Crush

66 2 0
                                    

Crush?!!? Yan ang inspirasyon ng mga single. Yan ay ang paghanga. Gusto mo pero pag lumalalim, ang crush ay nagiging LOVE.

>SS<

Characters:

-Lianhi

-Sandhie

-Vhia

-Rhoel

-Rhie

"Kyaaaaaaah Andyan na si Rhoel My Prince Charmiiiiiiing" sigaw ng kaibigan kong si Vhia. Crush na crush niya si Rhoel pero hindi naman siya pinapansin.

Bestfriend niya kami ni Sandhie eh.Wala kaming magagawa kundi ang suportahan siya pero minsan binibigyan din namin siya ng advice baka maging LOVE na yun eh hindi na CRUSH.

"Girl masakit sa tenga!!" sigaw ni Sandhie kay Vhia. Grabe kasi siya makatili eh parang wala ng bukas! Ganyan niya ka-CRUSH si Rhoel.

"Eihhh kasalanan ko ba na sobrang gwapo niya *pout* *beautiful eyes*" Ayan na naman ang pagkachildish ng aming BABY DAMULAG.

"(stop it)Yamete girl! Baka maging love na yan eh!" sabi ko naman.

"*buntong hininga* Girls yeah i love him naaa! *-* Siya ang future husband ko! Kyaaaaaah Kelegmatz aketch!" hay. yan na nga ba ang sinasabi ko eh!

"Vhia!!!!!!! Seriously?!?!?!?!?" sigaw namin sa kanya!

"Ouch! Malapit lang po ang kausap niyo hindi malayo!" sarcastic niyang sabi samin. Hay. Kung alam lang niya na kami ang nababahala na baka masaktan siya.

"Girl bakit?! baaaakiiit!?" tanong ni Sandhie kay Vhia.

"Kaya nga! Why girl?! Whyyyyyyy?" sabi ko naman

"Eninglish mo lang yung sinabi ko eh!" Sandhie.

"Ai oo nga! Hihi! Sarreh! *wink*"

"Anong bakit? A-anong why!?" takang tanong samin ni Vhia.

"Bakit naging Love si Crush!?" sabay naming tanong ni Sandhie.

"Eh? Di ko alam. Basta i feel it na lang na important siya to me *pout*" ayan na naman ang taglish with unggoy-este-matching arte sa boses niya!

"Girl kung ano man yang nararamdaman mo, itigil mo na baka masaktan ka lang." sabi ko sa kanya. Iba kasi ito magmahal eh. Binibigay ang buong pagmamahal at pagtitiwala. Tapos super duper ang kanyang pag-assume. Lalo na ang kanyang imagination.

"Panu!? Panu pigilan!? Hindi ko alm kung panu pigilan! Panu ba?! aalisin ko na ba ang heart ko at si mind na lang ang bahala to me and to my rhoel?" haaay. hirap!

"Girl makakaya mong pigilan yan kung talagang gusto mo!" sabi ni Sandhie sa kanya.

"Bat ba kayo ganyan?! Diba bestfriends ko kayo!? Bat hindi niyo ako kayang suportahan!? O baka naman may gusto din kayo sa kanya kaya niyo ako pinipigilan!! What kind of bestfriends are you!?!?!?! Mga plastik!!!" naiiyak na sabi niya sabay takbo.

"Girl!!!!" sigaw namin ni Sandhie.

"Hayaan muna natin siya Sandhie. Siguro kailangan niya yun para may matutunan siya sa sarili niya!" sabi ko kay Sandhie at tumango naman ito.

***

Mahigit dalawang buwan ng hindi kami pinapansin ni Vhia dahil lang kay Rhoel.

Hay. Nag aalala na nga kami sa kanya eh! Hindi ba niya naiintindihan na iniisip namin lang namin siya ni Sandhie!? Ayaw lang naman namin siyang masaktan eh!

Vhia's POV

Anong klaseng kaibigan ang mga yun? Hindi man lang ako supurtahan. Tsss...

Kyaaaaaaaah.. Ah... Uhm.. Nililigawan ako ngayon ni Rhoel! Waaaaah ang prince charming ko!!!!!! Kahit minsan minsan lang siya magtext sakin okay lang kasi mahal ko siya at naniniwala ako na seryoso siya at mahal niya ako!.

Yaaaan na siya... Ngayon ko kasi balak na sagutin siya eh kahit hindi pa siya nagtatanong. Excitedmuch ako eh! Haha.

"Oh Vhia.!" sabi niya sakin nang makita ako ng prince charming ko.

"Uhmmm Rhoel.."

"Oh bakit?" takang tanong niya.

"Uhmm sinasagot na kita." Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Hahahahahahaha!" tawa niya. Kyaaaaaah. Siguro tuwang tuwa siya na sinagot ko na siya. Kyaaaah! kenekeleg eke.

"Huh!? S-sinasagot mo ako!?" sabi niya. Siguro hindi siya makapaniwala.Kyaaaaah. Tumango ako.

"Hahaha. Whoah! *pailing-iling siya* Shit! Bakit? Bakit Vhia? Bakit? Nililigawan ba kita!? Hahahaha. Kung sa tingin mong may gusto ako sayo tsk tsk WALA ! WALA AKONG GUSTO SAYO! Naglalaro kami ng Truth Or Dare ng mga barlada ko.Dare ko lang yung magtanong ako sayo kung pwede ba akong manligaw! Hahaha. Assuming ka masyado! As if magugustohan kita!" parang sumabog ang puso ko sa sinabi niya. Ang sakit-SOBRANG SAKIT...Wala na akong sinabi, umiyak na lang ako. Ganto pala ang magmahal ng sobra, MASAKIT. Ang sakit mag aasume. Sana pinakinggan ko na lang sila Sandhie at Lianhi.

"Bhabe!!!" sigaw ng isang babae. Tumingin si Rhoel doon.

"Oh bhabe!" s-s-so m-may gf siya? :'( B-bakit?

"Ah bat siya umiiyak bhabe? Binully mo na naman ba bhabe?" tanong ng babae kay Rhoel.

"Hindi bhabe." sabi naman ni Rhoel.

"Hi. Ako si Rhie. Kaw si Vhia diba? Bat ka umiiyak?" tanong niya sakin.

Pero imbis na sagutin ko ang tanong niya kung bat ako umiiyak, iba ang sinagot ko.

"Mahalin mo, alagaan mo, pahalagahan mo, ingatan mo, wag mong iiwan si Rhoel. Kaw na bahala sa kanya. Sana maging masaya kayo. Alagaan mong mabuti ang lalakeng mahal ko!" basag ang boses kong sinabi kay Rhie at tumakbo na ako palayo sa kanila.

          ***END OF SS***

Note: Wag kang mag assume masyado dahil ikaw lang ang masasaktan. Pero kahit na hindi maiwasan sana alam mo ang dapat. Pakinggan mo din si Isip, wag lagi si Puso. Minsna kailangan mo din isakripisyo ang mga kaibigan mo para may matutunan mo na mas mahalaga ang kaibigan at para may matutunan kang bago sa buhay mo at buhay ng ibang tao. "Madaling iwasan ang taong mahal mo pero mahirap iwasan ang nararamdaman mo!" Just enjoy your day with your friends. Hindi lahat ng kasiyahan makukuha sa pagkakaroon ng karelasyon.

Bakit Masakit Ma-inlove?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon