- Meghan -
'' Meghan ano ba matagal ka pa ba dyan? naiihi na kaya ako ''
'' Ano ba kakapasok ko pa lang ah, nandyan ka na naman minamadali mo na naman ako '' kakainis talaga tong kapatid kong si Alexa akala mo pagmamay ari ang banyo.
'' kanina ka pa kaya dyan, 30 mins. na eh!!! ''
'' oh eto na!!!!! '' sigaw ko sabay bukas ng pinto, akmang hahakbang na ako palayo ng kumaripas ito ng takbo papasok hawak hawak ang pantog nito.
'' ARAY KO NAMAN!!!!! kaunting ingat naman nakakasakit ka na ha, tingnan mo nagka pasa tuloy ang braso ko kakainis ka talaga, ikaw pa naman panganay sa atin tas kung umasta ka parang ikaw pa yung bunso. ''
'' pasensya ang tagal mo kasi, kasalanan mo naman '' sigaw nito pagkasara ng pinto ng banyo, umirap na lang ako kahit kailan talaga napaka isip bata ni alexa kaya hndi ko siya magawang tawagin na ate eh. tsk!
Eh bakit ba nakikigamit na naman to ng banyo eh meron naman siya sa kwarto niya, siguro barado na naman gawa ng mga tinatapon nyang tissue sa inidoro, kadiri talaga kakainis. First day pa naman ngayon sa school tapos sinira niya araw ko.
'' Alexa!! ayusin mo ha subukan mong itapon ang tissue sa inidoro at papakuha ko yan sayo '' sigaw ko
'' opo ate !!!! '' at tumatawa pa kakainis talaga ang hirap magpalaki ng ate.
Hmp makabihis na nga.
--------------------
'' Meghan!!! '' sigaw ng kaibigan kong si Angela, tumatakbo ito at hinahabol ako na mabilis na naglalakad papunta sa locker.
'' Ano? '' lumingon ako.
'' ano ba yan ang aga aga ang init ng ulo mo, di ka pa rin nagbabago mula first year ganyan ka na eh hanggang ngayon ba naman full of bitterness ka pa rin sa buhay mo? '' tumawa ito.
'' pakialam mo ba eh buhay ko naman ito, saka sino ba namang hindi maiinis eh si Alexa sinira niya ang araw ko '' asar kong saad sabay irap at napa buntong hininga naman si Angela.
'' ano ka ba naman ate mo kaya yun kung makatawag ka namang Alexa, wala ka talagang paggalang '' humawak ito sa braso ko at patuloy kami sa paglakad hanggang sa makarating na kami sa locker.
Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng bigla na lang may humila sa likod ko at napalingon ako.
'' bakit? '' inis kong sambit.
Hay naku heto na naman po si Dominik ang manliligaw ko simula sa umpisa, kelan ba ito titigil sabi ngang ayaw kong makipagrelasyon eh, oo gwapo siya pero hello hindi ko naman kelangan ng lalaki sa buhay ko at excuse me it's better to be a single kaya.
'' ang sungit naman, wala man lang bang hello? '' ngumiti ito.
'' e di hello, okay na? '' sabay iwas ng tingin ko sa kanya. Sumandal ito sa locker at tumitig pa rin sa akin.
'' alisin mo yang mata mo sa akin at tutusukin ko talaga yan '' tumawa ito ng malakas.
'' isa, dalawa, tatlo '' tinutok ko ang ballpen ko sa mata niya.
'' wooahh!!!!! grabe ka naman hindi ka na mabiro, sige na aalisin ko na po ang mata ko po sayo madam. ''
'' good '' saad ko at ipinagpatuloy ko ang pag aayos ng gamit sa bag ko. Pero hindi pa rin natitinag sa kinatatayuan niya si dominik at nakipag usap na lang muna kay Angela hanggang sa dumating na rin ang iba pa naming mga kaibigan.
Nag hi lang ako, eh wala naman akong sasabihin sakanila buong bakasyon nagtetext or call naman kami so wala namang bago.
Ooppps nag ring na ang bell, time to go pasukan time ng.....
'' Aray shit !!! sinong bumunggo sakin? '' galit kong sigaw, hindi agad ako nakatayo at ang mga nakakainis kong kaibigan hindi man lang ako tinutulungan, nasaan na ba sila?
Lumingon ako at nakita kong nakatulala sila at halos di kumukurap ang mga mata, parang mga sira.
'' I'm sorry hindi ko sinasadya, tulungan na kitang tumayo '' nagulat ako ng may biglang humawak saakin so syempre titingnan ko kung sino man itong may lakas ng loob na hawakan ako.
'' Huwag mo nga akong hawa------ '' napatigil ako............ ang ganda niya! kaya pala ganun na lang ang reaksyon ng mga kaibigan ko. Sino ba itong babaeng ito at mukhang ngayon ko lang sya nakita. Tumayo na ako.
'' h..hi '' bati nito na nakakunot ang noo. Nakatitig rin ito saakin at nakangiti pero hindi grabeng ngiti at binunggo niya ako eh so kinakabahan sya? o baka ako ang kinakabahan? pero bakit ko naman yun mararamdaman? weird.
'' okay ka lang? '' at sa wakas nakawala rin ako sa mahika ng babaeng ito, pero baka nakanganga ako, nakakahiya naman.
'' a...ah, o...oo okay lang ako '' aba at nautal pa ako, isa pang nakakahiya itong dila kong ito. tsk!
'' sorry ha hindi kasi kita napansin eh, kausap ko kasi si mom sa phone, sorry talaga ''
'' okay lang, basta next time mag ingat ka naman at baka hindi lang ito ang abutin ng mabibiktima mo ''
'' mabibiktima? '' pag uulit nito.
Napakunot siya ng noo. Mukhang mali ata ang nasabi ko, shit first impression last pa naman. Anyway bahala na ayaw ko naman ma intimidate sa ganda ng babaeng ito, maganda rin kaya ako, patalbugan na lang kmi. Sabay taas ko ng kilay.
'' may problema ba? galit ka ba? ''
'' hmmmm sino ba namang hindi magagalit sayo eh binunggo mo kaya ako. ''
'' okay sorry talaga hindi ko naman sinasadya eh, by the way I'm Daniela Maxine, transferee '' inabot nito kamay niya saakin, ang kinis at mamula mula....anak mayaman siguro ito or model yata at ang tangkad niya eh, ang ganda, blonde na may pag ka brown ang kulay ng buhok niya, wait ano daw? eh nalito rin ako eh bahala na nga at ang seksi.
'' I don't care who you are '' ano ba yan ayaw ko naman siyang sungitan pero bakit ba ang bibig ko parang may sariling buhay minsan.
'' oohh I think it's a bad timing, okay then see you around. '' ngumiti ito at naglakad palayo.
Gusto ko sanang lumingon pero natakot ako papano kung tumingin rin siya baka isipin niya I'm checking her out.
'' guys pwede na kayong gumalaw at baka mamatay na kayo diyan sa hindi nyo paghinga ''
minsan talaga ang OA ng mga kaibigan ko nakakita lang ng transferee kung makareact wagas.
Asar mga isip bata.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETED
عاطفيةMeghan - Ano nga bang masasabi ko bukod sa naiinis ako sa kagandahan ng babaeng transferee na ito? eh wala na wala na akong maisip bahala na lang kayong kilalanin ako at basahin ang kuwento na ito, tsk basta yun na yun tapos! Syanga pala BABALA HU...