Unknown Numbers and Intentions

10 0 0
                                    

Chapter 7

            Ginising ako ng mga katok sa pintuan ng kwarto ko.

            “Bessy! Gising na. Breakfast." sigaw ni Bessy, who's outside the door.

            Haaay…ang sarap ng tulog ko. I looked for my glasses and wore them. My alarm clock on the bedside table says 08:18 am. Late na pala ako nagising. I usually wake up around 6 or 7. Oh well, Sabado naman, so no worries. Patuloy pa rin ang pagkatok ni Bessy.

            “Bessy! Lalamig na ‘tong pagkain.”

            “I’ll be right there.” Tugon ko.

            Bumangon na ako. Tiningnan ko ang cellphone ko. 14 missed calls and 16 messages from Bessy. Hala. Siguradong maha-hot seat na naman ako. Then, 2 messages from 2 unknown numbers. I wonder who could it be? Baka stalkers. I’ll just read it later.

            I went out of my room and found Phoebe in the kitchen holding a cup of cappuccino. Breakfast is served and my cup is also filled with cappuccino. She’s seated on one of the bar stools of the breakfast table. Tinabihan ko siya.

            “Good morning, sleepy head.” Pambungad niya sa’kin ng nakangiti.

            “Good morning, Bessy.” Bati ko rin ng nakangiti, sabay sip ng cappuccino.

            “Ang ganda ng mood ha. I wonder what happened to you last night.”

            “Pffft! Ouch!” Aray. Napaso pa dila ko.

            “Ahy! Mukhang interesting. Hindi mo man lang nasagot mga messages at calls ko.”

            “Eeeeh…sorry na Bessy. Si Marvel kasi eh.”

            “Pffffffft! Si Marvel?!” Muntik na niyang nabuga yung iniinom niya. “Kasama mo si Marvel kagabi?”

            “OA naman nito mag-react. Oo nga. He treated me dinner.”

            “What?! Dinner?!”

            “Aray. Bessy, ang aga-aga makasigaw ka. Ang sakit sa tenga. Makinig ka nga muna kasi.”

            “Okay, okay. Go on.”

            “So eto yun, he treated me dinner…” and then kwinento ko sa kanya lahat ng nangyari kagabi at ang gaga, nakafocus lang sa akin. Interesadong interesado.

            “OMG! Bessy, nakakakilig naman. Ang bilis niya ha. Naku, kilig na kilig ka naman.” Sabi niya.

“A-ano? Hindi ‘no. Friends lang kami.” Sabi ko. I felt my cheeks blush. Oh Marvel, what are you doing to me?

“Eh bakit namumula ka ha?” Tinuturo niya pa yung pisngi ko, tumatagilid na ako, dinuduro pa rin ako. “Ayieee, Bessy! Kinikilig.” Kiniliti pa ako.

“Ahhh! Bessy, ano ba? Tama na, Matapon ‘tong iniinom ko oh.”

“Eh halatang-halata naman kasi! Di-deny mo pa.” Tumigil na siya.

“Ga-ganun ba ka-obvious?” tanong ko.

“Naku, OO ‘no. Sa sobrang pula ng mga pisngi mo, dinaig mo pa ang lipstick ni Anne Curtis!” sabi niya. Ganun kahalata? OMG.

“Really?” Tumango siya. “Bessy, I think I like him.” Pag-amin ko.

“WOW! Phoebe Fermantes! Kinailangan pa talaga ng isang Marvel Collins para lang magkagusto ka sa isang lalaki! Sabagay, hindi na rin kita masisi. Padeny-deny ka pa na hindi siya hot at gwapo, ikaw pala ‘tong agad-agad na magkakagusto.”

DumbfoundedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon