Nakaraan
Ba't ang kay sakit,
Pag-usapan ang dati?
Na siya ay minahal mo ng sobra,
Sa panahong kinalimutan mo na ang iyong sarili
Bawat pagbigkas mo sa mga salitang kung gaano mo siya kamahal, nilalamnam ko ang sakit at inintindi kung bakit dahil gusto kong tanggapin
Ikaw at siya, sa mundong inyong binuo
Ikaw at siya, hanggang dulo
Sinubukan kong pigilan ang luha,
Sinubukan kong huwag ipakita
Mga laman ng iyong salita
Mga laman ng iyong mata
Punong-puno ng buhay,
Punong-puno ng sigla
Pangalan niyang memorya na ng iyong puso
Pangalan niyang laman ng iyong mundo
Napaisip ako ng malalim, sa mga bagay na kahit kalian hindi ko inakalang mararamdaman.
Ayaw kong makipaghabulan, hindi ako ganyan
Pero bakit gusto kong lampasan, damdaming nadama mo sa kanya?
Napangiti ako't napatahimik,
Masakit pala.
At nakakatakot,
Na dadating pa din ang araw na pipiliin mo pa din siya
Iisipin mo pa din siya
Na babalikan mo pa din siya.
Dahil siya ay siya
Iyong tunay mong minahal,
Na saksi ang oras at buwan,
At mga unan na iyong iniyakan,
Sa pag-iibigan niyong biglang naglaho
Gusto kong tanggapin, pero nakapahirap intindihin.
Na kahit kailan, hindi ko mapapantayan.
Na kahit kailan, hindi ko kayang labanan
Bakit at bakit,
Hindi na sana nasaktan pa.
YOU ARE READING
Just Go, Never Beg
PoetryWords from the heart, little Poetry mixed with an art. Love that never fades, Stand Fight and be Quiet never be like Hades.