Simula

22 3 10
                                    


"SINO ka ba para husgahan ang pagmamahalan ng dalawang tao? Hindi ka Diyos para dektahan ang pag-iibigan nilang dalawa. Hindi ba pwedeng ituon mo na lamang ang atensyon mo sa sarili mo? ‘Wag mo ng pakialaman ang iba, kung hindi mo naman kayang solusyunan ang iyong problema." Ayan na naman siya sa mga matatalinhagang salita niya. Puro pakulo ng pakulo. Mag-isa lamang niyang kinakausap ang sarili niya habang pabalik balik ng paglalakad sa aking harapan.

Walang reaksyon ang aking mukha na nakatingin sa kanya.

"Morchelle! May misa ka na naman ba ngayon?" Mataray kong tanong.

Imbis na ngumiti, inirapan niya lamang ako at nagpatuloy sa ginagawa.

Huminga na lamang ako ng malalim at tiningnan ang lalaking nasa wallpaper ng cellphone ko. Ngumuso ako.

Siya si Jofre Fuentes, ang lalaking gustong gusto kong maging akin. Kulang na lang sabihan akong Desperada. Matagal ko na siyang mahal. Simula nung High School siya na ang laman nitong puso ko, kaya nung nalaman kong magtatransfer siya sa ibang paaralan, inalam ko kung saan at ngayon heto ako, palaging nakasubaybay at nakatingin sa kanya mula sa malayo. Sino ba naman ang hindi magkakaroon ng paghanga sa kanya?

First Year High School pa lang kami noong nakilala ko siya, naalala ko pa noon na sinubukan kong maging kaibigan ang isa sa mga kapatid niya, nakausap ko naman minsan at hindi ko na yun nakita kung saan na, sabi lang ng isa pa nilang babaeng kapatid kinuha daw ng kanilang tiyahin ang kapatid nilang babae na si Pania. Kaya nalaman kong Pania pala ang pangalan ng batang noon ay sinubukan kung maging kaibigan para lamang mapalapit kay Jofre.

Ngayong Fourth Year College na kami, hindi niya pa rin ako pinapansin, hindi niya pa rin ako nakikita, hindi niya pa rin ako nakikilala. Ni isang katiting na tingin wala. Akong matagal na siyang sinusubaybayan at tinitingnan.

Napakagat na lamang ako sa sariling labi ng sinindot niya ako sa aking tagiliran.

"Huy! Ikaw ah? Si Jofre na naman? Naku! Susumbong na talaga kita kay Tita at Tito na hindi mo tinutuonan ng atensyon iyang pag-aaral mo kung hindi ang palaging nakatingin sa wallpaper niyang cellphone mo! Wag ka na kasing magpatumpik tumpik pa! Kung mahal mo siya, gumawa ka ng paraan para maging kayong dalawa! Hindi yung pasinti-sinti ka lang dyan. Umamin ka na kasi, lalo mo lang pinapatagal, Huwag ka Sarte, baka maunahan ka pa ng iba." Pagpapa-alala niya sa akin. Inangat ko ang aking tingin at tiningala ang kanyang ibig ipahiwatig.

Si Morchelle ay pinsan ko, ilang buwan na rin kaming nakatira sa maliit na apartment na ito. Simula kasi nung umalis ako sa bahay para sundan si Jofre hindi na ako binibigyan ng mga magulang ko ng allowance. Kaya kasama ko siyang kumukuha ng side line kahit na hindi na nga niya kailangan.

Mataimtim ko siyang tinitigan. "Sige, sumbong mo. Total, alam mo naman ang mga pinanggagawa ko. Just spill out what you're thinking. They doesn't have any care for their daughter."

Lumingon siya at hinarap ako, agad siyang lumapit sa akin at namaywang sa aking harapan.

"Wala silang pakialam sayo? O baka naman sinasabi mo lang sa sarili mo na wala silang pakialam sayo? Gosh! Sarte, mag-isip ka nga, kung wala silang pakialam sayo, bakit ka nila pinayagan na pumunta dito? Kung saan ka lang sasaya syempre yun na rin ang susundin nila, dahil nga Mahal ka nila. Por que hindi ka binibigyan ng allowance wala na silang pakialam sayo, hindi ba pwedeng tinuturuan ka lang nila kung paano maging independent? Hindi pera ang sukatan, kundi iniintindi ka lang nila bilang isang anak. Hindi sa lahat ng pagkakataon, ang mga magulang mo ay nasa tabi mo Sarte. Ikaw naman ang may gusto nito, sumama lang naman ako sayo."

"Tss..." Sutsot ko.

Inindak ko muna ang aking mga paa tsaka tinadyakan ang bangko na aking inuupuan at padabog na umalis sa kanyang harapan.

Sullen Wind Series: Heart fit to BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon