I HATE YOU, MR. BADBOY
-Ezra Penelope
"Stop calling them KEZ, Klairro." Sabi ni Miss Francine. Naupo siya sa isa pang swivel chair medyo malapit kay Kuya Klairro.
"Fine, Francine."
Ganiyan sila ka-close. First name basis.
"Ehem," napaayos kami ng tayo nang tumikhim na siya. "Sa palagay ko, alam niyo na kung anong ipinunta ko rito, tama?"
"Dahil ba sa gulo kanina?"
"Yup." Pagsang-ayon nito at tinignan kami na para bang naaaliw siya. "May nagsumbong sa'kin kanina tungkol sa ginawa niyo. Sigurado ba kayong hindi kayo member ng taekwondo cl—"
"Klairro, we're on a meeting." Maotoridad na suway ni Miss Francine dito. Napakamot sa ulo ang lalaki at saka muling nagpatuloy.
"Well, dahil diyan sa ginawa niyo, suspended kayo ng isang araw. Ngayon. At pagbalik niyo bukas, kayo ang maglilinis ng cafeteria after kumain ng students."
"Hey, bakit kaming tatlo?!" Histerical na sigaw ni Karen. Napalingon naman kami sa kaniya, at nakita naming balot ng pagtataka ang buong mukha niya.
"Bakit Karen? Anong problema kung tayong tatlo?" I asked. Lumingon naman siya sa amin, and then she said,
"Boii, ako lang naman ang nakipag-away. Hindi kayo kasama, 'di ba?"
"Huh? E ang alam ko ikaw lang talaga ang nadamay kasi hindi ka naman talaga kasama sa away." Sabi naman ni Zyril at saka tumawa.
"Tama na ang pagtuturuan. Lahat kayo damay."
"Mas better nga 'pag ganon."
-
"ARAY ko naman! Kailangang manulak?! 'Di ka marunong magdahan-dahan?!" Sigaw ko sa guard ma tumulak sa akin paalis.
Siraulo 'to. Sarap bangasan amp!
"Sa mga babae lang ako marunong magdahan-dahan." Sabi niya. Tumaas naman ang kilay ko.
So hindi ako babae?
"Boii, anong akala mo sa'kin? Lalaki?!" Sigaw ko sa mukha niya. "Babae 'to! Dalagang pilipina!"
Naasiwa naman ako nang bigla niya akong tignan mula ulo hanggang paa. Kingina, ano na namang tinitingin-tingin nito?
Matapos niyang hagurin ng tingin ang buong katawan ko, bigla siyang tumawa ng malakas. As in malakas, kaya naglingunan sa amin ang mga tao.
"Pre, naka-singhot ka ba? Bakla ka 'ata e!" Sabi niya at saka iiling-iling akong iniwan.
Ilang saglit lang, dumating na rin sila Zyril.
Pero unlike me, hindi sila tinulak.
Punyemas na guard 'to!
"Anyare sa'yo?" Tanong ni Karen.
Lalo naman akong bumusangot, tapos ay biglang humalakhak si Zyril.
"Lemme guess," sabi niya matapos tumawa. "Napagkamalan ka na namang lalaki, 'no?"
"Tss." Ingot ko at saka nagcross arms at irap.
Halos pasabugin ko naman ang bungo nila nang sabay silang tumawa ng malakas.
Jusko po, nababaliw na ang mga kaibigan ko!
Kung tinatanong ninyo kung anong nangyari, ganito iyon.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Mr. Badboy
Teen FictionEzra Penelope is a sixteen years old boyish, and she's proud of it. Sa unang tingin, hindi mo mahahalatang anak mayaman dahil sa pormahan niyang akala mo'y pinaglipasan ng panahon. Ripped jeans, loose shirt, a dark black eye-liner, leather jacket, c...