CHAPTER 4

7.2K 171 2
                                    

Hired

Andrea Point of View

     NAGPAPASALAMAT talaga ako doon sa poster sa may coffee shop. Makakapagtrabaho na rin ako sa wakas. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung papayagan ba ako ni auntie.

Nahihiya kasi ako. Ang gusto pa naman ni auntie ay doon ako magtrabaho sa company ng asawa niya. Kaya lang parang hindi naman ako bagay doon. Baka mapahiya ko lang si auntie at isa pa wala pa din akong experience sa ganoong klase na trabaho.

Oo nga at nakapag tapos ako pero hindi naman sapat iyon. Tsaka hindi ko lang talaga feel ang ganoong trabaho.

Mas gusto ko iyong simple lang. Gusto ko ring magsimula na muna sa maliit. Tsaka na ang mga bigating trabaho kapag alam ko na sa sarili kong deserve ko na ang trabahong ganoon at may sapat na akong experience.

Hindi rin kasi ako sanay na nakahain na lang sa akin ang dapat kong gawin. Gusto ko iyong pinaghirapan ko para may maipagmalaki naman ako sa pamilya ko. Na dahil sa pagpupursige ko kaya ko narating ang kinalalagyan ko.

Pero wala naman ding masama sa offer ni auntie sa akin. Kung sabagay nga eh pabor na sa akin iyon. Kaya lang hindi ko talaga feel.

Hayy. Bahala na nga.

  Bumaba na ako para makapagpaalam kay auntie habang dala-dala ang envelope na naglalaman ng mga requirements ko para sa pag a-apply.

Pagkababa ko ay nakita ko si auntie sa may sala na nagbabasa ng news papers.

Lumapit ako sa kaniya at bumati ng magandang umaga.

"Magandang umaga po auntie." Napatigil si auntie sa pagbabasa at hinarap ako.

"Oh Andrea! Good morning din sayo. May lakad ka ba ngayon?" Tanong niya ng mapansin na nakaayos ako.

Bahagya akong tumango at nahihiyang ngumiti kay auntie.

"Mag a-apply po sana ako ngayong araw auntie. Sana po payagan niyo po ako." Nahihiya kong saad.

Tumayo si auntie. "Ganun ba? Ano, kumain ka na ba? Gusto mo bang ipahatid kita kay manong sa kompanya ng tito mo?" Tarantang tanong niya sa akin. Nahihiya akong umiling.

"Hindi na po auntie. Tsaka hindi po  ako doon mag a-apply auntie." Nahihiya kong anas lay auntie. Napatanga naman siya. Mukhang nadismaya si auntie sa sinabi ko.

Patay. Baka hindi na ako payagang mag apply.

"Bakit hindi? Saan ka ba mag a-apply Andeng? Ayaw mo ba doon sa company ng uncle mo?" Malungkot na tanong ni auntie sa akin.

Kahit nahihiya man ay sinagot ko pa rin si auntie.

"Hindi naman po sa hindi ko gusto auntie. Kaya lang po parang hindi naman ako bagay doon. Tsaka isa pa auntie wala pa po akong experience. Gusto ko po munang magsimula sa maliit. Sana po pumayag kayo. Ito po kasi ang gusto ko eh." Nakayuko kong sinabi ang mga iyon.

Bumuntong hinga si auntie kaya napaangat ako sa aking ulo. Ngumiti din naman siya di kalaunan.

"Pumapayag ako Andeng. Basta ba mag iingat ka doon ha?" Kundisyon niya sa akin.

Masaya akong ngumiti at yumakap kay auntie.

"Maraming salamat po auntie. Gagayak na po ako auntie. Magtatanghali na." Paalam ko at tumango si auntie.

Nagmano muna ako sa kaniya bago tuluyang umalis.

Humirit pa si auntie na ipahatid ako pero hindi ako pumayag. Hindi na rin niya ipinilit kasi hindi naman ako magpapatalo. Kinumbinsi ko rin naman siyang baka hindi ako tanggapin sa trabaho kapag nakita nila na bumaba ako galing sa isang magarang sasakyan. Baka hindi ako paniwalaan ng magha-hire sa akin.

His Psycho Girl (Available In Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon