanggi, ang gwapo nya. Pero bat nya nireject si Almia? Ganda ganda ng bestfriend ko eh. Ay bakla nga
•••
Sinabe ko kay Almia pinapasabi ni Johanns eto sya umiinom...ng minute maid.
"Na broken ako, ang sakit sa dibdib" sabi nya sabay hawak sa dibdib at kunwaring umiiyak.
"may dibdib kaba?" sagot ko, natigil sya at tinignan ako ng masama.
"YUN NA NGA MASAKIT EH! WALA AKONG DIBDIB PERO DINIDIBDIB KO!!" sigaw nya kaya natawa ako, pikon eh.
Hinampas nya braso ko kaya tyumigil ako sa pag tawa.
" Pero pinicturan nya ako habang natutulog" sabi ko, napa simangot naman si Almia at niyakap braso ko.
"Sana lahat, sana kasing ganda mo ako para magustuhan din ako ng taong gusto ko, sana ikaw nalang ako" drama nya, you wouldn't like to be me..
You wouldn't like to be a mess, useless, and unwanted like me..
YOU ARE READING
The Truth Untold (On-Going)
Teen FictionAnother shit story, it's up to you if you're interested.