Tyra's POV,Tatlong linggo.. tatlong linggong hindi ko masyadong nakakasama at nakaka-usap si Kian. Hindi ako makapaniwa na nakaya kong gawin yun.
Sabado ngayon at nandito kami ngayon sa Isang Resort sa Davao at kasama ko ang pamilya ko at ang pamilya nila Kian.
Lumapit ako sa mommy ni Kian. "Tita nasa'n po pala si Kian?" Tanong ko. Kanina ko pa kasi napapansin na wala siya dito.
Nakalimutan ko palang sabihin... Birthday ngayon ng kapatid ni Kian na si Kiara kaya kami nandito
"Ah si Kian ba.. ayun at kinuha ang liniligawan niya. Hayaan mo na sila ija papunta rin naman sila dito"naka ngiting sabi ni Tita. Tumango naman ako at umupo sa cottage namin.
Habang kumakain kami biglang dumating sila Kian at Natalie na magkahawak kamay.
"Oh! Andyan na pala kayo! Dali na at kumain na kayo!" Sabi ng daddy ni Kian at pina-upo sila. Ngumiti naman sa akin si Kian at ganun din si Natalie. Ngitian ko rin sila.
Nung natapos na kaming kumain nag siliguan na kami sa dagat. Naka suot lang ako ng isang maikling shorts at isang blue T-shirt. Si Kian naman ah Topless at naka short din habang si Natalie naman ay naka Bikini.
Tsk! Hindi ba siya nahihiya? Siya lang kaya ang naka bikini! Ang mukha naman ni Kian hindi na maipinta dahil sa sinuot ni Natalie. Kung ako kaya ang mag bikini magagalit din baya siya? Sigurado akong hindi.
Hindi ako masyadong pinapansin nina Kian at Natalie. Naninibago naman ako, dati kasi sabi ni Kian hindi niya kayang magawa na hindi niya ako pansinin. Mamatay daw siya kapag nangyare yun. Pero anong nangyare ngayon Kian?
Biglang tumabi sa akin ang birthday girl, si Kiara.
"Happy birthday Kiara!" Bati ko at ngumiti. Ngumiti rin siya. Ang ganda niya talaga lalo na kapag ngumiti siya.
"Thank you ate!" Sabi niya at tumingin sa naghahabulan na sina Kian at Natalie. Hahayst! Na miss ko na yung mga araw na ako pa yung lageng kasama ni Kian, ako pa lageng kasama niya sa kalokohan, sa iyakan, sa lahat.
"Alam mo ate mas gusto kita kaysa sa Natalie na Yan" biglang sabi ni Kiara habang naka tingin sa kuya niya at kay Natalie.
"H-huh? Bakit naman? Mabait naman si Natalie ah!" Sabi ko.
"Oo mabait siya pero ayaw ko talaga sa kanya. Mas gusto kita para sa kuya ko" sabi niya ulit dahilan upang mapa ubo ako.
"Okay lang po ba kago ate?" Tanong niya. Tumango naman ako.
"A-ano ulit yung sinabi mo? Na mas gusto mo ako para sa kuya mo? HAHAHAHA 'wag kang mag joke Kiara HAHAHAHA magkaibigan lang kami" pinilit kung mag tunog normal. Aba! Boto sa akin ang kapatid ni Kian ah!
"Yun nga e! Magkaibigan lang kayo.... pero alam ko ate may gusto ka sa kuya ko..." sabi niya dahilan upang matigilan ako.
"H-huh? Ah.. hindi ah! Kaibigan ko lang ang kuya mo" depinsa ko. Aba! Baka sabihin niya sa kuya niya yun mahirap na!
" 'wag ka ngang magsinungaling ate! Alam ko kaya yan! Babae rin ako noh!" Sabi niya. Nag seryoso naman ako.
"Amin-amin rin pag may time" tukso niya.
BINABASA MO ANG
Love-Sick [A Short story] (COMPLETED)
Teen Fiction"If FRIENDSHIP is the only way to make you stay... then, I'll be a friend to you even if I love you more than that way..." -Tyra V. I'm Tyra Mae Valdez, the smart, kind, gorgeous lady from Davao city but.... failed in love. written by: @aestinex...