THE FIRST DAY

74 54 0
                                    

I HATE YOU, MR. BADBOY
-

Ezra Penelope

“Hoy babae! Tulala ka na naman diyan kanina ka pa namin kinakausap! Narealize mo na bang tama kaming may mali sa pagkaka-encode riyan?”

“Hindi, kingina,” tulalang sagot ko kay Zyril, at biglang humalakhak. This time, sila naman ang hindi nakagets sa'kin. “I'm so proud of myself dahil section A na‘ko ngayon.”

“Hindi talaga, boii eh. May mali talaga. Sure ako ‘ron.” Pilit pa rin nila. Tinignan ko naman sila ng masama, at saka inirapan.

“Kung ayaw niyo akong maging section A, aba sige! Sabihin niyo iyan sa Dean.”

“Joke lang,” natatawang sabi nilang dalawa, at saka kumapit sa braso ko. “Tara na nga.”

Umakyat na kami ng hagdanan papunta sa assigned room namin. Kaso, humiwalay sa amin si Karen kasi iba ang room niya.

Paakyat kami sa hagdanan, nang may biglang bumangga sa'min. Inis na liningon naman namin iyon, at nakita namin si Scartlett, and reyna ng pagiging trying hard.

“Hey, don't you know how to make tingin-tingin in your dinadaanan?!” Pasigaw na tanong niya.

Bigla kaming napatakip sa tenga namin ni Zyril nang bigla siyang magsalita.

Goshness, trying hard na naman ‘tong mag-english!

“Excuse me,” nakangiwing sabi ni Zyril sa kaniya. “Pwede bang bago ka tumalak diyan, ayusin mo una yung grammar mo? O ‘di kaya mamili ka na lang kung anong language ba talaga gagamitin mo. English or tagalog.”

“What a hell?” Scarlett shouted out loud. Napaface palm naman ako.

Paking tape, what the hell na nga lang, mali pa? Talaga bang Alpha 4 ang rank nitong babaeng ‘to? Parang kinder, amp! Tagabundok yata ‘to e.

“You're not tumitingin in your dinadaanan kaya!”

“Aba, kami pa talaga!” Hindi makapaniwalang sambit ko, at saka siya tinawanan. “E sinong shunga ba ‘yong bumaba sa ‘going up’ na hagdanan? Kakabanas ka!”

"I'm batas kasi! So I can make baba-baba anywhere I gusto!"

"Fudge," bulong ni Zyril sa akin. "Hindi ko na kayang kausapin 'tong babaeng 'to ng mas matagal pa." Sambit niya at agad na humawak sa ilong.

Tawang-tawa naman ako kaso hindi rin 'yon nagtagal ng may biglang bumatak sa akin paharap.

Kitang-kita ko ang pulang-pula na mukha ni Scarlett.

There, bagay na sa kaniya ang pangalan niya. Scarlett.

"What the f**k is your problem?!" I asked her, irritated. Hinawi ko ang marumi niyang kamay na nakakapit sa damit ko.

"Don't talikod at me if I'm hindi pa tapos talk sa'yo!"

"Pwede ba, little miss feelingera, lubayan mo na kami! Kung may shunga man dito, ikaw 'yon. Aside from your godforsaken language na ikaw lang ang nakaka-alam, nakakairita rin iyang boses mo na pang palaka! Idagdag pa ang amoy mong nakakasulasok! May pambili ka ng kinginang liptint, pero walang pambili ng rexona? Tawas? At talagang nasa Alpha ka pa ng lagay na 'yon!"

Malakas na singhal ko sa kaniya.

Mukhang dahil 'don, naglingunan yung mga estudyanteng nasa baba at taas.

Akmang magsasalita pa siya, nang sumingit si Zyril. "Oh, may sasabihin ka pa? Teka, ano nga pala yung sinasabi sa court? Ahh, 'you have the rights to remain silent, because all you will say can be used against you,'."

I Hate You, Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon