TMIS3 - Soulmate

102 45 3
                                    

Note: I am happy that you are still here. keep going.. Keith will be happy that you are interested about him.

he is a wallflower, a bright wallflower.

--

"Sino 'yun?" seryosong tanong ni Lorenz sa nakababatang kapatid na si Laura nang umalis na ang binabaan nito at ng kaibigang si Sally na itim na sasakyan.

"Kaibigan namin, kuya." kagat-labing sagot niya rito. Hindi siya makatingin ng diretso sa kapatid dahil alam niyang may kasalanan siya samantalang ang kaibigan naman niya'y lantaran kung makatitig at makangiti sa kuya niyang hindi maipinta ang mukha.

"Naka-kotse?"

"Oo, hindi ba puwedeng magkaroon ng kaibigan na naka-kotse?"

Hindi ito sumagot bago nagpatuloy sa paglalakad palabas ng kanilang eskinita.

Eksaktong bumaba sila ni Sally mula sa sasakyan ni Keith nang masalubong ang nakatatandang kapatid. Agad na nagbalik ang lahat ng kaba sa kanyang dibdib nang makita ang mukha nito lalo na't alam niyang galit ang kanyang kuya Ren-ren.

Ang paalam niya sa papa niya'y uuwi sila bago maghating-gabi na hindi niya natupad. Dumagdag pa ang sandamukal na text messages at missed calls mula sa kuya Ren-ren niya na wala siyang nasagot kahit isa. Nang tawagan naman niya ito kanina gamit ang cell phone ni Keith ay pinauuwi lang siya nito. Kilala niya ang kuya niya; sa sandaling gumamit na ito ng kalmadong tinig ay alam niyang galit na ito at takot na takot siya dahil doon.

Hindi pa naman siya pinagbuhatan ng kamay ng kuya niya at isa iyon sa dahilan kung bakit labis ang takot niya sa nakatatandang kapatid. Hindi niya alam ang kaya nitong gawin kapag nasagad niya ang pasensya nito.

"Hindi man lang ako tinignan ng kuya mo, Laura." nakasimangot na sinundan ng tingin ni Sally ang kuya Ren-ren niya bago sila nagpatuloy sa pagpasok sa eskinita nila.

"Galit kasi 'yun. Hindi ko kasi nasagot 'yung mga tawag niya kanina at 'yung mga text messages. Nag-aalala lang siguro sa'tin."

"Pati sa'kin?"

"Ayaw mo ba?" nangingiting tanong niya dahil kitang-kita sa mukha ng babae na kinikilig ito.

"Kung may malisya ang pag-aalala niya sa'kin, gustong-gusto ko."

Napabunghalit siya ng tawa sa narinig. "Hindi ko na masasagot 'yan, Sally. Itanong mo na lang kay kuya."

Umirap lamang ito habang siya'y hindi mapigil ang ngiti. "Ano ba'ng nagustuhan mo kay kuya?"

Bumagal ang paghakbang ni Sally dahilan upang mapabaling siya sa direksyon ng kaibigan. "Hindi ko alam. Basta, naramdaman ko na lang. Natatandaan mo 'yung pumunta ako sainyo nang first year tayo?"

Saglit siyang nag-isip bago tumango. "Alin doon? Iyong nakikanta ka kay Aling Luring o iyong lasing na umuwi si kuya?"

"Huwag mo ngang ipaalala sa'kin iyong naki-videoke ako, nakakahiya!" kunwa'y nanginig na parang nandidiri pa ito ngunit agad ding ngumiti "Iyong pangalawa. Grabe, kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko 'yun!"

"Nakakatawa kasi 'yung naki-videoke ka. Galit na galit ka kay kuya kasi sumigaw siyang ang sakit sa tenga ng boses mo."

"Tama na, okay? Iyong pangalawa nga e!"

"Bakit? Ano ba'ng nangyari nu'n? Nag-sorry ba siya sa'yo?"

Kinikilig na ngumiti lamang ito bago tuluyang huminto sa paghakbang. "Dalawang taon na tinago-tago sa puso ko ang alaalang 'to pero dahil magiging sister-in-law naman kita, sasabihin ko na sa'yo."

The Mafia's Illegitimate SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon