I HATE YOU, MR. BADBOY
-
January Montemayor
"TSK, naiinis talaga ako 'don sa mga babaeng 'yon pre." Panglabing isang sabi sa amin ni Yuan.
"Pre, pwede ba. Nakaka-ilang ulit ka na niyan. Ang sakit sa tenga, para kang sirang plaka."
"Mas masakit 'pag walang tenga." Avris said coldly. Tinignan ko naman siya ng masama, pero wala na siyang pake ulit.
Tatatlong expression lang naman kaya niyang gawin e; Galit, mapambara, at cold.
"E nakita ko sila ulit e! 'Di syempre naalala ko ulit!" Galit na sabi ni Yuan habang nakatingin ng masama sa isang direksyon ng cafeteria. "Tignan n'yo! Sobrang yabang, mga may kaaway na naman!"
"Tsk, just let them be."
"Pre naman," sabi ko kay Avris at inakbayan 'to. "Sa susunod kapag magsasalita ka, sabihan mo kami ha? Kakagulat ka e."
"Tch,"
"O, tignan n'yo. Magsasalita na yung babaeng hambog! 'Kala mo naman maganda! Kung sabihan tayo ng panget kanina, akala mo dyosa e!"
Tama nga si Yuan. Nagsalita nga 'yong babae. If I'm not mistaken, siya yung Zyril. Anak ng namayapang owner ng Prience Klorista, number one best selling online shop.
Parang Avris din 'to minsan e.
"Panget ka naman talaga e." Speaking of Avris, nagsalita ang g**o.
"Gago ka talaga pre." Kakamot-kamot sa ulo na sabi ni Yuan.
"Well, well... Look who's here. If it's not the crazy one. Didn't we told you too that we'll wait? Teka, ilang oras mong pinagpractice-an iyang english mo?"
Ayan, parang ngayon.
Ang cold din ng boses nitong babaeng 'to. Parang ang layo niya kay Camila Cabello. Magkamukha pa naman sila.
"Nakakatawa. Ngayon ko lang narealize na para pala kayong coloring book," natatawang sambit nung Ezra habang tinuturo ang mga mukha nung kaaway nila. "Kaya niyo pa kayang mabuhay ng walang make-up?"
This time, ulo ko naman ang uminit. "Yabang talaga nito!" Tumawa naman sila Yuan sa sinabi ko.
Yes, alam nilang galit ako sa babaeng 'yon.
Ewan ko ba! Lagi na lang kasi siyang nagrereklamo sa tuwing dumarating kami.
Tinitigan ko siyang mabuti from head to toe, at doon nakita ang pinaka-hindi kaaya-ayang babae sa balat ng lupa.
F**k, tomboy ba 'to?
Para siyang si Avril Lavigne nung kasagsagan pa ng 'Let Go' at 'Under My Skin' e! Rakistang-rakista.
Nahiya naman kasi ako sa sabog niyang buhok na straight, ripped jeans, loose na faded shirt, isang lumang sneakers, at may panyong nakatali sa braso niya.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Mr. Badboy
Teen FictionEzra Penelope is a sixteen years old boyish, and she's proud of it. Sa unang tingin, hindi mo mahahalatang anak mayaman dahil sa pormahan niyang akala mo'y pinaglipasan ng panahon. Ripped jeans, loose shirt, a dark black eye-liner, leather jacket, c...