Hello Manila!
"MAGANDANG buhay Manila." Nakangiting dumungaw si Andrea sa bintana ng sinasakyang kotse. Narinig niya ang pagtawa ng auntie niya at ang asawa nito.
"She's such a bubbly girl, darling." Nakangiting anas ng asawa ng auntie niya sa britanong accent nito.
"She is darling. That's why I ask her to live with us." Ang auntie niya. Napapangiti nalang siya sa kaniyang naririnig. One thing she loves about her aunt is that, hindi sila pinapabayaang mga pamilya nito. Kahit nakapangasawa ito ng mayaman ay nililingon pa rin sila nito. Her aunt was very down to earth, thoughtful and with a good heart. Kung ano man ang meron ito she willingly shares it with them. Kaya malaki rin ang utang na loob niya rito dahil noong nag aabroad pa ito ay ito ang nagpapaaral sa kanya. Thats why she's doing her best to repay her aunt for everything that she have done for their family.
Ramdam ni Andrea ang pagtigil ng sasakyan kaya ibinalik niya ang ulo sa loob at umayos ng upo.
"Argh! This is what I hate about Manila. Traffic is worst in here." Anas ng uncle Steve niya sa naiinis na tono.
"There's nothing we can do about it darling." Paglalambing ng auntie niya sa kaniyang uncle. Napabuntong hinga nalang ito saka ngumiti rin naman kapagkuwan.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin sila sa babay ng mga ito. Namangha si Andrea pagkakita ng bahay. Sobrang laki kasi nito at masyadong magara. At mas nalula pa siya ng makapasok sa loob ng bahay. Her jaw almost fell upon seeing what's inside the house.
"Wow, auntie! Ang ganda po ng bahay niyo." Wala sa sariling naibulalas niya sa tiyahin. Tumawa lang ang tiyahin sa kaniyang tinuran at inakay siya papunta sa kaniyang kwarto.
"Ito ang kwarto mo Andeng. Ipapaayos ko nalang kay Konching ang mga gamit mo. So you could take a rest for a while. Alam kong pagod ka sa biyahe kaya please be comfortable and feel at home. Huwag kang mahihiya." Anas ng kaniyang auntie.
"Nako auntie. Wala pong hiya-hiya sakin. Salamat po dito auntie ha?" Pagbaling niya sa kaniyang auntie ay niyakap siya nito. Medyo nagulat pa nga siya. Ngunit yumakap rin naman siya dito pabalik.
Naiintindihan niya kasi ito. Her aunt was longing for a child. Hindi kasi sila biniyayaang mag-asawa ng anak. Medyo may kaedaran na din ang tiyahin niya kaya hindi na ito pupuwedeng mag buntis pa. She pitied her aunt. Kaya siguro mas pinagtutuunan nito ng pansin sila mga pamangkin nito, lalo na siya. Kasi humahangad ito ng isang anak.
Nang humiwalay sa yakap ang tiyahin ay may mga ngiti na ito sa labi.
"Sige na. Magpahinga kana muna. Ipapatawag nalang kita kapag kakain na ha?" Tumango siya at pumasok na nga sa kwarto. Nagpalit siya ng mas comportableng damit bago humiga sa malambot na kama.
Ipipikit na sana niya ang mga mata ng may maalala. Bigla siyang napabangon mula sa pagkakahiga.
"Siguro kalat na ngayon sa amin na nakaalis na ako. Mga tsismosa pa naman ang mga tao doon sa amin."
Bago kasi siya umalis ay kalat na sa buong barangay nila na aalis nga siya at dadayong Maynila. Hindi niya alam kung paano nalaman ng mga ito iyon. Isang araw kasi may naglakas loob na itanong iyon sa kaniya kung totoo ba daw na aalis siya. Kaya sinagot niya ito ng Oo. Na maghahanap siya ng lalaki at lalayas siya sa lugar na iyon. Na gusto niya ng mag asawa. Pero hindi naman talaga iyon ang totoo. Naiinis lang kasi siya sa mga ito. Napaka tsismosa. Walang ibang ginagawa ang mga ito kundi magkumpulan at pag usapan ang kung sinu-sino. Nakakabanas.
Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang keypad cellphone na cherry mobile. Gusto niya sana iyong touch screen pero wala pang pera kaya tiis na muna siya sa pipitsuging cellphone niya. Basta ang mahalaga ay nakakapagbasa siya ng Ebook. Mawala na lahat. Huwag lang ang kaniyang mga Ebooks.
Nagpasiya siyang tawagan ang matalik na kaibigan at ipaalam na maayos silang nakarating sa Maynila.
"Hello?.." malamig na boses ang sumagot sa kabilang linya.
"Donna!! Ang ganda dito beshie. Para akong prinsesa sa ganda ng kwarto ko dito!!" Galak na galak na hayag niya sa kaibigan na may kasamang pasigaw-sigaw.
"Oh? Tapos?" Balewalang tanong nito.
"Ito namang si Donna sobrang kill joy! Hahaha. Pero seryoso Donna ang ganda talaga dito."
"Ah. Ganoon ba? Good for you." Sabi nalang nito. Bigla tuloy siyang nalungkot sa sagot nito. Mukhang may problema na naman ang kaibigan.
"Sige Don. Tatawag nalang ako ulit. Bye!" Tapos dali-dali niyang pinatay ang tawag. She sighed after that. Maybe she'll have a snap. Kesa mag isip ng kung anu-anong bagay. Nagpapastress lang sa kaniya iyon.
Andrea slowly close her eyes and went to her dream land.
--
A/N: Next Chapters will be Andrea's Point of View. Hihihi.
BINABASA MO ANG
His Psycho Girl (Available In Dreame)
Narrativa generale"I love her and I'll keep her, forever." - Rooke Dave Han