Chapter 2: Bakla

14 6 22
                                    

Moriah's Point Of View

Nakikinig lang ako sa sinasabe ng teacher pero wala akong maintindihan dahil lumulutang ang isip ko.

Ang naintindihan ko lang ay may program nanaman na gaganapin. Di sila napapagod na puro program nalang? Ayoko din naman ng regular class, pero kasi...gusto ko nalang matulog.

Nagdismiss na si maam kaya inayos ko ang gamit ko, natigil ako dahil sa sigaw ni Almia na daig pa nasa kabilang bundok kausap.

"MOYANF!!! MAY KWENTO AKO!!!!!" napatakip ako ng tenga ko saka pilit na ngumiti.
" Oo na, pero please lang no? hinaan mo boses mo masyado ka maingay" sabi ko at pinagpatuloy pag aayos ng gamit ko.

" May gusto kasi ako sa isang c.a.t officer, ihhh kinikilig ako kasi ang gwapo nya!" nung sinabe nyang c.a.t officer natigilan ako at naalala yung gwapong officer na nakita ko nung nakaraang linggo.

Ano kaya pangalan nun?

•••

Habang nasa tahimik na pinagmamasdan ang mga naglalaro sa gym, tahimik din akong naka upo dito sa bench dahil bored ako sa buhay ko.

May umupo sa tabi ko, di na ako nagabala tignan ito.

"Uy Johanns kingina mong bakla ka akin nayan!"

Napalingon na ako sa tabi ko dahil sa ingay ngunit nagulat ako nung malaman ko kung sino iyon.

Sya yung gwapong c.a.t officer na nakilala ko. Hala oo nga!

Pero...bakla..?

"Weh wala dun kana gurl!" ng marinig ko ang boses nya... na dissapoint ako. Kasi ang gwapo, tas...tas...bakla?

Cancel naba? Sayang naman. Pero ano daw? Johanns?

Oyas alam ko na rin pangalan nya.

•••

Andito ako ngayon sa bahay nila Almia dahil may kwento nga sya.

"Nakilala ko lang sya nung program 'be, kasi ang gwapo nya tas ang cute pag ngumiti sya nawawala mata nya"

nakikinig lang ako sa kwento nya pero ang totoo lumulutang isip ko.

" ano naman pangalan nun?" tanong ko. Ngumiti sya ng malapad at tumayo sa pagkakahiga.

" c.a.t officer, battcomm, Johanns Mendez"

Nahulog ako sa sahig ng sabihin nyang 'Johanns Mendez' Diba yun yung gwapong bakla?!

WTF?!?!?! GUSTO NYA YUNG BAKLANG YUN?!

"Seryoso ka Almia Hernandez?! Bakla yun eh!!" sabi ko, napasimangot naman sya.

" Gender doesn't matter, yiiii!" sagot nya animo'y proud pa.

Nakakabaliw..

The Truth Untold (On-Going)Where stories live. Discover now