Tayo
Isa, dalawa, tatlo
Dumating ka sa mundo ko
Apat, lima, anim
Nanatili ka sa aking tabi, nakatanim
Pito, walo, siyam
Nagpahiwatig ka sa isang liham
Sampo, labing isa, labing dalawa
Nagkaroon ng tayo at napatawa
Pinuno mo ng pag-asa ang kalawakang nanahimik
Kinulayan mo ang mundong puti at itim sa ngiti mong nagpapaamin
Puso, isip, sa pagtulog, sa pag gising, pangalan mo na ang siyang sinisigaw
Bakit kay bilis ng lahat, bakit kay dali ng lahat,
Mga tanong na hindi ko na inintindi
Sapagkat sa ngiti at tanaw ng iyong mga mata, natutunaw nito ang mga pangamba
Ikaw at ako, tayo lang, walang iba
Sa una, masaya
Sa una, maganda
Pero bakit bigla kang lumayo,
Nag-iba at lumayas sa kalawakang iyong binuo
Walang salita na nanggaling sa iyo kung bakit
Walang galaw na ipinakita na aalis
Mga kulay na iyong inembento, mga salitang binigyang kahulugan,
Ngayon di na maramdaman
Puso'y dumudugo
Isip ay nalilito
Saan ba nagkamali
Saan ba nagkulang
Sino ang isisisi
Hindi dapat ang sarili
Mga sagot na iyong binuo
Ngayon ay naging puno na ng katanungan
Ang saya dulot ng iyong ngiti
Naging dahilan na sa pagluha
Pero hindi na dapat pang masaktan
Sapagkat hindi ka naman ata nasaktan sa iyong paglisan
Dahan-dahang pinoproseso ang lahat,
Sa bilis ng iyong pagdating at bilis din ng iyong pag-alis.
May isang ako at may ikaw na lang,
Sa kwentong biglang nagsimula, nanggulo, nanakit at nagpa-iyak
Ng isang pusong di pa nagmahal
kaya naniwala sa iyong mga salita
at nadala iyong mga gawa
Dapat matuto
Kahit magulo
YOU ARE READING
Just Go, Never Beg
PoetryWords from the heart, little Poetry mixed with an art. Love that never fades, Stand Fight and be Quiet never be like Hades.