Tyra's POV,Isang buwan na ang nakalipas simula nung nag confess ako kay Kian... isang buwan na rin niya akong iniiwasan.
Masakit.. sobrang sakit pala kung ang taong mahal mo na ang iiwasan sa'yo ngayon... hindi ko alam kung paano ko yun kinaya pero nagpapasalamat ako kasi nakaya ko ang sakit na nararamdaman ko..
Nandito ako ngayon sa bahay at nanonood ng TV. Habang nanonood hindi ko maiwasang isipin kung ano ang ginagawa ngayon ni Kian... siguro kasama na naman niya ngayon si Natalie.
"Anak..." biglang tawag ni Mommy at daddy. Napalinon naman ako sa kanila na seryoso ang mga mukha at tumabi sila sa akin.
"My.. dy... may problema po ba?" Tanong ko.
"Anak...ganito kasi yun... naalala mo ba ang bahay ng lola mo? kasi ang bahay ng lola mo sa Manila ay tapos na sa pag renovate At kailangan na nating lumipat dun...." sabi ni daddy dahilan upang matigilan ako
"P-po? Lilipat po tayo ng bahay?" Tanong ko. Dahan-dahan namang tumango si mommy.
"Pero paano po ang pag-aaral namin dito ni Tristan?" Tanong ko.
Naalala ko na pala... 5 months ago sinimulan na palang e renovate ang bahay ng lola ko na which is mommy ni daddy sa manila. Napagplanohan kasi ng mga kapatid ni Daddy na siya na lang ang mag-alaga at tumira dito kasi siya lang naman ang nasa pilipinas. Nasa ibang bansa kasi ang tatlong kapatid ni Daddy habang ang isa naman ay patay na.
" 'wag kang mag-alala sa pag-aaral niyo ni Tristan. Ililipat namin kayo dun" sabi ni mommy at tumango naman ako
"Pero ang tanong.... okay lang ba sa'yo na lumipat tayo anak? Pwede naman ma gumaduate ka muna ng high school." Sabi ni mommy. Naalala ko tuloy si Kian. Siguro ito na ang tamang panahon para makalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Kian... siguro ito na ang paraan para maka move-on na ako.
"Sasama po ako sa manila my dy" sabi ko. Ngumiti naman sila sa akin
"Next week na pala ang alis natin anak. So mag impaki ka na habang maaga pa" sabi ni mommy at daddy bago tumayo.
"Ah anak... nakalimutan mo na ba? Birthday ngayon ni Kian at pupunta tayo sa kanila mamaya" sabi ni mommy dahilan upang matigilan ako. Oo nga pala.
Ano kaya ang e reregalo ko?
NAndito na kami sa bahay nila Kian at as usual, may party.
Naka upo ako ngayon dito sa table namin ng pamilya ko. Nakikita ko sa malayo si Kian na masayang nakikipag kwentohan sa mga bisita niya.
Okay lang.. okay lang sa akin na hanggang sa malayo lang kita titignan... okay lang na hanggang sa malayo parin kita mamahalin.
Natapos ang party na hindi ako linalapitan ni kian. Gustohin ko mang lumapit pero natatakot akong ipagtabuyan niya lang ako.
Paalis na kami sa bahay nila at tinignan ko si Kian at Natalie. Ouch lang!
Mas masakit palang makita na ang taong mahal mo may kahalikang iba.Umiwas na lang ako ng tingin at tuluyan ng umalis sa bahay nila.
**3 DAYS LATER**
BINABASA MO ANG
Love-Sick [A Short story] (COMPLETED)
Teen Fiction"If FRIENDSHIP is the only way to make you stay... then, I'll be a friend to you even if I love you more than that way..." -Tyra V. I'm Tyra Mae Valdez, the smart, kind, gorgeous lady from Davao city but.... failed in love. written by: @aestinex...