Lyra POV
" Micah bilisan mo naman, ang bagal-bagal mo talaga" sabi ko sa kanya at sabay upo sa sofa
"Eh sino bang nagsabi na pumunta ka rito ng maaga ha!" At binatukan niya ako. Kay aga-aga badtrip agad
" Ouch, ba't mo ko binatukan masama bang pumunta rito ng maaga at bakit di mo sinabi na pinsan pala ni Rex yung sinsabi mo na babae ha! Sabi ko sa kanya napahiya kaya ako at may binabalak rin kaya ako bwahahaha.......
Micah POV
Ughh.... nakaka-badtrip talagang to si Lyra nasira tuloy yong maganda kung panaginip makikita ko sana yung PRINCE CHARMING NG BUHAY KO pero teka nga ba't dalawa sila di ba pag prince charming di ba isa ba't dalawa, bakit kaya?
Tik!
" Ouch ba't mo ko pinitik masakit kaya" sabi ko sa kanya sabay himas sa noo ko na pinitik niya.
" Nakatulala ka kasi, akala ko nga kabaong na ang kulang parang hindi kana humihinga kaya" sabi ni Lyra. Pabebe talaga tong babaeng to.
" Parang hindi lang pala ako huminga tapos , kabaong agad di ba pwede may iniisip lang " paliwanag na sabi ko sa kanya
" hey! bilisan mong mag -ayos or you have death sequence" sabi ni Lyra sabay tawa parang witch lang at lumabas siya sa kwarto ko.
After few minutes....
Andito na kami sa AGAPE UNIVERSITY sa school there are three section:
Singles- Itong section nato di pa nalalaman ang nakatakda nila at ito rin ang special section dahil naiiba rin sila at may special ability rin sila pero yun ang hindi nila alam na sa kanilang mundo ay may magic. Sila rin yung endagered species ang student lang na nandito ay eight students only.
M.U( mutual understanding)- Itong section nato ang pumapangalawa special section at ito rin yung mga student na nagkaka- mabutihan sa mga kanilang nakatakda at yung patungo na sa pagiging couple.
Couple section - Ito ang mga section ng mga couple at yung mga wagas umibig sa kanilang mga nakatakda.Sila talaga yung hindi talaga mapag-hiwalay para
silang kambal tuko at sila rin ang napakalaki ng bilang there are 3 room for this section at di rin sila pinaghiwalay for inspiration."Anong section mo Micah" tanong sakin ni Lyra na excited na talagang pumasok sa room nila dahil katabi na naman nito ang jowa niya.
"Singles, kailan ba mababago ang section ko, eh single naman talaga ako" sabi ko sa kanya di ko pa kasi
nahahanap ang nakatakda ko simula ng first year ko rito sa highschool nakaka-curious, sino kaya siya." At alam ko na rin ang section mo wag mo nang sabihin halata na sa mukha mo" sabi ko sa kanya kilig na kilig siya eh at nagba-blush mga eh ikaw ba naman katabi mo jowa at a-akbayan ka pa haggang matapos ang klase at kung lunch break naman eh sabay rin naglu-lunch at nagsusubuan pa at kung naglalakad man sila patungo sa classroom magka-holding hands o naka-akbay.
Gosh , I'm so suffocate of there every minute sweetness just like there's no tomorrow , you know that SINGLE cannot relate couple doings
" Sama ka samin ni Rex mamayang lunch" sabi ni Lyra, di talaga mawala ang ngiti.
" Bakit? Sumama kana, please" at nag-pout.
" Ayoko para lang akong audience na langgam na laging nakasunod na nanood sa sweetness niyo at isa pa OP ako sa inyo" sabi ko sa kanya
" hehehe......." sabay hampas sa akin
" Ouch, nakaka-dalawa ka na Lyra ah"
" Bye" sabi ni Lyra at sabay flying kiss niya. Kadiri niya talaga siya, may pa flying kiss pa talaga eww...
Someone POV
" Anong section mo art?" tanong nung lalaki na ang pangalan ay Clyde
"Same as usual" sagot nung art.
Siya lang naman ang anak ng Reyna at Hari sa kanilang mundo ang BREAKERS KINGDOM.
Siya lang naman si Prince Chance Arthur Silver ang prinsipe ng kanilang kaharian at siya lang naman ang kinababaliwan ng lahat mapa babae o bakla, pati tomboy ay nagiging babae at nahuhumaling rito.
Ito rin ang susunod na magiging hari sa kanilang kaharian.
" talaga, nakaka-lungkot di na tayo magka-klase" sabi nung clyde
" Ba't mo kasi hinayaan na mangyari yun" sabi nung Art
"So sa Umaasa section ka na?" tanong nung art
" Oo, maayos nga di sa lowest section eh, kaya lang di ko na siya ka-klase. Ba't ko ba sinabi na mahal ko siya at hinayaan na manguna ang aking emotion" sabi nung clyde.
Sa school ng Breakers University di rin nawawala ang mga section:
Paasa Section- Ito ang special section ang mga student dito ay sila yung mga sikat, heartrob,at kinababaliwan ng mga babae man o lalaki. Sila lang naman ang nagpapaiyak at sila rin ang di alam ang salitang "LOVE".
Assume Section- Ito pala ang pumapa-ngalawa sa special section. Sila lang naman ang umaasa na mamahalin ng kanilang iniibig at mga crush nila at ito rin ang pumapa-ngalawa sa napakalaki na bilang ng students.( at dito pala na punta yung best friend ni art dahil umasa siya na mamahalin ng kanyang iniibig)
Brokenhearted Section- Sila lang naman yung hiniwalayan, binasted, friendzone, seenzone ng kanilang crushes at pinagpalit sa iba at ito rin ang pinaka-lowest section at dito rin ang pinakalaking bilang ng students.
At sa mundo ng BREAKERS KINGDOM ay di mo basta-basta mahahanap ang iyong nakatakda kung di ka pa nakakaranas na masaktan , umiyak, at kung di mo pa nalalapagsan ang mga pagsubok para mahanap at matagpuan ang kanilang nakatakda.
Ang BREAKERS pala ay di basta-basta tao. May tinatago rin sila.
Please vote, comment and share.
Thank you!Plagiarism is a crime!
So please don't(Author note: hi po pala sa nagbabasa. I just want to say thank you for reading of my story, if there was reading my story at di ko po alam kung kailan po ako makakapag-update)
BINABASA MO ANG
Agape Perpetual Exists ( World Of Magic)
FantastikAng mundong to ay ang mundo ng pag-ibig Mahirap man paniwalaan Sa mundong to walang nagsasabi na walang forever Dahil ito ay nakakamit nila ito Sa mundong to merong umiiyak. Pero di umiiyak sa sakit na sila ay nasasaktan. Kundi sa kasiyahan na k...