PROLOGUE

83 5 1
                                    

Someone's POV,

Sa mundong ating ginagalawan mayroong mga nilalang na tinatawag na mga "Phantoms", sila ang responsable sa pag kawala ng mga tao sa mukha ng mundo ng walang iniiwang kahit anumang bakas ng pagkawala at ang mga kasong ito ay tinatawag ng mga taong "Unsolved Cases".

Nakapangingilabot ang mga nilalang na ito halos 6 na metro ang taas nito. Pawang aso kung tumindig.

Wala itong mga mata at mga tenga ngunit mayroon itong bungangang kasing lapad ng 1 metro at punong puno iyon ng mga pangil.

Batid kong mapadampi lamang ang mga iyon sa iyong balat ay may maiiwang sugat sa iyo.

At hindi din basta-basta ang laway nila nakatutunaw iyon sa loob lamang ng ilang segudo ay mag lalaho na ang bagay na matuluan o mabalutan niyon.

Ang mga Phantoms ay tinatawag na mga 'soul eating creatures', sinisimot nila ang bawat enerhiya mula sa katawan ng kanilang biktima at sa tagal ng aking nilalagi sa mundong ito wala pa akong nakitang na buhay pa matapos silang kuhanan ng enerhiya.

Puwera na lamang kung ikaw ay makatagpo ng mga 'Mana users'. Mga misteryosong nilalang na di batid kung saan nga ba nag mula at kung saan nila nakukuha ang kakaibang paraan nila ng pakikipagbuno.

Bagaman salat ang aking kaalaman tungkol sa mga nilalang na ito isa lamang ang tanda kong palatandaan nila.

Carnage Academy, iyan ang pagkakatanda ko nang mailigtas ako noon ng isang mana user mula sa isang phantom.

Pilit ko nang tinatanggal ang ala-alang iyon sa aking sistema ngunit sariwa parin lahat ng nangyari noong gabing iyon.

Flashback

Alas onse nang gabi ng matapos ako sa ipinagagawa ng aking boss sa opisina.

Malamig ang paligid may nararamdaman akong kakaiba at may iba rin sa aking sistema.

Hindi ko na ito pinansin dahil baka dulot lamang ito ng airconditioner sa opisina. Nagtungo ako sa elevator at pinindot ito papuntang 1st floor.

Nang magsara ang elevator ay ganoon parin aking pakiramdam kayat napahimas nalamang ako sa aking magkabilang braso dahil sa nararamdaman.

Matagal na akong inaabot ng alas onse sa opisina at umuuwi din naman agad ng walang bahid ng lamig puwera nalang kung umuulan dahil sanay na ako sa lamig lalo pa't maghapon akong nandito sa opisina.

Bumukas na ang pinto ng elevator. Walang tao ngunit nakabukas ang mga ilaw ganoon parin ang aking pakiramdam. Patuloy na kinakain ng kaba ang aking buong katawan.

Nakahinga ako ng maluwag nang matanaw ko ang guard sa di kalayuan. Binati ako nito at tumango naman ako bilang tugon.

Panandalian lamang ang naging dulot nun sa aking buong katawan bumalik ang kaba ng tinahak ko na ang Parking lot kung saan ko ipinarada ang aking kotse.

Napasabunot nalamang ako sa aking sarili sa katangahan ng maisip na dapat ay sa ground floor ko nalamang dapat pinindot ang buton ng elevator. Halos Patakbo ko nang tinahak ang parking lot.

Nakapagtatakang hindi ko Makita ang guard nito at walang mag tataas ng harang sa parking lot upang makadaan ako.

Pinuntahan ko ang sariling kotse ng maagaw ng pulang matubig-tubig na bagay ang aking pansin.

Dugo iyon.

Sinundan ko ito ng tingin at nang makita kung saan iyon nag mula ay umakyat lahat ng aking kabang pinipigilan sa aking ulo.

Ang guard ng parking lot.

Pilit kong pinakalma ang sarili upang di mag panic tiningnan ko ang pulso nito, may pulso pa ito kaya naman agad kong inilabas ang cellphone ng hawakan niya ang braso ko at pilit na ibinuka ang ibibig.

"Tak?". Tanong ko sa kanya ngunit di ko talaga maintindihan ang kanyang sinasabi dulot na din nang kaba at takot.

"Takbo." Mapait at hirap na hirap nyang saad.

Ngunit huli na ang lahat nang makakita ako ng nilalang na 6 na metro ang taas at tumutulo ang mga laway na mula sa kanyang bungangang binalutan ng matatalas niyang pangil medyo tuyot ang balat nito at puro dugo din ang bunganga nito.

Gusto kong sumigaw ngunit napaisip akong baka marinig ako nito gayong wala naman itong mata at tenga. Ngunit mas natakot ako nang mapansing parang naka ngiti ito sa akin.

Takot na takot akong napatakbo ramdam na ramdam ko rin ang pagtagaktak ng aking pawis mula sa ibat ibang parte ng aking katawan.

Wala akong nararamdamang sumusunod sa akin.

Ngunit ng hahakbang pa ako ay nasa harapan ko ng ang karimarimarim na nilalang at ngiting ngiti ito habang nakaharap sakin.

Tumumba ako ng hindi dahil sa kaba kundi dahil sa putol na ang aking kanang binti!. Mabilis na tumagas ang dugo duon at pilit kong tiniis ang sakit ngunit di ko na pa kinaya at Naibulalas ko ang sakit.

Ramdam na ramdam ko ang pangangatog ng kaliwang tuhod nalamang. Nang may humagis ditong kotse? Kasabay ng pag litaw ng isang dalagitang batid ko ay nasa 20 na ang edad maikli ang buhok nito at kalmado.

Halata ang galit sa mukha ng halimaw at akmanang susugod ito sa dalaga ng mabilis na humagis ang isa pang kotse na nailagan naman nito. Mabilis na kumilos ang halimaw at ginamit ang dalawang mahahabang paa upang dambahin ang dalaga.

Kamangha-mangha ang bilis ng nilalang na ito at hindi rin biro ang balak nyang gawin sa dalaga ngunit katakatakang walang emosyon na ipinakikita ang dalaga.

Mabilis lamang siyang umilag dito at gamit ng kamay ay animo'y binuhat niya ang isang kotse at iwinasiwas ang kamay papunta sa halimay at sumunod naman ang kotse.

Mabilis na bumalik sa dalaga ang kotse!

Mariin akong napapikit, at alam kong patay na ang dalaga ngunit pag mulat ko ay may mga nakapulupot na malalaking bakal sa halimaw.

Nagpupumiglas ito ngunit sadyang makapal at mahigpit ang pag kakatali sa kanya. Mabilis na hinanap ng aking paningin ang dalaga. Nang mahanap ko ito ay nag lakad ito sa patungo aking kinaroroonan  at blangko ang ekspresyong naka tingin ito saakin.
Halatang halata din ang malaking kalmot na nasa kanyang pisngi, halatang kakakalmot lamang dito dahil sa mga dugong tumutulo pa dito.

May mga batid kong laway ng halimaw ding napunta sa halatang mamahaling damit nito at mistulang nalulusaw ito dahilan upang malaglag ang nasa kanang dibdib nito.

Dama ko parin ang sakit na nag mumula sa aking kanang binti, pinilit kong tiisin ang sakit dahil alam kong sa ano mang oras ay magagamot na ito.

"S-Salamat binibini"pasasalamat ko sakanya.

"Huwag ka saking mag pa salamat sa kanya ka mag pasalamat." Turo nya sa halimaw na nasa pagitan ng dalawang kotse at nakagapos gamit ng mga bakal.

"Dahil yan lang ang inabot mo sakanya." Dagdag pa niya.
Nagulat ako nang ang dalawang kotseng nasa gilid ng halimaw ay bigla nalang na pinisak ang nakagapos na nilalang na para bang sandwich, kitang kita ko ang mga dugo at laman na nagsitalsikan mula sa nilalang.

"Phantoms" saad niya tsaka ngumisi at nag lakad papalayo papunta sa dilim.

Hinanap ko ang aking cellphone at nangnakita ko ito ay gumapang ako papunta doon at tumawag ng saklolo.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking paghihintay ng tulong nang mapansin ko ang makislap na bagay na nahulog sa dalaga kanina mula sa aking puwesto nang maputol ang aking hita.

End of Flashback

Matapos ang ilang taong pag reresearch ay wala akong makalap na impormasyon tungkol sa Carnage Academy dahil sa lumalagong koryosidad tungkol sa paaralang iyon.

PLEASE VOTE AND COMMENT!
Facebook: Jicah

Thanks for reading till next update!

Carnage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon