Simula

3.5K 39 0
                                    


Tyra's POV,

**tok!tok!tok!tok!**

"Pasok" sabi ko habang nag aayos ng sarili ko. Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito si Mommy Anne. Ngumiti siya

"Tapos kana ba anak? Naghihintay na sa baba si Kian" sabi ni mama. Ngumiti naman ako bago magsalita

"Tapos na po my. Susunod lang po ako" sabi ko ng naka ngiti. Ngumiti naman si mama bago umalis sa kwarto ko.

Pagkababa ko na abutan ko si Kian na nakikipag laro kay Tristan. Nakababata kong kapatid.

Napalingon siya sa akin at ngumiti bago magsalita

"Good morning" bati niya ng naka ngiti. Ngumiti rin ako

"Good morning" sabi ko.

"My alis na po kami" sabi ko at humalik sa pisngi ni Tristan.

"Hindi na ba kayo kakain ng almusal?" Tanong ni Daddy Belly.

"Hindi na po tito. Sa school na po kami kakain" sabi ni Kian at tumango naman si daddy at mommy at tuluyan na kaming nagpaalam sa kanila

Pagkalabas namin sa bahay kinuha ko agad ang kulay pitch kong bike.

"Nasa'n ang bike mo Yan-yan?" Tanong ko ng napansin na wala ang bike niya sa garahe namin.

"Maglakad lang muna tayo" sabi niya. Napa kunot naman ang noo ko

"Bakit naman? Napapagud ka na bang mag bike? " Nagtataka kung tanong.

Umiling siya bago magsalita.
"Hindi naman" sabi niya

"Eh kung ganun..bakit?" Tanong ko

"Ayaw mo nun! Makakasama kita ng matagal patungong paaralan At mag uusap tayo ng matagal. Miss ko na kaya ang maganda at matalinong si Mae-mae" sabi niya dahilan upang mag init ang pisngi ko at napaiwas ng tingin sa kanya

"Bolero. E isang linggo lang naman kayo sa cebu ng pamilya mo ah! At isa pa may mga kaibigan ka naman na makaka-usap don! Tapos miss mo ako agad? Tsk" sabi ko at lumabas na kami sa gate. Sumunod naman siya

"Kahit na! Iba rin naman kung yung bestfriend mo ang kasama at kausap mo ah! At isa pa comfortable ako basta ikaw ang kasama ko mae-mae" sabi niya ay umakbay sa akin.

Bestfriend....

"Qaqo! Tara na nga at kakain pa tayo" sabi ko at naglakad na

Kian Velasquez... siya ang bestfried slash love of my life... yeah! Alam ko na agad ang iniisip niyo. Inlove ako sa bestfriend ko.

Simula pre-school at hanggan ngayon ay bestfriend na kami ni kian.

Noong una normal bestfriend lang kami so it means wala pa akong special feelings para sa kanya.

Pero noong nag Highschool kami ay naging sweet siya sa akin bigla. Yung tipong hahalikan niya ako sa ilong,sa noo at sa buhok? Hindi siya ganyan noon.pinipingot pa nga niya ng ilong ko e!  Binaliwala ko lang iyon lahat, pero di nagtagal ay mukhang nahuhulog na ako sa kanya.

Tinago ko lang ang special feelings ko para kay Kian. Pero Isang araw nga nung nag 15 years old ako tinanong ko siya kung ano kami.... ang sabi niya we're bestfriend.

Magtatapat na sana ako sa kanya about my feelings for him, pero hindi ko tinuloy dahil sa sinabi niya. Sinikreto ko nalang ang feelings ko para sa kanya dahil baka ito ang makakasira ng friendship namin.

"Hoy! Mae-mae! Okay ka lang?" Tanong ni kian na nasa harapan ko. Natauhan naman ako

"H-ha? Ah.. oo okay lang ako" sabi ko at nagtuloy sa pagkain

"You sure? E mukhang wala ka sa sarili mo e" sabi niya at kumain na rin.

"Anyways.... Wala palang klase mamayang hapon" sabi niya dahilan upang mapatingin ako sa kanya

"Bakit daw?" Tanong ko

"Hmm.. dunno. Pero sabi nila may meeting daw ang lahat ng profs ng higher levels" sabi niya at uminom ng  Juice. Tumango naman ako

"E kung ganun.. saan tayo? Uuwi agad?" Tanong ko. Umiling naman siya at ngumiti

"Magde-date tayo. Tutal matagal-tagal na rin naman tayong hindi namamasyal" sabi niya dahilan upang magkagulo ang mga paru-paru sa tiyan ko.

Date?! Kyaaahhh!!

Relax lang Tyra... inhale... exhale.... it's just a friendly date... friendly date lang yun at hanggang dun lang




Kahit maliit na bagay o simpleng sinabi niya ay magagawa nitong pagwalain ang sistema ko. Mygod! Kian! Bakit ka ganyan?!

Tumango naman ako at sumubo ng spaghetti. Pero nagulat na lang ako ng pinahid ni Kian ang gilid ng labi ko at nag-init ang pisngi ko.

"Ang cute mo talaga mae-mae" aniya matapos niyang pahiran ang gilid ng labi Ko and he pinch my cheeks. Siguro ay pulang-pula na ako ngayon!!!!

Umiwas na lang ako ng tingin at tinry na magbiro
"Inborn" sabi ko at tumawa. Tumawa na rin siya.



Matapos naming kumain ay dumiretso na kami agad sa isang malapit na mall dito sa Ateneo de Davao at gaya nga ng sinabi niya magde-date kami... Friendly Date...

Hahayst! Bakit ka ba ganyan Kian? Bakit kada araw na lumilipas nagbibigay ka ng motibo? Ayan tuloy! Umaasa na namam ako!

Love-Sick [A Short story] (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon