Moriah's Point Of View
Habang nakatingin sa orasan at hinihintay mag lunch may nagbato sakin ng lukot na papel at napatingin ako sa direksyon ng bumato. Walang iba kundi si Almia.
Binuklat ko ang papel saka binasa ang naka sulat dun.
"May papagawa ako sayo, wag kana umangal lilibre kita smart c, -Almia Cute"
Napairap nalang ako at tinignan si Almia na tuwang tuwa. Hays..
•••
"So ano papagawa mo Madam?" tanong ko, kumapit sya sa braso ko habang naka nguso.
"Diba? diba alam mo naman na may crush ako? at alam mo ring pala kaibigan ka so..... ILAKAD MO NAMAN AKO KAY MENDEZ!" napalayo ako sakanya dahil sa biglaang pag sigaw nya.. Pero ano daw? Ilakad ko sya? Bakit? Marunong naman sya maglakad ah? Di rin sya pilay.
"May paa ka diba? Di ka naman pilay bat kita ilalakad?" sagot ko, binatukan nya ako kaya tinignan ko sya ng masama. Puta to ah?
" Tanga mo naman, ilakad as in tulungan moko maging kame boba" sabi nya, eh? Ginawa pa akong Cupid -,-
•••
Andito ako ngayon sa Senior High Department.
Hawak ko ngayon ang letter na pinamimigay ni Almia para kay Johanns ba yun? Ewan ko
Binigyan din nya ako ng picture para daw mamukhaan ko. No need kabisado ko mukha ni kuyang--- ateng na gwapo.
Habang palinga linga bigla akong bumangga sa matigas na bagay.
Akala ko babagsak ako sa sahig kaya nakapikit ako at hinihintay na bumagsak ngunit....may naramdaman akong humawak ng bewang ko.
Binukas ko ang aking mata at bumungad sakin ang isang gwapong lalake....i mean...bakla.
Tinayo ko sarili ko ng maayos at lumayo sakanya.
"Sa susunod magiingat ka" sabi nya, teka.. nagbago ata boses nya?
Inabot ko sakanya yung letter, at pagka kuha nya agad akong tumakbo paalis.
Nakakahiya.
YOU ARE READING
The Truth Untold (On-Going)
Teen FictionAnother shit story, it's up to you if you're interested.