CHAPTER 5

7.3K 184 2
                                    

They Meet Again

Andrea Point of View

         MAG-IISANG linggo na simula ng matanggap ako sa trabaho. And I can say everything is smooth. Maliban na lang tuwing Friday to Sunday. Sobrang dami ng costumer.

Pero sa kabila ng ganun ay na e-enjoy ko naman ang ginagawa ko. Nagkakasundo na rin kami ni Maam Alyana. Sobrang ganda niya talaga. Hindi ko ine-expect na magiging kaibigan ko siya. Halos lahat ng kasamahan ko sa trabaho kaibigan ko.

Kasalukuyan akong nagpupunas sa mga mesa. Wala pa kasi masyadong tao.

Hindi pa rin dumarating ang iba kung kasamahan.

"Andeng, itigil mo na iyang ginagawa mong pagpupunas. Magready kana na lang. Diba sa cashier ka naka-assign ngayon? Ipapalinis ko nalang iyang sa iba pagdating nila." Ani ni miss Star sa akin. Kaya itinigil ko naman ang ginawa kong paglilinis at pumunta sa quarter namin para magbihis ng pang cashier.

Palipat-lipat kasi kami ng pwesto every 4 days. Iyon ang patakaran ni maam Alyana. Para daw hindi kamo maburno sa assignment namin kung palagi lang kami na nandoon.

Maganda din naman kasi fair sa lahat. Lahat kami nae-experience ang trabaho ng bawat isa. Kaya nagkakasundo kaming lahat. Isa pa magaling magdala ng mga empleyado si maam Alyana. Idagdag pa na sobrang bait niya na hindi ata marunong magalit.

Nakakamangha lang kasi may tao pa palang ganun. Mabait na, maganda pa, mapagmalasakit pa. Ang swerte ko nga at sa kaniya ako nakapagtrabaho eh. May naging kaibigan ako maliban kay Donna.

Kamusta na kaya iyong kaibigan kong iyon? Dalawang linggo na mula ng huli kaming mag usap. Ano na kaya ginagawa nun? Matawagan nga iyon mamaya pag-uwi ko.

Lumabas na ako ng staff room at pumwesto na sa pwesto ko. Unti-unti ng nagsidatingan ang mga costumers.

"Good morning maam. What is your order po?" Nakangiti akong nagtanong sa unang costumer ko ngayong araw.

"Pwede bang mag-suggest ka ng masarap?" Sagot niya na mukhang undecided nga kung ano ang o-orderin niya.

"Ay naku maam! Lahat po ng nakalista sa menu namin puro masasarap. Kaya ang isa-suggest ko po orderin niyo nalang lahat maam. Hindi po kayo magsisisi." Bibo long saad sa costumer. Nakita ko siyang ngumiti na para bang napapantastikohan sa akin.

"Hindi ba ako tataba sa sinasuggest mo miss?" Nakangiti siyang nagtanong ulit.

"Hindi iyan maam. Ngayon lang naman iyan eh. Huwag po kayong mag-alala maam." Malapad akong ngumiti sa kaniya.

Tumawa na ng tuluyan ang costumer.

"Haha. Sige na nga. Iyong cheese cake na lang at isang brewed coffee." Pilyo akong ngumiti at ipinunch ang kaniyang order.

"Mga fifteen minutes lang po maam ha?" Paliwanag ko at ininstruct siya na maupo muna.

Ipinagawa ko na ang order at naghintay.

Ipinaserve ko kaagad iyon sa babae at bumalik na sa may cashier.

  Marami-rami rin ang naging costumer ko bago ako nag break. Grabe! Sobrang dami talaga ng tao. Dagsa ng dagsa parang hindi mauubusan ng costumer. Kung malaki lang talaga itong coffee shop tiyak na mas marama pa ang tak.

Balita ko pa naman mag e-expand at magpapatayo ng ibang branch si maam Alyana. Sana matuloy para hindi na masyadong busy dito sa branch namin.

Dahil kapag may iba ng branch hindi na dadagsa ang mga tao dito.

His Psycho Girl (Available In Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon