"AALIS ka na?" Nakangusong tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya.
"Hindi babalik na ako." Pilosopong tugon ko sa kanya.
"Animal! Oh, alis na. Pakikumusta na lang ang itsurang ito, alam kong magtatanong sina Mommy at Daddy sayo, diba bestfriend naman tayo? Kaya alam mo na ang sasabihin mo ah?" Pilit at maarte niyang saad.
"Who says? We're not bestfriends 'kay?" Kita ko ang dismaya sa kanyang mukha sa aking sinabi. Ngumiti na lamang ako sa kanya na mas lalong ipinagkunot noo niya. Tinapik ko ang kanyang magkabilang balikat. "Alam mong hindi ako tumatanggap ng bestfriend sa buhay ko. We're siblings. Kapatid na ang turing ko sa'yo at hindi lang basta kaibigan." Lumapad ang ngiti na pumurma sa kanyang mga labi at agad akong niyakap.
"Aw. Nakakatouch yung sinabi mo. Sige na alis ka na Sarte! Baka mangiyakngiyak pa ako dito sa harapan mo, kahiya naman pagnagkataon."
NANG makaalis na ako sa apartment na aming tinitirhan. Agad akong tumungo sa Bus Station. Hinanap ko ang bus kung saan patungo sa aming Probinsya. Halos pitong oras ang byahe patungo sa aming Probinsya, plus isang oras na byahe sa barko at 25 minutes sa maliit na bangka, kung gayung matagal akong makakauwi, baka gabihin pa ako nito.
Maraming Station, kaya matagal ko ring nahanap ang patungo sa amin. Tumingin ako sa harapan para makita ang pundasyon nito. Ngumiti ako ng nakita ko na, lumingon ako para kunin sana ang iba pang gamit na naiwan ko, pero sa hindi inaasahan, bumilis at lumakas ang kabog ng aking puso. Natameme at tila hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nakapatong ang dalawang kamay ko sa isang matigas na bagay, hindi ko alam kung pader ba ito o ano. Parang nanuyo ang aking lalamunan, hindi ko maibuka ang aking bibig. Wala akong magawa kundi ang tumahimik. Nangatog ang buong sistema ko.
Tinaas ko ang aking mga tingin, halos hindi magkamayaw sa sobrang lakas itong tibok ng aking puso ng nagtagpo ang aming mga mata. Matagal din akong tumitig sa kanya, bago magproseso sa utak ko ang lahat ng mga nangyari. Hindi ako makahinga, parang nilalamon ang puso ko sa kalooblooban ko.
Isang gwapong nilalang na ngayon ko lamang nakita sa tanang buhay ko.
Kumurap ako ng ilang saglit at takang tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung ilang segundo o na kaabot ba sa ilang minuto ang aming pagtitigan. Napataas ang isang sulok ng kanyang labi at tinitigan ang kamay ko, kaya inalis ko ang kamay ko na nakapatong sa matigas niyang dibdib, he half smile bago umalis sa aking harapan.
Umiling na lamang ako sa kanyang inasta at bumalik sa mundo dahil sa sigaw ng kundoktor ng Bus."Aalis na ang bus, Dalawang tao na lang ang kailangan! Lalarga na ang Bus!" Nagkibit-balikat na lamang ako at kinuha ang aking iba pang gamit bago tumakbo patungo sa bus.
Nang makasakay na ako. Laglag ang magkabilang balikat ko, at namilog ang aking mga mata sa tumambad na mga pasahero sa aking harapan. Lahat sila ngayon ay nakatingin na sa akin. Wala na akong choice kung hindi ang tumayo kasabay ang kundoktor, dahil occupied na lahat ng upuan sa bus. Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon, ang dalawang bag na bitbit ko ay nasa magkabilang kamay ko, habang ang isang paper bag ay nakakapit sa hintuturo ko at ang isang kamay ko ay nakahawak sa steel bar ng bus para lang hindi ako matumba.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang lalaking nakabangga ko kanina, nakangisi na siya ng nakakaloko ngayon sa akin. Lumingon ako sa kanyang gawi at niliit ang aking mga matang sumabay sa mga titig niya. Naikuyom ko ang aking mga palad. Sinampal sampal niya ang upuan sa tabi niya na ipinagtaas ng kilay ko. Tiningnan ko ang upuan at wala pa namang tao na nakaupo doon kaya lumapit ako sa kanya at tinaya ang kamao ko kasabay ng pag-upo sa tabi niya. Litseng lalaking ito! Sarap bigwasan. Akala ko pa naman wala ng upuan kanina, kasi naman nilagay niya pala ang bag niya sa kabila para naman hindi ako makaupo.
BINABASA MO ANG
Sullen Wind Series: Heart fit to Break
HumorPaano kaya kung ang puso nila ay nararapat lang na mawasak at masaktan? Hindi lahat ng nang-iiwan ay bumabalik, minsan may dadating. May_Tala