What is Living?
Nagsisimula ang buhay kapag nagmeet ang egg cell at sperm cell at kapag may nabuong buhay. Pagkatapos ng humigit kumulang siyam na buwan ay ipapanganak ang sanggol at matututong huminga. Matututong gumapang, tumayo, maglakad at magsalita. Papasok sa eskwela at matututo ng mga bagay bagay sa mundo.
Makakaramdam ng kaligayahan, kalungkutan, galit, hinagpis, kagalakan at kung ano-ano pang emosyon.
Mabibigo, magtatagumpay, lalaban at magpapatuloy. Yan ang buhay.
Pero paano nga ba mabuhay? Pakiusap turuan nyo ko. All I know is I'm dying while living.
Simula pa lang nung bata ako gusto ko ng mamamatay. Dunno why. Hahaha o alam ko lang talaga pero ayoko lang sabihin kung bakit?!
Nagsulat nga ako sa likod ng pinto ng kwarto ko ng "Sana mamatay na ako para hindi ko na maramdaman ang sakit na ayaw sayo ng ina mo at kaibigan mo."
Nakakatawa hahaha. Masyado akong madrama nung bata ako. Lagi lang inuutusan at pinagagalitan ay gusto ko na agad mamatay. Hindi naman ganon kasama si Mama ako lang talaga tong OA hahaha.
Yong mga kaibigan ko naman nung bata ako ay mababait. OA lang talaga ako. Pero may napansin ako.
May paupahan kasi sila Inay (Lola ko) na bahay apat yon. May mga nakatira doon na mga pamilya, may mga anak sila. Edi may mga kalaro kami ng pinsan ko. Noon apat kaming magpipinsan, dalawang lalaki at dalawang babae. Kapag bakasyon palagi kaming naglalaro hanggang hapon. Tapos tuwing gabi magkakasama sila nag kukwentuhan. Hindi kami kasama ng kapatid ko dahil hiwalay ang bahay namin sa kanila. Kasama yong dalawa kong pinsan doon sa kumpulan nila. Doon kasi sa bahay ng lola ko natutulog dati. Naiinggit ako noon. Hahahaha. Parang ang saya nila eh.
Yon ganon lang ng ganon. Tapos isang araw napansin ko sa tuwing sasali ako sa mga laro nila, may mangyayaring kakaiba. Kung hindi may mag aaway ay may aayaw ng maglaro. Hahahaha. Ako ang pinakamatanda sa kanilang lahat. Age doesn't matter. Tsk. Nyahahahah. Yon na nga lumaki na kami. Nakitira ako sa mga lola ko. Natuwa ako kasi makakasali na ako sa kwentuhan nila. Pero dahil nga baliw ako, ako ang laging topic hays! Kamalayan kong may iba palang ibig sabihin ang tam*d. Hays!
Tuwing brownout din dito sa amin nandun kami sa terrace ni Inay. Whaaa! Ako lagi ang kawawa. Nakakapambara ako kapag isa o dalawa lang ang kasama ko pero pagmadami sila tahimik ako. Ako ang nababara. Whaaa! Ang bait ko sa part na yon.
Kapag kasama ko ang pinsan kong babae at yong isa pa naming kaibigan. Minsan, madalas ako ang nababara hahahaha. Pinagtutulungan nila ako. Minsan lang naman. Pero kapag kami muna ng pinsan ko ang mag kasama tapos saka pa dadating yong kaibigan namin siya ang kawawa nyahahaha. Pero pag ako ang huli. Ako ang kawawa. Hindi nakakawawa yong pinsan ko. Dunno why. Hahaha. Kaya yon. Hindi na ako masyadong nasama sa kanila. Minsan na lang kapag baliw na baliw ako at kaya kong damhin ang mga sinasabi nila.Hindi ko alam ang ibig sabihin ng kaibigan.
Paano mabuhay?
Noong highschool ako may mga kaibigan din akong laging kasama. And luckily, third cousin ko ang isa. Pero first year lang kami magkasama kasi napalipat ako ng section.
Noong napalipat ako ng section, hindi ko matandaan kung kinabahan ba ako o wala lang sa akin. Nakilala ko doon ang kaibigan ko hanggang ngayon. Sa tingin ko. Lagi kaming magkasama hahahaha. Kaming dalawa lang.
Ngayong college hindi na. Ibang degree ang kinuha nya. Dapat parehas kami kaso nga iba ang degree na ibinigay sa kanya. Kaya itong degree na to ang kinuha ko kasi akala ko makakasama ko sya. Pero ayos lang gusto na naman daw nya yong degree nya kahit daw mahirap. Nakikita ko din naman syang masaya kasama yong mga bago nyang kaibigan. Whaaa! I'm so happy for her. Talagang talaga.
May nakilala din akong mga bagong kaibigan. Si J hahaha secret yong tunay na pangalan. Sya yong lagi kong kasama noon. Nagsimula kaming mag usap noong wala akong index card at humingi ako sa kanya. Salamat talaga. Salamat. Nainis ako doon sa dalawang babae na kasama nya dati. Wala! Hahaha para kasing kinausap lang sya kasi kailangan sya. Nakita ko syang kasama yong dalawa at nauuna silang maglakad kesa sa kanila.
Nag aantay ako noong matapos yong mga kumakain doon sa karinderya, walang mapwestuhan eh. Tapos tumigil sya at tumingin sa akin. Tapos lumapit iniwan nya yong dalawa na hindi alam na nawala na pala sya doon sa likod. Umupo sya sa tabi ko. Sabi nya uuwi daw yong dalawa sa bahay at doon kakain. So yon sabay kaming kumain. Doon nag simula.
Nagtry din akong makipagkaibigan pero palpak peste. Napahiya ako. Hahaha. Sana mabasa mo to. Lol ka. Makonsensya ka.
Ganto yon, nagbigay ako ng sulat kay C basta C hahaha. Nakasulat doon. 'ID minsan wallet madalas ruler.' Hindi nya pinansin. Yon. Tumahimik na ako. Bago ko pa noon nakausap si J.
Tapos yon kinausap na ako nung nasa unahan ko. Kasama na sa kanilang grupo si C. May isa doon sa grupo nila yong sobrang friendly. Swear. Sya si M hahaha.
Tapos itong si J may naging kaibigang lalaki si D. Si D naman nakausap ko at nakakulitan. Hahaha. Kawawa ako kasi lagi akong nahahampas noon. Straight daw sya pero mas malakas pa ang sampal sa akin. Peste! Si D ang naging dahilan para makilala ko si J no. 2 hahaha. Yon. Kaming apat lagi ang magsama.
Tapos nadagdagan kami. Naging kaibigan din namin si L. Hahaha. Lima na kami. Pumunta pa nga kami noon sa bahay nila L eh. Ganda doon may ilog at bundok.
Nadagdagan at nabawasan kami. Nag iba ang section ni L at D. Tapos nakilala ko si R at C no. 2 hahahaha.
Tapos yon yong grupo ni C at M at grupo namin. Naging magkaibigan tapos nadagdagan ulit dumagdag sila A, D, K, C, P at M no. 2 mga lalaki sila.
Hahahahaha. Ang saya. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng kaibigan pero ang dami ko noon.
Sa ngayon, iba na ang lahat. Ganon talaga may mga pagbabago. May aalis at may dadating. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin ng kaibigan. Hays!
Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila. Pero ayaw ko talaga magsabi ng problema ko. Wala! Sanay na siguro ako.
Hindi ako nag dedesisyon ng hindi nagtatanong kay mama. Kunyari may plano silang mag swimming tapos niyayakag nila ako. Sasabihin ko tatanong ko kahit alam ko hindi ako papayagan. Ayokong sumama. Ayokong makasama sila kapag magsasaya sila, dahil sigurado ako masisira lang yon kapag andoon ako. Wala! Kasi sa tuwing nandoon ako, kahit sinong kasama, kahit saang lugar, may masamang nangyayari. Kung hindi mag aaway away, may mga masisira, mabubulilyaso. Ewan ko kung nagkakataon lang yon. Pero laging ganon ang nangyayari.
Dapat talaga siguro mag isa lang ako. Hahaha.
What is Living?
It is moving forward even though you're stuck in the moment. Breathing while drowning. It is fighting while losing. Living is staying alive while dying inside.
Live! 'Cause you'll miss this when you die.
Living is like memorizing a dance, you'll make mistake but make sure that you'll get up and keep on fighting. Remember sway with the music.
BINABASA MO ANG
Silent and liSten
Misteri / ThrillerSilent means those silent battles you've been fighting and those silent cries no one heard. While, liSten means no one is listening to those cries or rather asking someone to listen to you and hugs you when you feel like sh*t.