#21
Sa dulo at katapusan,
Natutunan kong magsimula nang bago.
Kung saan sarili ko naman ang iisipin ko,
At sarili ko naman ang uunahin ko.
Mga luha, oras at panahong nasayang
Mga araw ko na siyang sinayang
Itong puso na walang ibang ginawa kundi magmahal
Itong puso na kahit kailan hindi minahal.
Mga pangarap na binuo nito,
Mga desisyong nabago.
Iluluha na lang ang siyang sakit.
Titiisin na lang ang pait.
YOU ARE READING
Just Go, Never Beg
PoetryWords from the heart, little Poetry mixed with an art. Love that never fades, Stand Fight and be Quiet never be like Hades.