Chapter 6 : Guilt VS. Affinity

11 2 0
                                    

Ashe's POV


"Mag tungo na kayo sa Traning Grounds, Magsisimula na tayo sa inyong practice match" 


Nang marinig ko ito ay nakampante ako sa kaunti dahil na rin sinanay ako ng self defense, fencing at iba pang mga physical activities kasama ng mga kilalang body guards sa Europe. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit medyo bihasa ako sa mga ganito.


"This is the last 20% of your scores, nahahati ito sa dalawang bahagi. 15% ang paggamit niyo ng mga atake sa tulong ng inyong mana, ang mga atakeng hindi ginamitan ng mana ay hindi kabilang sa inyong puntos. Ang nalalabing 5% naman ay kapag nabasag niyo ang lacrima crystal ng inyong kalaban" Dagdag pa ni Mr. Carlos. lacrima crystal? 


"Ang lacrima crystal ang mag poprotekta sa inyo sa atake ng inyong kalaban ngunit sa oras na ito'y nakatanggap na ng napakaraming atake ay mababasag ito at sa oras na mabasag ito ay Tapos na ang laban" 


Nang makapasok kami sa Training ground ay tumambad ang isang arena at sa gitna noon ay may roong isang malaking screen. Moderno ang disenyo nito at halong kulay silver at yellow ang namumutawi sa silid. 


Tumungo si Sir Carlos sa harap ng screen at nangitinapat niya ang kaniyang kamay dito ay nabuhay ito. Mas high tech pa ang mga gamit dito kaysa sa mga nakikita ko sa internet. May ginawa pa siyang ilang mga posisyon sa kaniyang kamay at may dalawang pangalan ang lumabas sa screen.


"For our first match. Sebastian and Franz, please step up" Naglakad na ang aking katabing lalaki na batid ko ay si Sebastian at nagtungo narin ang isang babae sa unahan. Halatang halata ang pagaka fashionista nito dahil sa kaniyang sandamakmak na hair pins sa kaniyang buhok, ngunit hindi naman ito nagmukang baduy kundi bagay ito sakaniya, kapansin pansin din ang sinturon nitong gucci na may hairpins din na nakakabit.


"In the orientation the trainers already thought you the basics on how you can use your mana, use it in the most creative but compatible way you can. Players Please step into your lacrima" 


Mula dito ay may naaninaw akong transparent na bagay na hugis bilog at pumunta lamang sila sa gitna noon at nakasunod na iyon sa kanila hanggang makapasok na sila ng area. 


"Let the match begin" Sigaw niya.


Pumwesto na ang dalawa na tila nag aabang, Unang naglabas ng aura si Sebastian. Hindi ko man nakikita ito ay nararamdaman ko naman ito, binanggit ito saakin ni Eleus hindi nakikita ng mga mata ang aura ng isang mana user, ngunit kung ifofocus mo ang aura mo sa mga mata mo ay makikita mo ito. Sunundan ni Franz ang paglalabas ni Sebastian ng aura. 


Inilabas ni Sebestian ang kaniyang aura sa hugis ng isang pana ngunit wala itong lupid, sa aking pagkakaalala Emitter lamang ang may kakayahan na ihugis ang aura mo sa isang sandata. mabilis itong umatras at tsaka umaakmang maybinabatak na tala sa kaniniyang pana. May lumabas na palaso roon! Binitawan niya ito at maliksi namang iniwasan ito ni Franz.


Nang makaiwas siya sa palaso ay kumalas ang kaniyang mga hairpins sa kaniyang buhok at lumutang sa ere, kung hindi ako nag kakamali ay hindi hindi baba sa 20 ang hairpins na kaniyang kinokntrol. Isa siyang manipulator. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carnage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon