TMIS2 - Fight the Feeling

111 43 4
                                    

Laura pronounced as "Lo-Ra"

--

Malawak ang condominium ni Keith na nasa ikatlong palapag ng de sica Mansion isang kanto ang layo mula sa kanilang eskwelahan.

Kung iisipi'y sobrang yaman nito para mag-aral sa State university na pinapasukan nila. Mukhang kayang-kaya naman nitong pumasok sa malalaking eskwelahan na hindi pinoproblema ang tuition fee hindi tulad niya.

Nang magkalkal siya tungkol sa pagkatao ni Keith ay isa sa na-i-search niya ang tungkol sa tinutuluyan nitong condo at nalula na agad siya sa halaga ng isang unit sa building na 'yun. Kayang-kayang pakainin ang lahat ng nakatira sa Baseco Compound sa loob ng tatlong taon, anim na beses sa isang araw.

Kung titignan naman talaga'y mukha itong may sinasabi sa buhay. Kutis-mayaman, amoy-mayaman, buhok-mayaman, mukha talaga itong mayaman pero hindi astang mayaman. Naglalakad nga lang ito papasok at pauwi. Kumakain din sa mga karinderya malapit sa eskwelahan nila. Hindi niya masabi kung mayabang ba ito dahil hindi niya pa ito nakakausap kailanman.

"Happy birthday Keith!" sigaw ni Zaldy bago dinampot ang isang bote ng alak na nakahanay sa mesa, binuksan nito iyon at itinapon sa ere ang laman.

Mabuti na nga lang at nasa bandang likuran sila ni Sally kaya hindi sila natamaan.

"Mukhang masaya rito, Laura." bulong sa kanya ng kaibigan habang hawak-hawak ang kamay niya.

Mukhang hindi na ito pikon sa kanya dahil malaki na ang ngiti nito habang nakatingin sa harapan. Sinundan niya ang tingin ni Sally; nakatayo hindi kalayuan kay Zaldy si Keith na malaki ang ngiti.

Nakasuot ito ng chinese collared button-down shirt na kulay gray. Naka-unbutton ang unang tatlong butones niyon habang nakarolyo ang manggas hanggang sa siko na pinaresan ng itim na pantalon at itim din na sneakers. Kapansin-pansin din ang gold chain bracelet na nakailalim sa suot nitong relo.

"Stop, Zaldy. You're making a mess." saway ni Keith sa kaibigan.

"Gagawa talaga tayo ng mess," umalingawngaw ang halakhak ni Zaldy na sinabayan ng mga kaklase nito na mukhang nabuhayan sa ginawa ng lalaki. "Sabay-sabay nating kantahan ang birthday boy natin ng happy birthday!"

At sa hudyat na iyon ay sabay-sabay silang kumanta. Kitang-kita niya ang ngiti ni Keith na unang beses niya lang makita at tila ba pinapaliwanag niyon ang buong silid na naiilawan lamang ng disco lights.

Para bang bumagal ang oras kasabay ng pagbagal ng kilos ng lahat ng taong naroroon. Mabagal ang bawat pagbuka ng bibig at pagpalakpak ng mga kamay. Kabaligtaran ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso at nag-triple pa nang lumingon sa direksyon niya ang lalaki.

Napalunok siya at pilit na nag-iwas ng tingin. "S-sally, ano? Iinom ka ba?" wala sa sariling tanong niya sa katabi.

"Oo naman, ano ka ba? Ikaw, umiinom ka naman, 'di ba?"

"Oo pero mababa ang alcohol tolerance ko."

"Iyong light na lang inumin mo. Nakikita mo 'yung mesa?"

Tumango siya nang ituro nito ang mesang may nakalagay na mga bote ng alak at mga finger-foods sa harapan niyon. May mga red cups rin sa gilid.

"Naka-arrange naman from light to hard 'yung alak e. 'yung light, nasa unahan.." itinuro nito ang direksyon na tinutukoy. "at pinaka-hard 'yung dulo." paliwanag ni Sally.

"Paano mo nalaman? Pagkain ng manok ang business n'yo a."

Tumawa si Sally. "Hindi ba halata? Gimikera ako," bulong nito. "Ayaw ba ng kuya mo ang party girl?"

The Mafia's Illegitimate SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon