Malapit na palang magdalawang linggo hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako sa Breakers Kingdom at sa kapital pa nito ako napad-pad. Ilang araw na rin akong nag-iisip paano ako makakatakas at paano rin makabalik sa Agape. At natatakot rin ako paano kung malaman na isa akong Agape.
"Micah magbihis ka mamasyal tayo" abalang sabi ni Chance.
At nagbihis na rin ako para sumama at para makapag-isip ako sa plano kung pagtakas. At natatakot rin ako kahit paano kung malaman nila isa akong Agape baka bitayin nila ako o patayin.
Chance Pov
Abalang-abala ako dahil nalalapit na kami sumabak sa misyon namin sa Agape. At ipapasyal ko rin sandali si Micah mukhang hindi siya nakapasyal sa Soul Circle."Saan ba tayo pupunta? Tanong niya paglabas sa kwarto.
"Sa Soul Circle. Maayos naman at kasya sa yo ang damit " at naglibot-libot siya sa sala.
"Soul Circle?" patanong na sabi niya
"Oo, di ka ba nakapunta doon? Nagtataka na------" di ko natuloy ang sasabihin ko. At napansin ko rin na namumutla siya.
Micah Pov
Pagkatapos niyang magtanong ay naglibot-libot muna ako sa sala niya at may napansin ako na halaman at may sinabi na naman siya tungkol sa Soul Circle."Soul Circle?" patanong na sabi ko. At may naalala ako last year teacher namin na terror pero ito ay malabo, pero bakit sumasakit ang ulo ko pag pilit kung inaala ko yun.
"Oo, di kaba nakapunta doon? Nagtataka na-----" Agad akong kinabahan baka nalaman niya at agad akong tumingin-tingin sa paligid at naghanap ng bagay para di niya matuloy ang sasabihin niya.
"Ano pala to?" tanong ko at sabay hawak sa halaman, di pa rin nawawala ang aking kaba.
" Ah yan fern, bakit mo naman naitanong?" Habang nag-aayos sa kanyang liston sa sapatos. Fern ito pala yung halaman na yun na ang project namin at naalala ko na may ganito na halaman sa kuwarto ni mama
"Para saan pala to?" habang sinusuri ko ang halaman.
"Yan,q ginagamit para sa mga magsisimula palang gumamit ng magic" paliwanag niya sa akin napag-isip ko magic...
Does magic existing ?
"Tara " at lumabas na kami para sa pupuntahan namin.

BINABASA MO ANG
Agape Perpetual Exists ( World Of Magic)
FantasyAng mundong to ay ang mundo ng pag-ibig Mahirap man paniwalaan Sa mundong to walang nagsasabi na walang forever Dahil ito ay nakakamit nila ito Sa mundong to merong umiiyak. Pero di umiiyak sa sakit na sila ay nasasaktan. Kundi sa kasiyahan na k...