ARAW ng Sabado, maaga akong gumising para maipaghanda ang aking sarili.
Gusto ko munang maialiw ang aking sarili sa Probinsyang 'minsan' ko na ring kinalakihan.
Pagbaba ko ng bahay. Umusok ang ilong ko sa tumambad na isang tao sa aking harapan.
Nakangisi na naman siya ng nakakaloko sa akin habang ang isang kamay ay nasa kabilang bulsa at ang isang kamay ay nakapatong sa pader ng gate nina Grandma.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at tinaasan lamang ng kilay. Tumingin ako sa paligid para maialiw ang aking sarili.
"You're always beautiful so bad... Always." Nakangising saad niya na sarap talagang pektusan hanggang sa kasukdulan ang kanyang pagmumukha. Iniipon niya lalo ang lahat ng galit at inis na gusto kong ipasalampak sa pagmumukha niya.
"Isaksak mo sa utak mo." Umiirap kong sabi. Pero hindi pa rin nawawala ang litsing ngisi sa kanyang mga labi.
"Every morning seeing you like that makes my heart beats so fast." Saad niya at kumindat.
Tinapunan ko lamang siya ng isang tingin bago tuluyang umalis sa kanyang harapan at tumakbo patungo sa kapatagan.
Pero hindi siya nagpatinag sapagkat mas lalo lamang nadagdagan ang lakas ng kanyang loob na habulin ako.
Limilinga-linga na lamang ako sa aking paligid, habang tumatakbo patungo sa kapatagan para sana tingnan ang kalupaan ng aming angkan ng bigla na lamang nagsalita ang isturbo sa tahimik kong buhay at ang gumugulo at sumisira sa araw ko dito sa mundong ibabaw.
"Babaeng Payat! Bakit mo naman ako iniiwasan?" Sigaw na tanong niya, nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na papalapit na siya sa akin kaya naman binilisan ko pa lalo ang aking pagtatakbo. At hindi siya pinansin.
"Babae! Matapos kitang batiin ito lang ang igaganti mo sa akin? Tumakbo ako, hinabol kita pero ayaw mong magpahabol." Ulit niyang sigaw kaya lumingon ako sa kanya, umirap na lamang ako at pinagpatuloy ulit ang pagtatakbo.
Muntikan na akong madapa dahil sa mabilis na pagtatakbo at lakad ng aking mga paa, muntikan na akong mapasubsob sa putikang lupa ng kapatagang ito.
Hindi ko alam na may paparating sa aking gawi. Hindi ko naiwasan.
Kaya wala na akong magawa kung hindi ang pumikit at hintayin na tumama ang bagay na iyon sa akin.
Ang lakas ng kabog nitong aking dibdib. Hinahabol ko na lamang ang tumatakbong nagaalburuto sa aking puso.
"Babae!!!" Rinig kong sigaw niya.
Wala akong ibang naramdaman kung hindi ang tumilapon, hinatak niya ako at ngayon nakayakap na siya sa aking katawan. Hindi ko kayang buksan ang aking mga mata.
Muntikan na ako. Muntikan na ako.
Malapit na 'yun. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko at hinayaan lamang ang aking sarili. Minsan hindi ko kayang kontrolin ang gusto ng utak ko, may nagtutulak sa akin na gagawin ko ba ang mga bagay na iyon o hindi.
Binuksan ko ang aking mga mata at hindi nga ako nagkakamali, dahil nakayakap na ang kanyang katawan sa aking sarili. Nakayakap siya na tila ayaw pa akong bitawan. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, basta bigla na lamang tumigil ang aking mundo at unti-unti na akong nilalamon at tinutunaw ng lupang hinihigaan ko.
Nakahiga ako sa kanyang ilalim, nakapatong siya sa king ibabaw. Sa sitwasyong ito, nakadagan siya sa ibabaw ko. Nagtama ang aming mga paningin. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga. Hindi ako makagalaw dahil nalulusaw ako sa mga tingin niya.
"Hey! Are you dumb? Gusto mo bang matusok niyang sungay ng kalabaw?" Galit niyang tanong. Nakita ko ang pag-aalala at pangungusap sa kanyang mga mata. Nanginginig siya na tila ayaw magpatigil. Nag-iigting ang kanyang mga bagang. At parang naiirita, naiinis, nagagalit, na hindi ko alam kung anong emosyon ang pinapakita niya.
BINABASA MO ANG
Sullen Wind Series: Heart fit to Break
HumorPaano kaya kung ang puso nila ay nararapat lang na mawasak at masaktan? Hindi lahat ng nang-iiwan ay bumabalik, minsan may dadating. May_Tala