Chapter 5

389 18 3
                                    

Villafuerte

Naglalakbay ako papunta sa kung saan.

To the left

To the right

To the front

To the back

Leche! Kung bakit ba naman kasi napakalaki ng school na'to. Pero kunsabagay pabor nadin dahil maraming gagalaan dito.

Naalala ko nanaman yung nangyari kanina sa cafeteria, tss. Mga gunggang sila. Kung sino mang gag*ng boyfriend n'ya yung sinasabi n'ya ay sana 'wag nang makalabas pa!

Letche sila, sinisira nila yung sira ng araw ko.

Sa paglalakad ko,hindi ko namalayang dinala na pala ako ng mga paa ko sa likod ng isang building, medyo may agwat ang isang to sa ibang mga buildings dahil mukhang abandona na ito at i re renovate palang.  Bakit ba 'ko nandito?

Paalis na sana ako ng may marinig akong mahihinang tawanan, o talagang hindi lang ako malapit sa kanila? Dahil naman kinakain na 'ko ng curiousity ko ay sinundan ko ito.

Hindi naman ako nagkamali dahil palakas ng palakas ang ingay na naririnig ko. Parang may pinagkakatuwaan sila base na 'din sa kung pano sila tumatawa, parang may nakakatuwa na hindi mo alam.

"Oh ano?! Ibigay mo nalang kasi para matapos na tayo dito”

"Boss,mukhang ayaw patabla ng isang 'to"

"Hah! Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo,Skie Smith!"

"Kung ibinigay mo nalang kasi agad. Edi sana, wala ka sa kinapu pwestuhan mo ngayon?”

Napataas naman ang isang kilay ko ng makita kong si Smith ang pinagkakaguluhan nila.

Bigla naman akong naalerto ng biglang susuntukin nung lalaki si Smith.

“ Subukan mong dumampi ang kahit na dulo ng kuko mo sa mukha nya, makikita mo ang matagal mo ng hinahanap”  nabitin sa ere ang kamao nung lalaki at lumingon sa gawi ko. Ngumisi lang ito sa'kin.

“Bakit,makakakita ko na ba ang langit?” napairap naman ako sa kagunggungan ng g*gong 'to.

Hindi ko s’ya pinansin.

“Pakawalan n’yo s’ya.” seryoso ngunit may bahid ng otoridad ang tono ng pagkakasabi ko.

“At sino ka naman para sundin namin?!”

Napalingon muna ako kay Smith na nakatingin din pala sa'kin bago sumagot....

“Ako lang naman ang babasag sa pagmumukha n’yo, teka,may babasagin paba d’yan?” nagtataka kong sabi habang pinagmamasdan ang pagmumukha nila isa-isa.

Namula naman sila.... Namula sa galit! Hahaha.

“Aba't! Gago pala 'to eh!” at bigla naman akong inambahan ng suntok nung isa. Mabagal masyado... Inilagan ko ang suntok n'ya at tinuhod s'ya sa sikmura,umikot naman ako ng sipa at dumiretso 'yon sa mukha n’ya. Nawalan sya ng malay, dahil siguro sa napalakas ang sipa ko.

“Sinong susunod?” At pinatunog ko ang mga daliri ko habang nakangisi. Napaatras naman sila.

“Kunin n'yo na'yan at 'wag na kayong magpapakita sa'kin.”

Dali dali naman nilang kinuha yung boss nila at umalis na. Tinigna ko ang nakaupo habang nakayukong si Smith.

Pumunta ako sa harap n'ya at mukhang naramdaman n'ya ang presensya ko kaya s'ya biglang nag angat ng tingin. May mga galos s'ya sa pisngi at putok din ang labi n'ya.

Napangisi ako sa kanya...

“Siguro naman bayad na'ko sa utang ko sa'yo?”

“D-Dapat hindi kana nakialam, baka balikan ka ng mga 'yon!”

Napangunot naman ako ng noo sa sinabi n'ya bago tumawa ng malakas.

“HAHAHAHAHA, sa tingin mo ba matatakot ako sa mga 'yon?”

Hindi naman joke ang sinabi n'ya pero natatawa talaga ako.

Sumeryoso naman ulit ako...

“Hindi ko alam kung bakit mo ginawa yung kanina sa classroom, pero 'wag mo na ulit gagawin 'yon dahil hindi nakakatuwa.”

Hindi ko na s'ya hinintay sumagot at umalis na. Makakapunta naman siguro 'yon sa clinic mag-isa,diba?

Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ako lumalakad pabalik sa kanya at biglang hinablot ang kamay n'ya't sinakbit sa balikat ko.

“A-Aray, dahan dahan naman!”

“Tsk. Hindi ba pwedeng mag pasalamat kanalang kesa pumutak ka d'yan? Bakla”

Nanlaki naman ang mata n'ya sa sinabi ko.

“HINDI AKO BAKLA!” Namumula n'ya sa'king sabi.. Mukhang nainis ko s'ya sa sinabi ko.

Napangisi naman ako sa sinabi n'ya.

“Okay, sabi mo eh”

“Seryoso ako!”

“Seryoso din naman ako,ah?”

Tsk. Bakla talaga. Nagmumukha tuloy akong lalaki.

Inakay ko nalang s'ya papuntang clinic. Kung hindi ba naman kasi s'ya tanga at nagpabugbog pa don. Hindi naman s'ya payatot, sa totoo nga n'yan ay nabigatan ako sa kanya. Pang basketball player pa ang height tapos nag pabuhat pa sa'kin?!

“Magpahinga kana” tamad kong sabi sa kanya pagkatapos nilinisan at lagyan ng band aid ang mga gasgas nya sa mukha.

“Hindi mo muna ba'ko sasamahan?” sabi n'ya sa'kin ng nasa may pintuan na 'ko ng clinic. Napalingon naman ako sa kanya at muntikan ng masuka ng makitang nakanguso s'ya. Yuck, bakla talaga.

“Niligtas na nga kita't lahat lahat, magrereklamo kapa?!”

“H-Hehe,sabi ko nga ingat sa pagalis!”

“Tss.”

“Sungit.”

Nairap naman ako sa sinabi nya at lumabas na. Napatingin ako sa relo ko. Mahigit kahalating oras din ang nasayang ko sa kanya.

Dumiretso nalang ako sa klase para um-attend sa pangalawa sa huli kong klase.

Sinipa ko ang pintuan ng classroom namin para bumukas,naglikha naman iyon ng malakas na tunog dahilan para magtinginan ng mga kaklase ko sa'kin. Napatigil din ang teacher na mukhang nag tuturo na. Mukhang late na'ko na halata naman.

“You're late,Ms. Villafuerte”

“I know” Napairap naman ako sa sinabi n'yang obvious naman.

“Next time, don't be late to my class again,Ms. Villafuerte”

“Care to find my care?”

Napabuntong hininga naman ang professor namin. Good thing, hindi s'ya terror na balak na akong bigyan ng  trip to Detention room.

Naupo nalang ako sa upuan ko at nagsimula nadin s'yang magturo.

Tumitig nalang ako sa white board at nagpanggap na nakikinig. Sa totoo lang hindi naman nakakaboring makinig sa kanya dahil magaling s'yang magturo, but the heck! Never in a million years kong aaminin ko sa kanya yun. May katandaan na s'ya kaya siguro ganoon.

Lumipas ang isang oras ay natapos na din ang klase at ang pinakahinihintay ng mga tamad, ang UWIAN!

Hindi na bumalik pa si Smith sa klase,malamang ay umuwi na'yon at sa kanila na nagpahinga. Wala naman akong pake sa kanya, nagkaroon lang talaga ako sa kanya ng utang na loob at hindi ako ang taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Kahit ganito ako,may puso parin naman ako, 'no.

——
©GreeneFairy

Leave votes and comments.

Villafuerte's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon