Villafuerte
Hindi ko alam kung sadyang malupit ang tadhana sa'kin dahil sa sinasapit ko ngayon. Sino ba ang nagpasok sa chimay na'to?!
“Lady, kailangan n'yo na talagang bumangon”
“Laddyyyyy, hinihintay na kayo ng daddy n'yo sa baba.”
Isa pa.
“Laddddyyyyyyy”
Isa pa talaga.
“Ladddyyyy—”
Dahil hindi ko na talaga kinaya't gising na gising na'ko.
“WHY CAN'T YOU JUST LEAVE?!”
“Kasi po Lady, ako naman mapapagalitan ng daddy nyo kapag hindi pa ho kayo bumangon d'yan.”
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko bago ko mapatulan ang pakialamerang chimay na'to.
“Hindi ba itinuro sa inyo na biruin mo na ang lasing 'wag lang ang bagong gising? O wala kalang commonsense?”
Tinignan naman n'ya 'ko ng nagtataka. Lumilipad nanaman utak ng tanga na'to.
“Lady, ginising ko lang ho kayo hindi ko kayo biniro. Mukha ho ba'kong nag jo jokie kanina?”
Tangina.
Nasa'n ba Commonsense ng taong 'to nasa paa? Hindi ko nalang s'ya pinansin at hinagis ang unan ko sa kanya't bumangon na.
“Wow! Ang sexy mo naman lady. Hulmang hulma ang katawan n'yo!”
Bigla naman akong napatingin sa katawan ko sa sinabi n'ya. Nakausot ako ng sando at naka shorts. Namula naman ako sa sinabi n'ya dahil hindi ako sanay ng pinupuri ng maganda.
“Tss” at pumasok ng banyo upang mag ayos.
Hindi ko alam kung ilang minuto o inabot ba 'ko ng oras sa banyo. Ilang minuto pa akong nag ayos bago bumaba.
“Where's my dad?” tanong ko sa pakialamerang chimay na mahilig mambulabog ng buhay ko.
“Umalis na po,Young Lady. Sinabi ko naman ho na bumangon na kayo pero—”
“Stop”
“Ho? Pero—”
“I said stop. Huwag na huwag mo'kong pinapaulit sa mga sinasabi ko.” mukha namang naintindihan n'ya na nawala na'ko sa mood kaya umalis na s'ya.
Ano nanaman ang aasahan ko? Mahina ko namang sinapok ang ulo ko. Ano ba Raiden! 10 years! Sampung taon kang nag tiis at sinubukang agawin ang atensyon n'ya, pero ano?!
Ipinilig ko ang ulo ko para hindi na maalala ang umuusbong na mga alaala nangyaring yon.
Hindi na 'ko kumain at dumiretso na sa motor ko. Himala't maaga ako ng ilang minuto bago mag umpisa ang klase.
Ipinarada ko na ang motor ko at nagsimulang maglakad papasok ng building. Hindi maiiwasan na pagtingin at pagbulungan ako ng mga bubuyog sa tabi na akala mo hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila.
Hindi ko nalang pinansin at tinatak sa isip ko ang
‘Magbabago na'ko’
Inulit ulit ko yan sa isip ko hanggang sa makarating ako sa classroom. At gusto ko bigyan ang sarili ko ng award dahil sa nakapag timpi ako at hindi napatulan ang mga 'yon.
Kapag ba nagbago na'ko mapapansin n'ya na'ko ulit? Hindi naba n'ya ko sisisihin sa nangyaring hindi ko naman ginusto? Ang daming tanong na mahirap bigyan ng sagot lalo na kung hindi mo susubukan.
BINABASA MO ANG
Villafuerte's Property
RandomHighest Rank Achieved #25Fallinlove Meet Raiden Bella Villafuerte known as Raiden Villafuerte. Raiden really loves Trouble and trouble always find her. She never listen to others. She have her own rule. "My only one rule is simple. Don't mess up...